TIGHT-LIPPED/ chap. 17

3.4K 57 0
                                    

Chapter Seventeen

_______________________________

[Lavinia’s POV]

*yugyog*

Mmmmmmmmmmft.

*yugyog*

Hhhhmmm?

“Gising na, Lavinia” – Segmun.

O__--- “Hmmmmmm?”

“Bumangon ka na diyan. Hinihintay na tayo sa dining room.”

“Sinong naghihintay?” pilit na akong bumangon.

“Mga pinsan ko.”

O________O MGA? So it means, hindi lang si Ronnie ang nandito na ngayon? May dumagdag pa?

Umalis na sa gilid ng kama si Segmun at inabutan ako ng tuwalya.

“Dali.”

“Opo” nguso ko na lang tsaka agad na pumasok sa banyo.

*SHOWER* *SHOWER*

Nakatapis na lang ako pero paglabas ko ng banyo O_________O

Nagtago ako sa likod ng pinto ng banyo.

“Bakit nandito ka paaaaaaaaaa?”

“Hinihintay ka, malamang,” cool lang na sabi ni Segmun.

“Pa’no ako magbibihis kung nandiyan ka?”

“Hanggang ngayon ba naman napaka-conservative mo pa rin?”

“Hahambalusin kita pag di ka pa umalis diyan!”

“Alright! Alright!” suko niya. “Dalian mo.Hintayin kita sa labas.”

Tapos lumabas na siya ng kwarto. Sa wakas pwede ko nang suotin  ang gusto kong suotin na damit—jeans at isang body-fit na shirt. Nagsuklay na ako, nag-ayos at paglabas ko ng kwarto nandoon pa rin si Segmun.

“Ang tagal-tagal,” reklamo niya.

Hindi talaga maintindihan ng mga lalaki kung bakit natatagalan kaming mga babae sa pag-aayos. Mga mata rin naman nila ang nakikinabang! Tsk tsk tsk!!

Pagdating namin sa dining room, hindi ko alam kung lalamunin ba ako ng mga tingin ng mga pinsan ni Segmun. They looked friendly though, at pantay ang ratio. Tatlong lalaki at tatlong babae.

“Lavinia,” akbay sa akin ni Segmun. “My cousins, Lora, Naddie and Julia. That’s Harvey, Julia’s boyfriend, at iyan naman si Cliff, Lora’s boyfriend.”

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now