HNKC! 8

64 3 12
                                    

Jusko! Late nanaman ako. Napasarap kasi ang pagse-selfie ko kanina sa CR. Nakakaadik kasi yung mukha ko. Lol. (^O^)

Tsk. Bakit kasi English pa ang first subject namin ngayon? Pabibo talaga ang tadhana! Lagi nalang sa klase ni Sir Kalbo ako nale-late. Pwede namang sa klase nalang ni Ma'am Jen para okay lang kahit 30 minutes late ako---

"Aray!" Bulag ba tong nakabangga ko para hindi niya makita na may dadaang dyosa? Tsk.

Tatayo na sana ako dahil mukha namang wala siyang balak itayo ako ng-- "Bulag ka ba o tanga? Kitang dadaan ako, paharang harang ka. Tss. Dyan ka na nga. Panget mo!"

ANO DAW?!

Agad akong tumayo at binato sakanya ang sapatos ko. Bwisit na lalaki to! Siya na nga ang nakasakit, siya pa ang may ganang magalit?! At higit sa lahat, natanga pa ko! Mabuti nalang at hindi pa siya masyadong nakakalayo kaya sapul sa ulo niya ang sapatos ko. Buti nga sakanya! Panget niya din! Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya! Basta panget din siya--

"What the!" Galit niya akong nilingot at--

O_____O

Oh my gwapo.

Joke lang palang panget siya. Omooo! Define gwapo. Siya yun. Grabe ang gwapo niya talaga tapos ang tangkad pa at mukhang may v-line at abs--

"Tinitingin-tingin mo dyan? Mukha kang tanga. Ay hindi pala. Tanga ka na nga pala"

Joke lang ulit. Hindi na pala siya gwapo. Wala na din siyang v-line at abs. Panget na ulit siya. Sobrang panget na! Lalo na yung ugali. Ang panget niya!  >___<

"Bakit ka ba nakatingin sakin? Ano bang problema mo?" Kunot noo niyang tanong. Tsk. Panget niya talaga!

"Problema ko? Ikaw ang problema ko, bwisit ka! Alam mo bang late nako kaya ako nagmamadali. English pa ang first subject namin ngayon. Alam mo ba kung gaano kasungit si Sir Kal-- este Sir Dimayacyac? Tapos ikaw na nga ang nakabangga sakin, ikaw pa may ganang magalit! Ni hindi ka manlang nagsorry. Anong klaseng lalaki ka? Oh wait, lalaki ka nga ba? Tapos tinawag mo pa akong bulag, tanga at higit sa lahat, panget! FYI, maganda ako! Kahit late nako, maganda ako. Kahit hindi ako kumain, maganda ako. At kahit hindi ako uminom, maganda ako. Ikaw, gwapo ka ba?"

"Done?"

Yun na yun? Done lang ang sasabihin niya? Pagkatapos ng napakahaba kong speech? Done lang ang sagot niya? Grrr. Ginagalit niya talaga ako-- teka, bakit ka naman nag-e-expect ng mahabang sagot mula sa hinayupak na yan, Amarah? Close kayo?

"Hindi ako magso-sorry sayo kasi ikaw naman ang may kasalanan. Tss. You're wasting my precious time" sabi niya tapos may pinulot na kung ano at tinapon sa malayo saka ako nginitian ng parang demonyo. Nag make face lang ako sakanya. Tsk. Pake ko dun sa tinapon niya.

"Aray"

Tupangina!

"YAAAH!" Sigaw ko sa hinayupak na lalaking yun.

Tupangina talaga! Bwisit na lalaki yun. Sapatos ko pala yung binato niya sa malayo. Kaya pala ngiting ngiti siya!  >___<

"Hahahahaha. Ang panget mo talaga tanga!"

Aba at natanga nanaman ako. Talagang ginagalit ako ng gwa-- este panget na yan. Grrr. Bwisit siya!

"Hoy! Ibalik mo sakin yung sapatos ko! YAAAH!"

Grrr. Napakasama talaga ng ugali ng panget na yun! Itapon ba naman sa malayo yung sapatos ko?

"Aww" Kapag minamalas ka nga naman. Nakatapak pa ako ng thumbtacks. With s talaga dahil dalawa sila. Huhuhu. Bakit kasi magkasama pa sila, wala namang forever! Naku naman. Paniguradong matagal tong gagaling, meron pa naman ako. Tsk. Bakit kasi lagi nalang akong minamalas pag nale-late ako?  ( ToT )

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora