Chapter 70: The Reaper

2.2K 78 26
                                    

Date Published: August 7, 2017

==================================================================

Athena POV

Nakailang oras kami sa pagboboss hunt at pagod na pagod na ko. Kasalukuyan kaming nandito sa United City at nagpapahinga sa isang café dito.

"Nakakapagod din pala magboss hunt 'no?" Sabi ni Bess.

"Oo nga Tin eh, napagod talaga ako dun." Sagot naman ni Bianca.

"So Athena saan ba talaga nagpunta si Lou?" Tanong sakin ni Sam pero maski ako di ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Lou sakin.

"Oo nga sis saan ba siya nagpunta?" Tanong din ni sis sa akin.

"Ewan ko nga basta sabi niya may pinapagawa sa kanya ang dad niya." Sagot ko sa kanila.

"Wait si Tito Luis?" Tanong ni Bianca.

"Oo eh basta ang sabi niya may bago daw na game na ilalabas ang Felix Corp." Sagot ko din sa kanya.

"Ano kaya yun? Siguro maganda na namang game yun." Lahat namang gawa ng Felix Corp na game ay puro magaganda eh.

Natigilan lang kami sa paguusap ng bigla kaming nakarinig ng sigaw kaya napatingin kami dun.

"May nagduduel sa City Square at ang lakas nung lalaking hinamon tol tara habang di pa tapos ang laban nila manood tayo." Sigaw nung lalaki sa kaibigan niya.

"Woi may naglalaban daw?" Tanong ni Bess.

"Ewan ko pero tara tingnan natin kung sino ang naglalaban." Sabi ko at niyaya na sila.

After ilang minutong pagtakbo ay nakarating na din kami sa city square at tama nga ang lalaki dahil may naglalaban nga doon.

"Tss.. Ako pa ang hinamon mo talaga sa isang duelo? Ha?" Sigaw nung lalaking naka hood at napansin kong kakaiba ang set nito dahil may mga kakaibang bala ng baril dito at ang belt niya.

"Humanda ka Reaper dahil pagsisihan mo ang ginawa mo sa guild ko!" Sigaw nung kalaban niya at parang kilala ko ito. Ayt oo nga siya si Akosikokoy ang guild leader ng isang PK guild.

"Heh! Alam mo bang galit ako sa mga PK players? Kaya nagawa ko yun? Tsaka ano ba kinakatakutan niyo? eh nagrespawn naman kayo ah?" Tanong nung lalaking naka hood dito.

"Tss humanda ka!! Toxic slash!!" Mabilis winasiwas ni Akosikokoy ang kanya sword sa lalaking nakahood at nang palapit na ito kay hoody guy ay bigla na lang ito na wala at napansin namin na nasa likod na niya si hoody guy.

"HAHAHAHA your soul is mine now!!" Sigaw ni hoody guy.

Soul Piercing Bullet!!

Umilaw ng kulay itim ang dalawang kulay itim niyang baril ay sa isang iglap ay binaril niya si Akosikokoy at natulala kami dahil bigla na lang nasisigaw sa subrang sakit si Akosikokoy, maslalo ako nabigla ng nagiba ang itsura ni Akosikokoy dahil parang nawalan siya ng kaluluwa at puting puti ang kanyang mga mata.

"I am the Reaper who reaps your soul, I'm the Angel and the God of Death. I will take every soul in this world and always remember this... Death walks among you..." saad nito kay Akosikokoy at isang iglap ay binaril niya ito sa ulo at nawala ito na parang bula.

"Nakakatakot siya." Sigaw nung isang player.

"Sh*t ang brutal niya at nakakatakot!" Player 2.

Bigla na ito napatingin saamin at kitang kita ko na meron siyang maskra na parang sa bungo pero kakaiba ito. At yun pagkatingin niya samin ay tumingin din siya sa mga player na nandito at nagsalita.

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon