TIGHT-LIPPED/ chap.29

Magsimula sa umpisa
                                    

Nung mga panahong iyon ay iisa lang ang pangarap namin ni Simon—ang magmay-ari ng Libral Imperial Group of Companies. Ito ang kumpanya na talagang pinagbuhusan ng sipag at pagod ng aming ama, si Manuel Jacinto Libral. Bilang bunso, gusto kong ipakita sa Papa na hindi kasing-baba ng iniisip nila ang level ko. Kahit mas bata ako, alam ko na mas maabilidad ako at naaangkop ako sa posisyon. Kaya naman nagpagod ako. Nag-aral ako ng mabuti. Nang dumating na sa pagkokolehiyo, hindi ko inaasahan na mag-iiba na ang lahat.

“Ano  ‘to?” tanong ko habang binubuksan ko ang envelope ng papunit.

“Brochure para sa university na papasukan mo sa Paris,” ngiti sa akin ni Papa.

“Paris?” kunot-noo ko saka hindi na inabalang ilabas pa ang brochure na nasa envelope. “Bakit ninyo ako ipapadala sa Paris?”

“Doon ka na magkokolehiyo. Fine Arts.”

“Fine Arts?” gilalas kong tanong. “Bakit Fine Arts? Ayoko ng Fine Arts!”

“Pero nakita ko ang mga drawing mo at paintings, hijo,” ngiti pa rin niya saka humigop ng kape, “may potential ka sa pagpipinta at ayokong masayang iyon.”
“Pero Papa,” lapit ko sa kanya, “malamya ang Fine Arts! Boring! Puro pagpipinta… Oo, libangan ko nga ang pagpipinta pero hindi iyon ang propesyon ko!”

Siya namang dating ni Simon sa veranda. As usual, naka-suot siya ng damit na parang sanggano—tattered jeans, itim na fitting shirt na cut-off ang sleeves at rubber shoes. Lagpas-balikat pa ang buhok niya, maraming tattoo at naninigarilyo pa.

“Bullshit, Simon!” bunganga kaagad sa kanya ni Papa na napatayo. “How dare you show up to me like that!?”

Ngumisi lang si Simon. “Bakit? Wala naman yatang pinag-usapang attire ah, Papa?”

Nasapo na lang ni Papa ang noo. Ano pa nga ba ang magagawa niyang pagkontra sa paborito niyang panganay?
“Bakit ba kasi pinapunta niyo pa ako rito?” tanong niya tsaka ako binalingan. “Hey!! Placido Penitente!”

“May natutunan ka rin pala sa Noli Me Tangere,” ngitngit ko lang. Simula kasi nang maging bastardo si Simon ay lumayo na talaga ang loob ko sa kanya. Lalo pa at puro sakit ng ulo lang ang binigay niya sa Papa.

“Noli ba ‘yun?” tawa lang niya tsaka umupo katapat ni Papa. “Ano na?”

Napailing lang si Papa tsaka may inabot na Registration Form mula sa UP.

“University of the Philippines…” panimulang basa ni Simon. Tahimik lang namin siyang pinakinggan.

“B-Business Administration?” echo ko nang basahin ni Simon ang course niya.

Initsa lang ni Simon sa lamesa ang Registration Form. “Kayo na pala ang nag-enrol sa akin sa college. Pwede na pala ‘yung ganun,” ngisi niya.

“Alam ko naman kasi na sa walang-kwenta mo lang gagastusin ang tuition fee mo kaya nanigurado na ako.”

Napailing na lang si Simon. “Eh bakit hindi na lang iyang si Placido Penitente ang ini-enroll mo diyan sa U.P. ng Business Ad? Siya naman ang may gusto niyang kurso na ‘yan?”

Doon ko siya parang gustong yakapin. Sana makumbinsi niya si Papa.

“Sa ayaw at gusto mo, mag-aaral ka ng Business Ad sa U.P.”

“Si Placido na lang!” pilit niya tsaka tumayo.

“Sige,” tayo ni Papa. “Bibigyan kita ng dalawang linggo para pag-isipan ito. Kapag hindi na nagbago ang isip mo at ayaw mo sa U.P., si Placido na lang ang ipapalit ko sayo.”

Yes! Lihim akong natuwa sa sinabi ng Papa. Nagkibit-balikat lang si Simon tsaka tumalikod na para umalis.

Pero pagkaraan ng dalawang linggo, nagbago si Simon. Lagi na lang siyang nakakulong sa kwarto at nag-iinom. Nag-alala ang Papa kaya pinatawag siya nito sa veranda. Ako naman ay palihim lang na nakinig sa usapan nila.

