HNKC! 7

66 3 7
                                    

Ate Cheonsa's Note: The long wait is over mga bebe 😂 kung may naghintay man. HAHAHA 😂😂 sorry po sa super duper late update ✌😔 nawalan po kasi ako ng inspiration 😔 buti nalang at pinilit ako ng asawa ko na si Kai na magsulat ulit 😍😂 💞

P.S. Wala pong kinalaman sa story yung nasa media. Kinikilig lang talaga ako kay Samuel Kim 😍 pero hindi ako nagtataksil kay Kai ha ✋😋 So much for that, here's the update 😂😂 hope you like it 😙

>>>>>

May meeting ang teachers ngayon kaya nandito ulit kami sa gym para mag practice ng sayaw. Pabibo kasi yung anak ng principal namin na Dimwell Manicad pala ang pangalan, may pa-meeting meeting pang nalalaman. Tsk. Paniradong kalokohan nanaman yun. Hindi naman sa pagiging bastos, pero may parte kasi sakin na parang gusto ko siyang lait laitin. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko kasi matagal ko na siyang kilala, hindi ko lang maalala kung kelan o saan--

"Amarah, pwedeng magtanong?" Sabi ni Psyril habang pinagdidikit ang hintuturo niya. Tsk. Kung hindi ko lang alam na crush nito si Lexi, baka napagkamalan ko na tong bakla.

"Kahit naman sabihin kong hindi, magtatanong ka parin" inirapan nanaman niya ako. Tsk. Pang ilang irap niya na ba to sakin? -___-

"Tss. Paano ba manligaw?"

Binigyan ko muna siya ng 'ang-tanga-mo' na tingin saka sinabing-- "Ako pa talaga ang tinanong mo ha! Lalaki ba ako? Lalaki ako? Ha! Sagutin mo!" Saka siya inirapan. Ha! Kala niya siya lang marunong mang-irap?

"Sorry"

Uh oh. Mukhang napasobra ang kabaliwan ko.

"Sorry. Hindi ko kasi talaga alam kung paano manligaw. Alam mo namang napaka-gwapo ko kaya ako na ang nililigawan ng mga babae. Nagtataka nga ako eh. Crush naman ako ni Lexi, pero bakit hindi pa siya nagcoconfess sakin? Not like other girls na may gusto sakin. Pero siguro yun din yung nagustuhan ko sakanya. She's unique in her own way. At dahil dun, hindi ko tuloy masabi sa kanyang gusto ko din siya" sabi niya saka ginulo ang magulo niya ng buhok.

"May bagyo ba? Ang hangin kasi banda dito eh" sabi ko sabay turo sakanya. Yabang eh. -___-

"Alam mo, hindi lahat ng babae showy sa feelings nila. Yung iba mas pinipiling itago nalang kasi iniisip nila na wala rin namang magbabago kung sasabihin pa nila. Baka kasi masaktan ka lang sa huli pag sinabi mo pa. Kadalasan kasi ganito yun, 'Gusto mo siya. Wala siyang pakialam' Ang sakit non diba? Kaya mas mabuting i-secret nalang yun kesa masaktan ka pa sa katotohanang, wala siyang pake sayo! Gets mo?"

"Yeah. Siguro nga akala niya na wala akong pake sa feelings niya. Pero paano niya malalaman yung feelings ko kung hindi siya magco-confess sakin-- ARAY! Bakit ba nambabatok?" Tanga pala to eh.

"Tanga ka ba o tanga talaga? Syempre dapat ikaw ang gumawa ng paraan para malaman niya yung feelings mo at para masabi niya din yung feelings niya sayo. Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba--"

"No! Not going to happen. Pero, paano ko yun gagawin? Damn. I really don't know how to court someone. If only--" saglit siyang tumigil saka tumingin sakin, nagpout at nagpuppy eyes. "Can you help me? Please. Tulungan mo na kasi ako Amarah" sabi niya saka hinawakan ang kanang kamay ko.

"Ano ba! Hindi nga ako marunong"

"Gagawin ko lahat ng gusto mo. Just help me. Please" kunot noo ko siyang tiningnan at parang lumambot ang puso ko ng makitang paiyak na siya. Shemay! 'Amarah. Tulungan mo na. Baka makaiyak pa' sabi ni brainy.

"Tsk. Sige na nga. Kaya lang, hindi talaga ako marunong. Pero wag kang mag-alala, hihingi akong tulong sa super friends ko" unti-unting gumuhit ang ngiti niya. Tsk. Bakla talaga to.

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Where stories live. Discover now