Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Dahil imbes na sumagot ako o kaya sipain si Paniki sa ginagawa niyang pananakot sa akin, mas naging sensitive ako sa labi niyang isang kurap nalang didikit na sa labi ko. Hindi ako nakagalaw ng mga ilang segundo.

“Gusto mong malaman kung paano ako magalit, ha, Alien?”

“Lumayo ka sakin, kundi makikita mo ngayon din kung paano ako magalit..” I know it’s lame, wala sa boses ko ang tapang na kailangan ko pero hanggang doon nalang ang kaya kong gawin sa kabila ng panginginig ng tuhod ko.

Nang bahagya siyang lumayo tila nakawala ako sa mahikang bumalot sa akin. Kaagad kong inapakan ang paa niya.

“Awww!!!” sigaw ni Jave sabay hawak sa binti. Napalakas yata, kagat labi kong pinagmasdan ang daing niya. “Sorry.”

“Sumosobra ka na talaga! Papatulan na kita.”

“Matatakotin kasi ako eh, alam mo naman ako pag natatakot di ba? Nananakit ako!” sabay pinandilatan at pinanlisikan ko siya ng tingin. Akala yata ng Paniki na to uubra sa akin ang pagka-bad boy niya.

Demon Rex man siya ng Westside at ng buong mundo, Paniki ko siya sa bahay. Baka nakakalimutan niya. Ha! Ako pa ba, Santillan?

Nagpatiuna na akong lumakad habang siya dumadaing pa rin.

“May araw ka rin sakin, Alien!” sigaw niya mula sa likod. “ Ang pangit mo!”

Tsk.

Asar ko siyang nilingon, sasapakin ko talaga ang bunganga ng Paniking ‘to. “Anong sinabi mo?” sigaw ko rin sa kanya.

“Tanga. Wala.” sagot niya.

Ngising pang-maldita ang sinagot ko sa kanya.

“Ang pangit mo talaga. Nakakasuka.” bulong niya. Mas mahina iyon kesa nauna pero matalas ang pandinig ko. Hindi ko na napigilan ang sarili mo, sinugod ko na siya, sisipain ko na talaga ang bunganga niya. Mas lalo ko pang kinaasar dahil tumakbo na naman siya, hinabol ko siya.

“Bumalik ka dito Paniki! Babaliin ko yang pakpak mo!”

Tinawanan niya lang ako. “Ang bagal tumakbo ng wakwak, wala kang langis ngayon? Iwanan mo na kalahati ng katawan mo diyan, baka sakaling maabutan mo ko.”

Ano? Bwesit, manananggal na yun ah! Nakakaasar talaga!!!



Nang makalabas kami sa gate ng school, tumigil si Jave kaya inabutan ko siya. Hinampas ko ng malakas ang balikat niya.

“SShhhh..” seryoso ang mukha ni Jave. KInabig ako patungo sa likuran niya.

Sinundan ko ang tingin niya, nakita ko ang grupo ng mga kabataang estudyanteng dumaan sa harap namin. Dalawang sports car at malalaking motor ang sasakyan ng mga ito. Hindi nakalampas sa atensyon ko ang biglang pagdahan dahan ng itim na convertible nang dumaan sa harap namin. Sakay nun ang isang lalaking di nalalayo ang edad sa amin, nakaitim na jacket ito, nakataas ang buhok at may hikaw sa gilid ng kilay, may itsura ang lalaking iyon pero nakakatakot. Lalo na ng tumitig kay Jave, at pati na rin sa akin.

“Sino ang mga yun?” tanong ko kay Jave nang makalampas ang grupo.

“Taga kabilang University. Wag kang maglalakad palabas ng gate nang hindi ako kasama, maliwanag?”

“Bakit?” kinabahan ako sa warning niya.

“Basta.” kibit balikat ni Jave. “Andyan na ang taxi, tara na.”

Isang malaking buiding ang pinasukan namin ni Jave, imbes na sa bahay, dito kami dinala ng taxi. “Anong ginagawa natin dito?” bulong ko sa kanya nang makapasok kami sa elevator pababa ng underground.

“Wag ka nang masyadong maraming tanong sumunod ka nalang.”

Sinalubong kami ng dalawang lalaking nakasuit, malapad ang ngiti ng mga ito kay Jave na para bang siya ang nagpapasweldo sa mga ito.

“Yung kotseng gusto, nandito na ba?” Jave asked like a boss.

“ Nandito na po, Sir Jave. Kaninang umaga lang dumating galing Italy. Na-test drive na namin, pwede niyo nang kunin ngayon.”

“Good.” inabot ng isa sa mga lalaki ang susi ng kotse kay Jave, nang pindutin niya iyon tumunog ang kotse mula sa gilid namin. Nanlaki ang mga mata ko sa bagong kotseng tumambad sa paningin ko. Sigurado akong ang sasakyang ito ay bago at hindi pa narerelease sa market, yun siguro ang dahilan kung bakit nakatago ito sa underground basement ng building. Kulay itim ang kotse, napakagara ng design at kitang kita sa bawat anggulo ang presyo nitong milyon-milyong dolyar siguro. The manufacturer: DE. Kaya pala ganoon kaganda ang kotse, nabasa kong milyon-milyong dolyar na kotse lang ang inilalabas ng DE dalawang beses sa isang taon.

“Demetri Enterprises..” bulong ko.

Tumingin sa akin si Jave, tila namangha na may alam ako sa bagay na yun. “ Kilala mo ang manufacturer? Impressive.”

“Nagkataon lang. Niresearch ko kasi si Christian Demetri kanina..”

“Bakit?”

“Wala. Project lang sa school.” nakanguso kong sagot.

Tumango lang si Jave tapos ay excited na pinuntahan ang kotse niyang mas maganda pa kaysa sa sinira niya dati. Ang mga rich kids talaga, sisirain ang gamit para mapalitan ng bago at mas maganda. Samantalang ang kagaya kong mas mahirap pa sa daga, kapag nasiraan ng gamit pilit na kukumpunihin dahil wala nang pambili ng kapalit. Hay. Unfair.

“Ano pang tinatanga mo diyan, sakay na!”

Tsk. Iba ang design ng pinto. Hindi ko alam kung paano buksan. Mabuti na lamang tinulungan ako ng isa sa mga lalaking nakasuit, dahil ang bwesit na Paniki, hindi man lang nag abalang pagbuksan ako ng pinto. Ang yabang talaga. Nakakalungkot isipin na kahit kasama ko lagi sa iisang bahay si Jave, kasama kong kumain at kasama kong pumasok, unti-unti kong narerealized kung gaano kalaki ang agwat namin sa buhay. Minsan tinatanong ko kung nararapat ba talaga akong maging kaibigan niya? Kapag nalaman siguro ng mga taga Westside ang totoong estado ko sa buhay, baka mandiri sila sa akin.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now