Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako ng ospital limang minuto bago mag eight-thirty. Patakbong lakad ang ginawa ko para makapag in agad dahil kung malelate ako ay kalahating araw lang ang suswelduhin ko. Hiningal ako dun ah.

"Hay, kapagod." Reklamo ko kay Yenny na kasalukayang nag lilipstick sa may locker area namin.

I let out a deep sigh.

"Anyare sayo, ateng?" Nakakunot noo na tanong niya habang patuloy sa pagpapaganda. Sus! Akala mo naman rarampa kung saan.

Umiling ako. "Wala, wala. Akala ko lang kasi malelate ako." Binuksan ko ang locker ko at maayos na inilagay ang mga gamit ko doon.

Tumawa ito ng mahina. "Sus. Ikaw pa malelate? Huwag ako, ha."

Aba't tinawanan pa talaga ako ng babaeng 'to.

Tinignan ko tuloy siya ng masama. "Umayos ka, Yenny dela Cruz."

She gave me a smirk. "Joke lang ano kaba! You're too serious!"

I just rolled my eyes in response. Ang lakas talaga ng sapak ng babaeng 'to. Hindi ko talaga alam kung papaano ko siya naging bestfriend. Akala mo takas sa mental e.

"Baka naman akalain ng mga pasyente natin dito ay inilublob iyang nguso mo sa atchuete. Parang timang 'to." Tinaasan ko siya ng kilay at napangiwi. Ang daming kakikayan sa katawan.

Yenny just gave me a glare. "Che! Walang pakielamanan, sis. Bawal mambasag ng trip ng isa't isa."

Humalakhak ako at humalukipkip habang nakatingin sa kanya.

"Hmm.. Kunwari ka pa. If I know magpapacute ka lang kay Doc Sanchez mamaya." Nakangising asar ko. Type kasi niya ang doctor na yun. Guapo naman din kasi talaga at saka matalino.

Tumingin ito pabalik sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Napaka obvious kasi niya na crush niya ang binatang doktor. Well, madami namang nagkakacrush dun pwera lang sa akin dahil hindi siya ang tipo ko.

"Buti alam mo. Kaya siguro tayo mag bestfriends, ateng!" She winked at me.

Sinarado ko ang locker ko. "Baliw ka talaga! Hindi ka nanaman siguro nakainom ng gamot mo kasi ang lala mo nanaman. Oh, siya.. Mauna na ako sa'yo at mag checheck pa ako ng mga pasyente. Magkita na lang tayo mamayang lunch break."

"Sige po, Nurse Aura!" Parang bata niyang saad.

Lumabas ako ng locker area at tumungo sa isang nurse station sa may third floor. Hindi naman pang sosyal itong ospital na pinagtatrabahuhan ko. Pampubliko ito pero maayos ang pamamalakad at facilities kahit na papaano. Magagaling din naman ang mga doktor dito.

Maraming tao na kulang sa pinansyal ang nagpapagamot sa ospital na ito. Mas ginusto kong magtrabaho muna sa ganito kahit na medyo mababa lang ang sweldo dahil given na nasa probinsya rin kasi kami at wala sa siyudad.

Dito sa probinsyang ito na ako lumaki at nagtatrabaho. Pero wag kayong magtataka kung bakit tagalog ang salita namin. Wala namang kaming dialect o ano. Marami rin ang gumagamit ng English language dito dahil moderno naman ang lugar na ito. Hindi naman din kasi ganon kalayo ang Maynila mula dito.

Oo, mas gusto kong bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko kaso iba talaga pag nagtrabaho ka sa ganito. Iba yung experience. Gusto ko kasi na magkaroon ng experience na magtrabaho sa pampublikong ospital muna pagkagraduate ko ng college.

Pero alam ko din na isang araw ay makakapagtrabaho ako sa isang sikat na ospital. Dito o sa abroad. Isa din iyon sa mga pangarap ko sa buhay. Registered nurse naman ako kaya naniniwala ako na matatanggap ang isang tulad ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon