Muli akong bumalik sa aking kinauupuan. Kakautin lamang ang narito marahil maaga pa at mga early birds lang talaga ang narito para magkape, halos mga nakatutok pa sa kani-kanilang laptop.

Sumipsip ako ng frappe ko habang matyagang naghihintay sa pinost ng lalaking ito. Soon? Tsk! Bakit ba ang bagal ng LTE ko ngayon? Kahit hindi pa lumalabas ang larawan sa aking harap, nanikip na agad ang aking dibdib at nagsisimula mamuo ang tubig sa aking mga mata.

That should be me.

I should be the one celebrating my forever with him, if only I could turn back time but If I can, probably I will face the same pain. 

Napailing ako ng biglang nagpop up ang number ni tayla sa phone ko. Anong problema ng isang ito ngayon? Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko naman si tayla napapasok ng starbucks. Tumatawag pa papunta na pala! Dinecline ko ang tawag niya at kitang-kita ko dito kung paano siya napahinto at sumimangot.

Mabilis niyang tinago ang phone niya sa bulsa at parang batang tumatakbo pa punta sa aking kinauupuan. Sapo sa dibdib siyang nakatayo sa aking harapan.

"Felicity! Thank god you're here" umirap ako at sumipsip ulit ng frappe.

Hindi pa siya nakakalapit sakin nagsalita na kaagad siya. Hindi niya ba alam na nakakahiya ang ginagawa niya? Ang tahimik dito tapos bigla siyang papasok at mag-iingay. Hindi ko kilala ang isang ito

"Ang taray mo naman sakin ngayon" umupo siya sa harapan ko at nakita ko ang mga mata niya na naglalakbay sa donut ko. Tsk! Omg. Wag ang donut ko!

"How do you know I am here?" malamig kong saad sa kanya.

Tinging ko ay kakagising lang ito dahil nakapangbahay pa siya. Kinomportable niya ang sarili sa pagkakaupo bago kinuha ang phone sa bulsa niya at nilapag sa lamesa. Lumingon siya sa akin at tumitig sa mata ko pero nag-iwas din kaagad

"So cold yet I'm so hot!" humalakhak ito kaya lalo akong napairap sa kanya. Anong konek ng sinabi niya sa tanong ko? Huminga ako ng malalim at hinaplos ko ang dalawa kong braso habang lumingon ako sa phone. Patay ito kaya hindi makikita ni tayla ang news feed ko pero I guess may sasabihin ito sa akin dahil nahagilap niya ako dito ngayon.

"Ofcourse City! I know your whereabouts since that incident happened" lumiit ang boses nito kaya naningkit ang mga mata ko.

May tumusok sa dibdib ko na tinik ng naparinig ang kanyang mga sinabi. Ngumiti ako ng mapait at umiling na tumingin sa kanya. It was so fast! Everything is so fast! Umiwas ako ng tingin habang bumubugtong hininga. Wala magagawa sadyang nakasulat na ang mangyayari.

"It's been what? Two days?" hinaing niya at nagslice ng donut ko. Sinasabi na nga ba. May balak itong masama sa donut ko! Mamuhunan ka friend ang mahal kaya ng pagkain dito sa SB

"Hey! That's mine!" suway ko sa kanya ngunit ngumiti lang ito ng nakangisi saka sinubo ang isang piraso ng donut ko.

"I know you're mabait naman." Saad niya at sumubo muli. Hindi pa nga ako nagbebreakfast sasaluhan niya pa ako. Tsk!

Bye donut.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni tayla. Why? Parang may gusto talaga itong sabihin sakin. Well, alam kona. Magsalita kana

"I almost forgot! I came here just to know. Uhm! Did you already open your facebook account?"

Sabi na eh!

Binuksan ang phone ko. Nakita kong sumulyap siya habang palihim na inaabot ang frappe ko. Pinalo ko siya sa kamay. Aba, namimihas ang bruhildang ito!

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now