TIGHT-LIPPED/ chap.15

3.5K 50 0
                                    

Chapter Fifteen

_____________________

[Segmun’s POV]

Dinala ko si Nanay Dolores sa harap ng kabaong ni Mang Fabian.

“Nay Dolores, sabihin mo sa akin ang tunay na nangyari.”

Pinilit ko na maging mababa lang at kalmado ang boses ko.

Napailing si Nanay Dolores. “S-Senorito Segmun…”

Naiiyak na siya.

“Nakita niyo lang ba talaga na bangkay na lang sa maisan si Mang Fabian?”

“H-Hindi!” sagot niya, nanginginig ang boses at pilit na pinabababa rin ang tono ng pananalita niya.

Tinakpan niya ng sariling kamay ang bibig niya para walang makarinig sa kanyang pag-hikbi.

“N-Nakita ko ang lahat…”

“Anong nangyari? Buti at hindi ka nasama sa… sa nadali ng mga gagong iyon.”

“Ganito…

Madilim sa maisan. Wala nang dapat nandoon pero dahil sa nahulog na wallet ay bumalik kami ni Fabian. Kasama namin si Macario. Hindi mo alam, Senorito, pero tumutulong siya sa hacienda bilang pagtanaw sa inyo ng ama mo ng utang na loob sa pagpapatuloy sa kanya sa mansyon.

Itinutok na namin sa kung saan-saan ang flashlight.

“Hindi ba pwedeng bukas na lang natin hanapin iyan?” inip kong tanong kay Macario at Fabian.

Nilingon ako ni Macario habang si Fabian ay patuloy lang sa paghahanap.

“Hindi pwede! Dapat na nating Mahanap ang wallet. Naroon ang susi na hinahanap ng sindikato!”

“Hindi naman nila masusuyod ang buong hacienda para sa letseng susi na iyan, Senor Macario!”

Napailing siya. “Kailangan ko ngayon ang susing iyan, dahil bukas aalis ako at gagamitin ko iyan!”

“Eh, maghanap na nga lang tayo dine!” singit ni Fabian tsaka ako nilingon. “Dolores, pwede ka nang umuwi at baka hinahanap ka na rin ni Caloy. Tapos ka na ngang magsaing pero wala ka pang nalulutong ulam para sa batang iyon.”

Umiling ako. “Hindi. Sasamahan kita.” Tapos tinignan ko ng hindi kagandahan si Macario. “Delikado, lalo na’t si Senor Macario pa iyang kasama mo.”

Alam mo naman na unang apak pa lang ni Macario sa hacienda ay ayaw ko na sa kanya. Lalo pa at nang ipagkatiwala ninyo sa aming mag-asawa ang lihim ng pagkatao niya. Kung bakit ba naman kasi gumawa-gawa pa siya ng gulo. Para lang siyang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo at pati ang inyong pamilya ay dinadamay niya.

Kaya lang, parang naalarma si Macario. Aaminin ko, nakakatuwa ang matalas niyang pandama.

Bigla siyang naglabas ng baril.

“Susmio!” bulalas ko sa gulat.
“Shhh!” aniya habang malikot ang mga mata sa tumitingin sa paligid namin. Si Fabian naman ay napatayo mula sa pagkakayuko dahil hinahanap niya sa lupa ang wallet. “Wag kayong maingay! Dumapa kayo-“

*BANG!*

 

“AAAAAAAAAAAAH!” takot kong sigaw saka agad na dumapa sa tabi ng aking asawa.

 

Akala ko, nakadapa lang si Fabian.

 

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now