TBMP : The Prince

Start from the beginning
                                    

Mabuti naman kong ganoon.

Tumayo ka.

Salamat mahal na princesa.

Hindi ko akalaing magalangin pala tong Caspian na to.

Sa pagkakaalam ko puro kainisan ang makuluha ko sa kanya.

Anong kailangan niyo sa akin?

Gusto sana naming ipaalam muna sa inyo na nandito na po ang ibang angkan. Naparaya na po namin ang karamihan sa kanila ngunit ang iba ay mahirap iligtas dahil maraming nagbabantay na mga kawal. Celdon

Papasukin niyo sila at agad isarado ang pintuan.

Masusunod po mahal na princesa!

Agad naman silang umalis pagkatapos nagpaalam sa akin.

Naalala ko tuloy ang araw na pumasok sa loob ng Shower room si Prince Caspian at nakita niya ang tunay kong pagkatao.
Buti nalang at agad siyang lumabas kung hindi malalaman niya talaga ang totoong ako.

Sana nga tutuparin niya ang pangako niya sa amin na kailan man ay hindi siya magtataksil.

Caspian POV

Ito pala ang makalumang kaharian ng mga fairies.

Sa pagkakaalam ko isa itong sagradong lugar ng mga fairies.

Ang liit ng kanilang lagusan ngunit bigla nalang lumalaki kapag may pumapasok.

Sino kaya ang prinsesa na sinasabi ng dalawang to.

Natagpuan na kaya ang itinakda.

Ngunit sino! Sino kaya siya?

Ito na ba ang makalumang kaharian.

Unti-unti nilang itinayo ang kaharian at napakarami narin ng mga mamamayan rito.

Tama nga ang hinala ng aking pangalawang ama na unti- unting bubuklod ang ibang mga nilalang para sa magaganap na digmaan at para pabagsakin ang kasamaan.

Pumasok kami sa kaharian.

Ang ganda nito buong paligid ay pinalibutan ng kulay asul at puti.

Napakaraming mga disenyo ang nakaukit sa bawat ding-ding.

Napakaraming chandillier sa itaas.

Ang kinis ng sahig at kumikinang ito kapag natapakan.

Kanina pa nagbubulungan ang dalawang ito na tila ba may hinahanap.

Meron silang tinuro ay nagmamadali silang pumaroon.

Kaya sinundan ko nalang sila.

Huminto sila at nakatingin sa nakatalikod na babae at kulay asul ang buhok nito na kumikinang.

Hello! Princess Flaire!
Sabay sabi ng dalawa.

Agad namang humarap sa amin ang tinatawag nilang princesa.

Sa pagharap niya ay sumasabay ang kumpas ng kanyang mahabang buhok.

Nagsiliparan ang mga ito at sinabayan ng pagkinang na parang bituin sa kalangitan.

ANG

GANDA

NIYA.

Wala akong ibang masabi sa kagandahan niyang taglay.

Pero ng makita ko ang kanyang kabuuang mukha ay tila meron akong naalala na katulad ng mukha niya.

Kamukha lang siguro niya iyon.

Ang kanyang boses ay napakagandang pakinggan na tila ba sa bawat salita na kanyang binibitawan ay ginigising nito ang tulog mong puso at damdamin.

Siya na nga ba ang itinakda.

May mga ibinalita ang dalawa sa kanya na tila ba napaka importanteng balita.

Ipinakilala ako ng kaibigan ko sa prinsesa.

Dahil sa nalaman ng prinsesa sa tunay kong pagkatao ay naisipan niyang mangako ako sa kanila.

Dahil ito ang pinakahihintay kong pagkakataon na tanggapin nila ako bilang isang kakampi ay agad akong nangako at sumumpa ng katapatan sa harap mismo ng prinsesa.

Pagkatapos non ay nagpaalam na kami sa prinsesa.

Sumama ako sa aking kaibigan para tulungan sila.

Pagdating namin sa labas ay agad namin silang pinapasok lahat sa palasyo.

Isinara narin namin ang lagusan para wala ng ibang nilalang ang makapasok.

Ngayon ko lang napansin na ang bilis lang pala ang paggawa ng building.

Nagtutulungan at nagkakaisa kasi silang lahat.

Sana maging ganito na ang bagong kasaysayan ng mundo.

Pumasok na ako sa loob ng palasyo dahil kailangan ko pang magpahinga.

Nagugutom na rin ang sikmura ko.

Sumabay na ako kay Celdon.

Nagpaalam kasi si cillo sa amin dahil may gagawin pa daw ito.

Pumasok kami ni Celdon sa isang magandang kwarto.

Napakalinis ng palibot at napakalinaw ng lugar at napakaliwanag pa.

Ang laki ng silid.

Kasya ang tatlong tao sa loob.

Napakagara ng mga kagamitan.

Isa lang ang masasabi ko rito.

Ang ganda ng lugar na ito kumpara sa palasyo namin noon.

Ang dami pa ng mga pagkain at prutas.

Ang laki pa ng bed.

Celdon hindi na ako makapaghihintay.

Kakain na ako........

Hintayin mo naman ako.....

Bahala ka diyan!

Ang takaw mo naman!

Siyempre gutom ako no!

0000000000000000000000000000

Abangan ang  susunod na kabanata!

Like

Votes

Comments

Are highly acceptable.

Thank you!

0_0_0_0_0_0

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Where stories live. Discover now