“J-Justin?” Kumatok ako. “Justin, mag-usap tayo.”

     Pero hindi siya sumagot.

     Wala na kong magagawa. Huminga ako ng malalim at ipinasok ‘yung susi sa knob. Noong bumukas ‘yung pintuan, tumingin si Justin sa akin. Napakagat ako sa labi ko.

     Mapula ‘yung mga mata niya habang nakaupo doon sa gilid ng kama.

     “Justin,” mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay parang may kumirot sa puso ko. Isinarado ko ‘yung pinto at lumakad papunta sa kanya. “Justin.”

     “A-Ayokong makita mo ko ng... ng ganito, Luna.” Pinunasan niya ‘yung luha sa mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay.

     “Justin.” Maging ako ay nangilid na rin ang luha. “I’m sorry. Ako ang may kasalanan. Sorry talaga.”

     Umiling siya. “No. H-Hindi ikaw ang may kasalanan. Ako. A-Ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon.”

      “Please. Justin.” May pumatak na luha mula sa mga mata ko.

      “Alam ko naman na mula noong umpisa pa lamang ay si Jessie na talaga ang gusto mo. Kaso... hindi ko napigilan ‘yung sarili ko na mahulog sa’yo e. It’s my fault because I’ve fallen for someone who loves another guy.” Sinapo niya ‘yung ulo niya.

      “Akala ko noong una, k-kaya kong makitang kasama mo pa din si Jessie. Pero hindi e. Sobrang nasasaktan ako tuwing kasama mo siya. Ang sakit-sakit. Sa sobrang sakit ay parang gusto nang sumabog ng puso ko.”

     Lalong tumulo ‘yung luha ko sa sinabi niya. Niyakap ko si Justin. “I’m really sorry, Justin.”

     “Saan ka ba nagso-sorry? Doon sa nakita ko kanina o dahil hindi mo ko kayang mahalin?”

     Humigpit ‘yung pagkakayakap ko sa kanya. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Please. You’re still special to me.”

     Bigla siyang tumayo. Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. “Justin.” Nakita kong pumatak ‘yung luha mula sa mga mata niya. Ang sakit makitang umiiyak ‘yung taong mahalaga sa’yo. Lalo na kung alam mong ikaw ang dahilan ng bawat pagtulo ng luha niya.

     “I think we should stop this, Luna.”

     Bumigat ‘yung dibdib ko. Kahit papaano din naman kasi nagkaroon siya ng puwang sa puso ko. Oo, mahal ko pa din si Jessie. Hindi naman kasi sa isang iglap lang ay mawawala ‘yon e. Lalo na kapag nagmahal ka ng totoo.

     Pero mahalaga pa din kasi sa akin si Justin. I may not love him like the way I love Jessie, but still, he is very important to me. At ayokong lumayo siya sa akin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now