.

"Are you not listening? Bagong pasok pa lang di kana nakinig. Tsk. Ayoko sa mga istudyanteng katulad mo, hindi marunong makinig. Sayang ang inenroll ng parents mo dito sa Academy tapos di ka nakikinig. You are physically present but mentally ABSENT!" okay, napapikit nalang ako ng sigawan niya ako, pasalamat siya teacher siya kundi kanina ko pa siya nasapak. Pinapahiya pa niya ako sa marami. Arggh this man!!! Huminga nalang ako nang malalim tsaka ko ibinuka ang mata ko.

.

"Okay sir" medyo naiiyak na ako pero I can still manage myself na hindi ito patuluin.

.

"So I repeat, spell Candy in two letters." napahawak ako sa ilalim nang bibig ko kunwari nag-iisip. Teka, ano ba nga ba ang sagot?

.

"What's the answer?" medyo hard na yung pagkakasabi niya. Automatic naman akong napatayo ng maayos at sumagot.

.

"X.O. sir?" nakangiti ko pang sabi, ehh kasi feel ko yun ang sagot ehh. Hahaha. May candy kasi si Marian, classmate ko, sa harap ng candy nakalagay X.O. kaya yun ang nasagot ko. LOL.

.

Bigla namang tumawa lahat nang kaklase ko kaya nakisabay nalang ako. Gaya gaya din sa uso. Pero may napansin ako...

.

O.O

.

Umuusok na si Sir, di siya tumatawa. Nako naman, galit na naman siya sakin. Magtatransfer nalang kaya ako?

.

"Ganyan ka na ba ka bobo? nasa easy part pa nga lang tayo di mo masagot ng tama! High school students alam na niyan tapos ikaw na college na di makasagot niyan. Anong klaseng utak meron ka?" ayan na naman, ako na ata ang favorite niya para sigawan, last year pa siya ahh.

.

"Nakakastress ka na!/ nakakastress ka na sir ah!" sabay pa kami nun, pero nasa isip lang yung sakin.

.

"I'm sorry sir."

.

"Okay, now sit. Ayaw ko pa naman sa mga bobo" sakit sa lungs. Oo, lungs, di ako makahinga dahil sa galit ako sa kanya. Ako bobo? tang'na naman.

.

"Ahh sir pwede magtanong?" ehh sa gusto kong magtanong. Curious lang ang ate niyo.

.

"What is it?!" inis na ata to siya sakin. Cute pa naman siya magalit.

.

"Ano po yung tamang sagot?" Adik na talaga ako, trip ko ata siya ngayong araw. Tumawa nang malakas yung mga kaklase ko, ako? nagpipigil lang nang tawa. Poker face na siya ehh.

.

" Makinig ka na lang sa gustong sumagot. Mr. Gonzaga, ikaw ang sumagot." ang damot naman, sagot lang di niya mabigay.

.

Tumayo na si Leo at sumagot, " C and Y" pano naging C and Y?

.

"Very good. now miss Mendoza, alam mo na ang sagot kaya sana isaksak mo sa kukute mo yang sagot." sungit naman nito. Parang di siya teacher kung makapagsalita. Teka! may nakalimutan akong itanong?

.

"Sir bakit C and Y?"

.

"Dahil kapag e-coconect ang C kasali ang AND tapos Y, ang kalalabasan niyan ay Candy. Kuha mo na?"

.

Napangiti ako ng makuha ko kung paano ito sagutan. Ang galing lang.

.

"Yes sir." at nagpatuloy na siya sa pagtatanong. Kalaunan nasa Hard na part na sila pero hindi niya na ako tinatawag, mas easy kasi sakin ang hard, pero ang hard nang easy part. Sayang, di na nya ako tinatawag. Galit ata siya sakin, parang pasan niya ang mundo.

°°°°°°

Narinig ko ang bell na tumunog. Ibig sabihin, uwian na! Ito talaga yung pinakahihintay ko sa lahat, ang bell. Nagpaalam na kami sa iba naming teacher at umuwi na, pumunta na ako sa parking lot at kinuha ang scooter ko. Ayaw ko sa mga sasakyan dahil motor ang type ko. Mas nakakalusot pa ako kapag nagtatraffic.

.

I turn on my scooter and pinaharurot ito para agad na makapunta sa bahay namin.

°°°°°

Pagkadating ko sa bahay, naririnig kong nagsisigawan ang mga magulang ko. Tumago muna ako sa likod para makinig kung bakit sila nagsisigawan.

.

"Ano ba talaga ang nangyari Richard?!" sigaw nang Mommy ko sa Daddy. Ngayon ko lang silang nakita nag-aaway na nagsisigawan.

.

"Sorry Honey, pero wala na ata tayong magagawa dahil sa ayaw na nilang makikipagpartnership satin." anong ibig nilang sabihin. Partnership? sa business ba yan?

.

"May iba pa bang solusyon?" Mommy.

"Meron, at ito ang ayaw kung mangyari?" Daddy.

.

"Ano naman yun Dad?" Palasali talaga ako nang usapan noh! Well, ipinanganak akong ganito. Ang minsan EPAL.

to be continued.......

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now