TIGHT-LIPPED/ chap.25

3.2K 48 0
                                    

Chapter Twenty-Five

________________________________

[ Ronnie’s POV ]

Saktong pagpatak ng alas-sais ng gabi ay hindi ko mapigilan na makadama ng excitement. Ngayong gabi ko na isasakatuparan ang mga plano. Nagpalitan kami ng tingin ni Tito Placido na komportableng nakaupo sa veranda malapit sa hardin. Nagkakape lang siya. Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. Tingin na parang sinisigurado na magiging ayos lang ang lahat. Nginitian ko lang naman siya tsaka ako tumalikod para umakyat ng hagdan. Saktong nasalubong ko sa hagdan si Lavinia. Nawalan na ako ng gana na ilayo siya kay Segmun. After all, kailangan nang maisagawa ang mga plano bago pa kami maunahan ni Macario na masuplong sa pulisya, kaya hindi na ako makikipaglaro pa sa nobya ni Segmun para makaganti ako sa kanya. Kawawa nga lang si Segmun dahil wala siyang kaalam-alam sa sindikato at hindi niya alam na kasali ang kanyang ama na kinamumuhian ko rin—si Tito Simon.

Kinamuhian ko siya dahil sa kabila ng pagiging suplado at mayabang, siya ang mas nakakaangat sa aking Papa at sa iba pa niyang kapatid dahil siya ang orihinal na anak. Anak ng Lolo Manuel sa unang asawa. Samantalang ang aking ama na matagal nang patay at sina Tito Placido ay anak na ng lolo sa pangalawang asawa. Siyempre, nagtanim na din ako ng sama ng loob sa Lolo Manuel dahil na rin sa mana, pero hindi ko na siya nagantihan pa dahil patay na siya bago namulat ang mga mata ko sa katotohanan.

“Hindi ka ba sasabay sa amin maghapunan?” tanong sa akin ni Lavinia nang lagpasan ko siya.

Agad akong lumingon sa kanya at ngumiti, “Hindi kaya magselos si Segmun at kinakausap mo ako?”

Napailing lang at ngumiti si Lavinia sa akin. “Seloso lang ‘yun. Wala naman siguro siyang dapat ikaselos ‘di ba?”

“Marahil. Pero kung hindi ka lang nobya ni Segmun, popormahan na kita.”

Napatanga lang si Lavinia saka naapuhap na sabihin. “You must be kidding.”

“I’m serious,” pa-misteryoso kong sabi saka siya tinalikuran.

[ Segmun’s POV ]

“Kaya layuan mo ‘yan,” sabi ko nang marinig ang usapan nina Ronnie at Lavinia.

Napatingin tuloy silang dalawa sa akin.

Agad kong hinablot sa braso si Lavinia at nilayo kay Ronnie.

“Segmun…”

“Layuan mo siya. Ang akin ay akin,” giit ko kay Ronnie.

Ngumisi lang siya. “Hindi pa naman siya sa’yo. Hindi pa iisa ang apelyido ninyo.”

“Aba’t—“

Niyapos agad ako ni Lavinia. “Segmun! Parang hindi kayo magpinsan!”

Pinilit ko na lang na magpatangay kay Lavinia na hinila ako pababa ng hagdan.

“Hindi naman talaga kami magpinsan,” misteryosong ngisi ni Ronnie saka tumalikod at tinungo ang silid niya.

Pagkatapos ng hapunan ay nauna na si Lavinia na pumunta sa silid namin. Maagang matutulog ngayon ang lahat. Naunang umalis sina Tito Placido at Ronnie. Nakita ko na parang nagtatalo sina Tito Placido at Tita Glorietta pero hindi ko  na nausisa pa dahil wala rin namang nakapansin at baka maliit na bagay lang ang pinag-aawayan nila. Si Tito Placido kasi yung klase ng tao na madaling mawala ang galit. Kalmante pa at palangiti.

Dahil sa pag-iisip kung paano magso-sorry kay Lavinia dahil hindi ko siya pinansin kaninang hapunan, napalagpas tuloy ako sa silid namin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng silid ni Papa. Medyo nakaawang pa ang pinto kaya narinig ko ang mababang tinig mula sa loob. Isasara ko na sana ang pinto sa pag-aakalang nanonood lang ng TV sa silid ang Papa pero may nasilip ako.

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now