Paano ka naman mamahalin ng isang makina?

"Ikaw talagang bata ka. Mas matanda pa nga ako sa'yo pero mas matalas pa ang memorya ko. Di mo ba naalala ang kwento nila Pygmalion?" May umagos na kaunting beer mula sa flask nang tinuro niya ang ulo niya.

"Kapag totoo ang pag-ibig mo... hahanap at hahanap rin ng paraan ang mundo para iparamdam sa'yo na mahal ka rin ng mahal mo." natawa ulit ako sa sinabi niya.

Kung totoo ang pag-ibig mo... mamahalin ka ng minamahal mo.

Ano nga ba ang kailangan para maging totoo ang pag-ibig?

"Eh kung mahal ko siya.. Iniwan niya ako... paano naibalik yung pag-ibig jan?" iba talaga kapag matanda ang kausap mo eh.

Tinignan niya ako. "Mahal mo siya... Iniwan ka niya..." saka ngumiti. "dahil sa pag-iwan niya, matutunan mong mahalin ang sarili mo."

Nag abot ang kilay ko.

"Mahal mo siya... Iniwan ka niya..."

"pero mas mahal mo ang sarili mo... kaya nag move-on ka."

•••

Kinuha ko ang ice cream na kinakain nila Ria at Cesia. Katatapos ko lang maligo. Nakasanayan ko nang maligo two times o di kaya three times a day dahil sa trabaho ko.

"So... did something interesting happen?" usisa ni Ria nang tumabi ako sa kanya.

Tumango ako. "may mechanical support na yung pakpak."

Halos tatlong araw rin naming pinaghirapan yun. Susunod naming gagawin, mag-install ng air condition sa hallways.

Kung pwede.

Pero hindi eh kaya mag-iinstall nalang kami ng dagdag na water pipes.

"Great! Sabi ko na nga ba. Kaya pala nasa mood akong kumain ng ice cream ngayon." nakangisi si Ria habang nanonood.

"Eh palagi ka namang nasa mood na kumain ng ice cream Ria eh." sagot ni Cesia.

Napangiti ako nang nakatanggap siya ng matatalim na titig mula kay Ria.

Alam kong sinusubukan ni Cesia na pagaanin ang atmosphere dito dahil wala na ang source of energy namin. Suportado naman ako sa ginagawa niyang pagpapangiti.

Nakarinig kami ng katok. Ako na mismo ang tumayo para buksan ang pinto. Pagbukas ko, wala nga lang akong nakita.

Pagkatapos bumalik na naman yung katok. Pero hindi nagmula dito eh kundi sa kabila.

Sinarado ko ang pinto at dumiretso sa veranda.

Hinawi ko ang kurtina at nakita ang dalawang batang ahas na nakangisi at may kinakaway na papel.

Binuksan ko ang malalaking pinto ng veranda.

"Caisy? Daisy?" tinignan ko sila. Narinig ata ako ng dalawa kong kasama kaya nasa likuran ko na sila ngayon.

Sumisilip yung dalawa sa loob na para bang may hinahanap.

"Umm.. may pinadalang sulat si Rio para sa'nyong Alphas." inabot ni Caisy ang sulat na agad namang tinanggap ni Ria.

Busy ata si Iris kaya yung kambal nalang ang pinadala niya. Tutal, magkakilala naman kami.

Ang alam ko, nasa mortal realms si sir Rio para samahan ang gamma sa misyon nila. Karamihan kasi sa mga estudyante dito, Gamma kaya malaki talaga ang pinagkaiba ng Academy ngayon at wala sila.

"Andito po ba si ate Art at kuya Cal?" tumatalon-talon si Daisy. Gayundin si Caisy na sabik na sabik habang naghihintay sa sagot namin.

Nagtinginan nalang kaming tatlo.

"Umalis pa sila eh.." ani Cesia at lumuhod para magkaheight na sila sa dalawang bata. "sasabihin nalang namin kung kailan sila babalik." nginitian niya ang kambal.

Napalitan ng lungkot ang saya sa mga mukha nila. Saka sila tumango. Tumayo si Cesia at ginulo ang buhok ni Caisy dahilan na mainis siya.

"ayaw niyo ba munang pumasok?" aya ko.

Umiling silang dalawa bago nag anyong ahas at gumapang papalayo sa'min at pababa ng veranda.

Bumalik kami sa loob. Walang ni isa namin na nagsalita tungkol sa hinahanap nila.

Binuksan ni Ria ang envelope at nilabas ang sulat na nasa loob nito.

Kusang binasa ng mga mata ko ang nakasulat sa gitna.

'Beta has failed. Return. Send Alphas.'

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now