HNKC! 2

143 4 17
                                    

"Why are you late?" Nandito na pala kami sa AVR. Totoo palang pag kasama mo ang crush mo bumabagal ang oras. Pero dahil hindi ko na crush si Paulo, bumilis yung oras.

"Sorry Sir, nagdate pa po kasi kami ni Lou" sabi ng katabi ko saka humagalpak ng tawa. Anong nakakatawa dun? Binigyan ko lang siya ng death glare ni Ezekiel Roswell (my husband is a mafia boss ^∇^)

"Hindi po Sir. Tinanghali po kasi ako ng gising kaya ako nalate. Siya po, hindi ko alam" isang malokong ngiti lang ang sinagot sakin ni Sir.

"Sir Rob naman eh" > / / / / / <

"Pfft. Bakit? Wala naman akong sinasabi ah"

Adviser namin si Sir Rob nung grade 9 at siya din ang unang nakaalam na crush ko si Paulo. Nahalata niya daw kasi na lagi akong nakatingin kay Paulo nung grade 9 kami. Kaya simula nun lagi niya na ako inaasar gamit ang kanyang mapang-asar na ngiti. Nakakainis nga kasi, si Sir talaga ang unang nakaalam. Mas nauna pa niyang nalaman kesa sakin. Hindi ko kasi maamin sa sarili kong crush ko na si Paulo. At hindi ako makapaniwalang nagkacrush na ako sa classmate ko. K-pop boy group lang kasi ang laman ng puso ko eh. (Kim Jong In ^∇^) Siya nga din yata ang first crush ko. Joke! Hindi naman siguro. Hindi ko lang maalala kasi makakalimutin ako.

Grade 9--- unang beses kong nakilala at naging classmate si Paulo. Hindi ko nga alam kung bakit grade 9 ko lang siya nakilala eh. Famous naman siya at varsity pa ng basketball. Campus heartthrob din. Siguro dahil wala lang akong pake sa Earth. Gusto ko kasi sa EXO Planet (^∇^)

"Ehem" pag-epal ni Paulo.

"Pfft. Ok, Reason accepted. Come in, couples" sabi ni Sir Rob kaya agad akong napatingin kay Paulo. Jusko! Ngiting aso nanaman. Narinig kaya niya yung pa 'couples' ni Sir? Sana hindi! Hindi naman sa crush ko pa siya pero, basta! Nakamove on na nga ako, ok?

"Bakit?" Parang tangang tanong ni Paulo. Tinatanggal ko na kasi yung kamay ko sa kanya. Magkahiwalay kasi yung girls at boys sa kadahilanang--- hindi ko alam. Left ang boys at syempre always right ang girls.

"Anong bakit? Uupo na ako. Umupo kana din" sabi ko habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ayoko" sabi niya saka nagpout. Putek! Bakit ang cute?

Ano ba Amarah? Wag ka magpapadala sa pagpapacute niya. Panget siya, ok? Panget!

(Ako) →_→ >3< (Paulo)

Huminga muna siya ng malalim saka dahan dahang binitawan ang kamay ko.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ulit ang kamay ko---

"Cheese-- ah-- Paulo! Ano ba!" Putek! Bakit Cheese pa ang nasabi ko?

Cheese--- yan ang codename namin dati kay Paulo. Sa kadahilanang-- hindi ko ulit alam. Bigla nalang yan pumasok sa utak ko ng tanungin ako ng mga luka kong kaibigan kung anong i-co-codename ko sakanya.

Waaaaah! Baka isipin niya hindi pa ako move on. Baka isipin niya na crush ko na ulit siya. Halaaaaa! (╥___╥)

Teka, bakit ang OA ko? Hindi nga pala niya alam na Cheese ang codename namin sa kanya dati (^o^)/

Ok. Act normal Lou-- este Amarah. Ano bayan! Napapa-Lou na din ako. Si Paulo kasi eh!

Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sakanya. Kung kanina nakangiting aso siya, ngayon nakangiting wolf na. Ano bang problema ng isang to at kung makangiti akala mo wala ng bukas?

"Ano na naman ba Estrada?" Walang emosyon kong sabi para syempre, kunware hindi ko siya natawag na Cheese kanina.

"Wala lang" sabi niya habang nakangiti ng parang tanga. Bwisit! Bakit ang gwapooooo! (╥___╥)

"Napaka pa-fall mo Paulo! Pa-fall! Pa-fall! Pa-fall!" Pero syempre hindi ko yan sinabi. Baka isipin pa niyang crush ko pa siya. Nakamove on nako no!

Inirapan ko nalang siya at inalis ang ang kamay ko sakanya.

Agad na akong pumunta sa tabi ng mga bestfriends ko. Aba mahirap na. Baka mabaliw na naman si Paulo at hindi na talaga ako bitawan.

Hindi man lang ako napansin ng mga luka ng makaupo ako sa tabi nila. Paano ba naman kilig na kilig habang kumakanta ng k-pop. Jusko. Tama nga ang hula ko, dinala nga ni Sir Kalbo ang classmates ko sa EXO Planet. Nanonood kasi lahat ng grade 12 ngayon ng music video ng EXO. Ano kayang trip mg principal namin at pinanood kami ng ganito? Pero dahil hindi naman lahat k-pop lover, ayun tulog na ang iba at todo chika naman ang iba. Hindi lang pala EXO ang pinapanood nila meron din INFINITE, BTS, TWICE, BLACKPINK, GOT7, SEVENTEEN, VIXX, BTOB, IKON, SHINEE, BIGBANG at marapi pang iba. Kyaaaaah~ bakit ba ako nalate?

"Bakit?" Tanong ko ng mapansing naka-ngiting demonyo sila sakin.

"Move on na daw" sabi ni Trisha with her mapang-asar na tingin.

"Cheese pa rin pala" sabi naman ni Chaste habang kumakain ng pop corn.

"Napaka nyo po! Nakasabay ko lang yun ha!"

Bakit napakamalisyosa ng mga babaeng to?!

"Ah. Kapag pala nakasabay ko din si Liam pumasok, maghoholding hands din kami" sabi ni Bea na mukhang nagde-day dream na.

"Parang si Shinji ko lang pala si Paulo. Ayaw bitiwan ang kamay ko ^O^ " kilig na kilig naman na sabi ni Joyce.

Haaaaay~ mukhang mahabang paliwanagan ang kailangan kong gawin ngayon ah. ╭(╯ε╰)╮

"Napaka niyo po talaga" sabi ko saka nagpout para cute ako. (^∇^)

"Spill it" sabi ni Bea. Magsasalita na sana ako ng---

"Shhh.. Wag kayo maingay malapit na ang 'BOOMBAYAH'" sabi ni Chloe kaya tumahimik na muna kami.

"Mamaya ko nalang kukwento" sabi ko sa kanila. Nakakahiya naman kasi kay Chloe. Saka favorite namin ang 'BOOMBAYAH'.

Kyaaaaah~ 'Amazing' pala ng INFINITE ang sunod. Nakasulat kasi sa baba ng screen ang next song. K-pop is life talaga. (^∇^)

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum