-----------------------------------------------

Kinabukasan, pagkatapos makipagusap kay slater ay bumangon na si tin. Naligo kumain at saka pumasok sa ST channel. Simple lang pero presentable ang suot niya as usual. Very light lang din ang make up niya. Pinuntahan na niya si Victor na field producer niya. Isang linggo na sila nagtatrabaho together at so far so good naman dahil napakabait sa kanya ng binata.

"Vic,, san ba location nung i-cocover natin na sports event?" tanong ni tin nang punatahan niya ito

"Sa Villamor Golf Course Christine, magiinterview tayo ng mga celebrity na sumali sa Semerad cup"

"Yung celebrity golf tournament ni Anthony Semerad ?"

"Oo..bakit bigla ka nangiti diyan? Crush mo si semerad no?" tanong naman ni victor dito

"Ah..wala lang...saka hindi ko crush si Anthony Semerad nuh"  sagot ni tin. Natuwa lang siya kasi dun din ang event na pupuntahan ni slater meaning makikita niya ito at baka mainterview pa.

"O sige pinapatawag ka rin pala ni Ms. Elsie para ma-brief ka"

"Okay..thanks Vic"

Agad naman pumunta si Tin kay Ms.Elsie. "Hi Ms. Elsie"

"Hi tin..O wait yan ba ang susuotin mo pag sinalang ka sa interview mamaya?"

"Opo"

"Naku tin, alam naman nating maganda ka, and honestly kahit siguro sako ng bigas ang isuot mo eh magsa-shine pa din ang beauty mo. Pero tandaan mo mga pinaka-sikat at in demand lang na celebrities ang nasa tournament na yun"

"Ano po ibig niyo sabihin Ms. Elsie?"

"Change your outfit tin.. dapat yung pang-golf saka put on more make-up. huhulas yan sa init ng araw"

"Sige po. how much time do I have po ba? bibilisan ko lang po pumunta sa mall"

"30 minutes and you're leaving na with victor. Baka matraffic pa kayo eh"

"Hala, Ms. Elsie.. di ako makaka-balik in time pag ganun"

"Di bale.. ipapahanap kita ng damit na pwede mo gamitin. May rubber shoes ka naman diyan?"

"Yes po. I have sneakers"

"Okay go.. magpa-make up ka muna balik ka dito in 20 minutes"

"Okay po Ms.Elsie..thanks talaga"

Nagpunta na si tin sa make-up artist na inassign sa kanya ni Ms. Elsie. Inayusan naman siya nito at ang dati niyang magandang mukha ay naging mas-mala diyosa pa. Pinalantsa ang mahaba nitong buhok at kinulot nang bahagya ang mga dulo tapos ay tinali ito sa isang mahigpit na ponytail. Ang mukha naman niya ay nilagyan ng light pa rin na make-up pero mas makapal ng konti sa naunang nilagay niya. Ang ending ay fresh na fresh ang itsura ni tin.

Pagkatapos niyang magpa-make up ay nagpasalamat siya sa gumawa nito at bumalik na kay Ms.Elsie. 

"Ms. Elsie...okay na po ako"

"Wow Tin! Baka naman mga celebrity pa ang magpa-picture sayo ha!"

"Ngek, maka-bola ka naman Ms. Elsie...hehe"

"Seriously Tin.. mas lalo ka pang gumanda.. o eto nga pala yung naharbat ko galing sa wardrobe dept. ng ST channel Sports TV" 

Tinignan ni tin ang mga damit na binigay nito. "Umm Ms. El...seryoso po kayo eto ang susuotin ko?" Isang mini skirt na kulay puti at polo shirt na puti rin pero mababa ang neckline ang binigay nito sa kanya saka isang sunvisor. In all fairness kay Ms. Elsie ay pang golf naman talaga ang outfit na to.

Million Miles AwayWhere stories live. Discover now