“Pare-pareho lang pala ang mga babae, Papa,” parang sumbong ni Simon kay Papa. “Wala talagang makatanggap na kahit bali-baligtarin pa nila ang mundo, ganito na ako! Bastardo!”

“Hindi ka bastardo, anak,” comfort sa kaniya ng Papa saka ito tinapik-tapik sa braso. “Mag-aral ka. Pagandahin mo ang imahe mo. At sa muli ninyong pagkikita ng babaeng iyan, tiyak na magsisisi siya na pinakawalan mo siya.”

Natahimik ng ilang sandali si Simon. Pigil ko ang hininga ko. Sana ay maalala naman niya ako. Sana maalala niya na pinaubaya na niya sa akin ang pangarap na magmay-ari ng L.I. Group of Companies simula nang mag-rebelde siya kay Papa.

“Sa tingin ko, tama nga kayo, Papa,” sambit niya na parang nagpaguho sa mundo ko.

Kaya kahit labag sa kagustuhan ko ay napadala ako sa Paris para sa kursong Fine Arts na tinapos ko.

At doon ko nakilala si Dwane. Siya ang nagturo sa akin ng drug business. Hanggang sa napalaki ko ang negosyo ng drug dealing at naisipan ko na magtayo ng sarili kong sindikato sa Pilipinas. At sinadya ko talaga na masali si Simon sa sindikato. Ginawa ko iyon  ng lingid sa kaalaman niya na ako ang Big Boss at ginamit ko ang ilan kong mga tauhan para mapapayag siyang sumali. Napasali ko si Simon nung mga panahon na bumagsak ang ekonomiya nang  bansa at halos maghikahos na ang L.I. Group of Companies sa pamamahala niya.

Si Ronnie naman ay inampon ko noong hindi kami magkaanak ni Glorietta. Dahil gusto ko manigurado na may magmamana ng sindikatong pagmamay-ari ko.

Mula sa malayo ay natanaw ko na parating na sila Ronnie. Mukhang nahuli na nila sina Simon at Segmun. Dito na magtatapos ang lahat.

Pero nagulat ako ng tumalikod si Ronnie para harapin sila. Naririnig ko ng bahagya ang away nila kaya nagpasama na ako sa isa kong tauhan para lapitan sila. Pagkalapit ko nga ay nakita ko na lumalakad si Ronnie palapit kay Segmun habang nakatutok ang baril niya rito.

“Ronnie, ‘di ba ang sabi ko sa’yo, dalhin mo sila sa akin ng buhay?” sabi ko na siyang kumuha ng atensyon nila kaya napatingin sila sa akin.

“P-Placido!” bulalas ng magaling kong kapatid.

Napangisi na lamang ako saka nagbuga ng usok mula sa bibig ko galing sa hinihithit kong sigarilyo.

“I-Ikaw, Tito?” sambit naman ni Segmun na nagpupumiglas na para marahil ay sugurin ako pero hindi siya nakawala sa mga tauhan ko. “Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?”

Napailing na lang ako. “Lahat ng traydor sa sindikato ay pagbabayaran na ang mga kasalanan nila sa akin,” titig ko kay Simon.

“H-Hindi ko ito inaasahan sa’yo—“ kalmante pang sagot ni Simon bago nawala ang pagtitimpi niya at tuluyang nang nagwala. “Putang-ina mo, Placido! Ahas ka!”

Napatawa na lang ako. Nakakatuwa ang reaksyon ng mag-ama. Nakakatuwa at nakakatawa.

“Looks can really be deceiving,” ngisi ko na lang saka binalingan si Ronnie. “Ikaw, keep cool. Ikaw naman ang papatay kay Segmun mamaya eh, ako na ang bahala sa dalawang traydor ng sindikato—“

Natigilan ako. Parang may kulang yata sa mga nahuli nila kaya napalingon ako. Minasdan ko si Simon na mura pa rin ng mura, si Segmun at Lavinia.

“Nasaan si Macario?” tanong ko kay Ronnie.

“Iyon nga ang kinagagalit ko!” sagot niya sa akin. “Nakatakas si Macario!”

“Hanapin niyo siya! Tawagin mo ang iba pang mga tauhan,” utos ko kay Ronnie na agad nang umalis para sundin ang utos ko. “Kayo,” baling ko naman sa mga tauhan ko na may hawak kina Simon, “itali ang mga ‘yan sa puno’ng iyon” turo ko sa isang pinakamalapit na puno ng niyog.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon