“Rianne. I gotta go. Matatapos ka na di ba? Call me when you’re home.”

Sumimangot si Rianne. “Hindi mo ako ihahatid?”

“Something came up. Saka wala akong kotse, hindi ka pwede sa motor ko.”

Kaagad kong tinakbo ang parking. Inasahan kong aabutan ko si Sofia doon na naghihintay sakin pero wala akong nakita. Hindi ba siya nahanap ni Jiro? Peste, naasar na talaga ako! Tinawagan ko si Jiro. “Nasan na?” galit kong bungad.

“Ayaw pang umuwi eh. Nag eenjoy pa.” sagot nito.

Badtrip!!

Sa asar ko wala sa loob na nasipa ko ang gulong ng motor ko. Di ko inaasahang masisira ko iyon. Gago, ganun na ba ako kalakas? Tsk. Kasalanan ni Alien to, puro sakit nalang ng ulo ang binibigay sa akin. Kung totoong nanliligaw sa kanya si Zirk, hindi niya dapat inientertain yun. Bukod sa delikado siya sa bastos na yun, alam niya dapat na hindi siya seseryosohin ng gagong yun. Mukhang pati sa relationship patanga tanga si Alien. Hindi pwede na si Alcantara ang maging unang boyfriend niya. Masasaktan lang siya.

Medyo malayo ang quadrangle, kinailangan ko pang tumakbo para lang makarating doon. Mukhang hindi ko inabutan ang show, sayang naman. Mukha magandang palabas ang palunukin ng microphone at isang buong electric guitar si Alcantara. Ang kupal, ang lakas ng loob!

Nasaan na ba kasi ang Alien na yun!

Namataan ko si Alcantara na umaakyat sa stairs ng overpass. Nang tumingin ako sa itaas, nakita ko si Alien, tsk! Tumakbo ulit ako, sa kabilang hagdan ako dumaan, walanghiya pagod na ako. Pinapagod talaga ako ng Alien na ‘to.

“Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko diretso sa parking pagkatapos ng klase?” asar na asik ko sa kanya. Habang ang mga mata ko ay tumatagos sa mukha ni Alcantara na nasa likuran na ni Alien, nauna akong nakalapit kay Sofia kaya natigilan ito at hindi na tumangkang lumapit pa. Dapat lang.

“Pwede mo naman akong iwan kong gusto mo!” ganti niya sakin.

“Sumasagot ka pa! Lakad na!” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makita si Alcantara. Kaagad ko na siyang hinila sa braso. Ang sarap kaladkarin ng Alien na ito, kahit hindi niya sabihin nakikita ko sa pagmumukha niya na kilig na kilig siya sa naging kanta ni Alcantara. Namumula pa ang pisngi parang nadikitan ng ketchup.

“A-aray masakit!” reklamo niya. “San ba tayo pupunta?”

“Uuwi.”

“Di ba nandun yung parking?” turo niya sa kasalungat na direksyon.

“Mas marunong ka pa. Dito tayo dadaan. Sira ang motor ko, hindi tayo pwedeng sumakay doon.”

Napatunganga si Alien sa sinabi ko. Medyo malayo-layo ang lalakarin namin bago makalabas ng gate ng school, ito ang unang beses na maglalakad ako palabas kaya wala akong ideya kong gaano kalayo pag nilakad.

Nang bitiwan ko siya, sumunod na rin siya. Mas malalaki ang mga hakbang ko sa kanya kaya nasa likod ko siya.

“Bilisan mo!” baling ko kay Alien.

“Ano ba kasing nangyari sa motor mo? Wag mong sabihing binangga mo na naman sa kung saan? Nakasira ka na naman ba?” pilit siyang tumatakbo para makahabol sa akin. Ang iiksi kasi ng mga paa eh!

“Anong akala mo sakin, takaw-away? Wala akong sinira!”

Tumango siya pero parang diskompiyado pa rin. “Seryoso ka maglalakad nalang tayo palabas ng gate? Malayo-layo din kasi--”

“Eh sa wala akong sasakyan eh.”

“Ah. Di ba tayo sasabay kila Jiro? Hindi pa ba sila uuwi?”

Tumigil ako para lang titigan siya ng masama. “Gusto kong maglakad palabas ng gate, may reklamo ka pa? Maghahanap ka ba ng ibang may sasakyan dahil wala ako ngayon?”

“Ang sungit mo. Nagtatanong lang ako! Bakit ba ang sama na naman ng mood mo?”

Irap ang sinagot ko. Hinayaan ko nalang siyang maglakad sa likod ko. Umikot ang mata ko nang tumigil sa tabi niya ang kotse ni Zirk.

“Naiwan mo yata ito.” nagsalubong ang kilay ko nang makita kong inabot ni Zirk ang isang kumpol ng mga bulaklak kay Sofia. “Ang bilis mong umalis kanina sa quadrangle, hindi tuloy kita nalapitan..”

Dito pa talaga sa harap ko naglandian??

“Ang dami mo ngang fans eh, ok lang pala na hindi ako pumunta. Congratulations nga pala.” ani Sofia, tinanggap pa ang bulaklak . The fuck. She gotta be kidding me! Tapos hindi man lang ako pansinin ni Alcantara kahit nasa harap lang nila ako?

“Naglalakad ka?” puna ni Zirk kay Sofia.

Tarantado. Hindi yata obvious, matindi ang tama nito sa mata.

“Eh, nasira ang motor ni Jave eh, kaya walang choice.” Dun lang sumulyap si Zirk sa akin. Sinigurado kong makikita niya ang pinakamabangis kong mukha.

“Gusto niyo bang sumabay?”

Nagningning ang mga mata ni Sofia, halatang gusto niyang sumakay.

“Jave tar--”

“No.” I cutted her off dahilan para humaba ang nguso niya. “Kung gusto mong sumabay ikaw nalang, maglalakad ako.” nakapamulsa kong turan. Gusto kong subukan kung ako ba ang pipiliin niya sa pagkakataong ito. Kung sasama siya kay Zirk, madali siyang makakauwi, samantalang pag sa akin, mahaba pa ang lalakarin namin.

Asar akong tiningnan ni Sofia. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Binuksan pa ni Zirk ang pinto ng sasakyan para makapasok si Sofia. Nang tingnan ko ulit ang mukha ni Sofia, walanghiya parang sasama pa yata, hindi ko talaga siya mapapatawad kapag si Alcantara ang pinili niya ngayon, makikita ng Alien na ito kung paano ako magalit.

“Ah. N-next time nalang Zirk. Kailangan kong magbantay ng nakakaasar na Paniki eh. Mauna ka nalang..”

Tiningnan ako ni Zirk. Tinaliman ko lalo ang tingin ko dito. Gusto kong iparating na hindi ko gusto ang mga ikinikilos nito, mag iingat ito.

“Sige, ikaw ang bahala. Next time then..” tumawa na naman si Zirk kay Sofia. Sa susunod puputok na nguso ng kupal na ‘to. Sinusumpa ko.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now