"Hinahanap mo ang lalaking nakalaan sayo?” Malalim na tanong ng FT na kinagulat ko naman. Alam nya agad? Excited? Wala pa nga akong sinasabi. Well, FT nga pala sya. Napa-nod na lang ako ng dahan dahan, astig talaga.” Patingin ng palad mo jiha.” Inabot ko naman yung kamay ko. Tinitigan nya yun ng mabuti.” May isang taong nagmamahal sayo ng totoo, hindi ka niya kayang makitang nasasaktan. Sya ang taong makakatuluyan mo balang-araw”Napaisip naman ako ng sobrang lalim. Sino kaya sya? Ang thoughtful nya, ayaw niya kong nasasaktan. Pero..
"Kilala ko po ba sya? Sino pa sya?” Tanong ko naman.
"Makikilala mo rin sya pag may lakas na sya ng loob.” Ganon? Makikilala? Tsk! Parang matagal pa yun ah? Eh ano kaya kung hingin ko yung number?
"Ahm. May number po ba kayo nya?” Oops! Tanga! Bakit ba yun ang natanong ko?!” Ay!” Napayuko lang ako sa kagagahan ko.
"Ahahahahahahaha. Nakakatawa ka jiha. Sige bibigyan kita ng kaunting bagay na makakapagpabilis ng pagkilala sa kanya.” Natuwa naman ako sa sinabi ng FT, as in ngiting-ngiti na ko. (^___________________^)
"143. Ayan ang number na pwedeng maging way para makilala mo sya.” 143? Nice ah? I love you. Hahahaha XD Eh, wait! Pwede din I hate you. Someone I hate? Impossible!
"Ganon po ba? Ahmm. Pogi po ba sya?!” Heheheheh sulitin ko na pagtatanong syempre.
"Malalaman mo pag nakilala mo na sya. Malalaman mo na pogi talaga sya.” Wow ah? Ang lalim non. Tumingin naman yung FT kay Camille na tahimik lang.
"Ikaw jiha. Hindi taga-dito ang nakalaan para sayo. Maswerte kayong pareho.” Ngumiti lang yung FT, ngumiti lang din kaming pareho ni Camille.
Pagtapos nun, lumabas na rin kami sa room na yun. Hahahahaha ang saya saya talaga. Yung feeling na may nalaman ka about sa soulmate mo? Ganon! \(^____________^)/
"Anong balak mo? Anong napala mo?” Sabi ba naman ni Camille habang nakapameywang. Ibaon ko kaya sya ng di oras. Ang angas? (?___?)
"May nakuha akong info!” Sagot ko na medyo tumaas pa yung voice ko sa last word.
"143? Anong gagawin mo dun? Uhmm. Number ng bahay nya? Daming may ganung address nuh, and! Number yun ng house naming, diba?” Nagsimula na syang sumakay sa kotse. Napaisip naman ako, ano nga kaya meaning nung 143? Imposibleng number ng bahay kasi ang dami nga namang may ganun. Hmmm. <(L____L)>
"AH ALAM KO NA!!” Nagulat naman si Camille pagkasigaw ko. Hahahahah sa wakas.
"Ano na naman ba yun?” Sabay hampas sakin.” Nanggugulat pa eh.”
"Pwedeng dulo ng phone number, diba?” Nag-isip sya saglit tapos sabi nya.
"Ash, marami ring may number na ang dulo ay 143.” Alam ko ng ganun iispin nya. Pero dahil smart ako, may sagot na ko agad dyan.
"Syempre kung sino yung unang mag-reply diba?” At tumingin na ko sa daan para paandarin na yung sasakyan.
Dumiretso kami sa Resto para dun na mag-lunch. Nung natapos ako kumain, kinuha ko agad yung phone kong isa. Yung pang-ewan lang. Pag di importante, yun yung gamit ko. May pikit effect pa kong nalalaman nung nanghula ako ng number pero syempre yung dulo 143. Tnxt ko.
'Hi?' Medyo matagal sya nag-reply. Isa lang hinulaan ko kaya talagang siniguro ko na yun. Isa pa, ayun kasi yung digits na na-feel ko. Ewan parang may magic. (o*.*o)
'Who is this?' Ayun nagreply din! Hahahaha. Enu be yen eeeh. :) Teka! Anong sasabihin ko? Ashley. Uhmm. Mas Okay kung may konting thrill, yung codename muna siguro.” Camille! Anong magandang codename? Yung malapit lang sa name ko ah?” She sip her juice then say.
"Ahm. Ashley..? Ali?” NalolOka ako sa suggestion nya. Pero nagustuhan ko yung last nyang sinabi. ALIYA.
"Yup! Aliya sounds better right?” She smiles and i smile back. Nice. Infairness cute yung name. So nireplyan ko na yung si-soulmate-ko-daw-yata.
'Ahm. I’m Aliya. You are?' Ngeks. Hahaha kailangan ko malaman name nya. Kahit name lang muna. Next month na yung surname. Ganun? XD
'My name is Rien, pronounce as Rayen :)' Wow ah! Ang unique nung name nya. And OMG! He's a boy! I’m sure na talaga! Ano kayang itsura nya? Nasa kalagitnaan ako ng imagination ko ng bigla naman akong batukan ng matalik kong kaibigan. Ang baet diba?! Hinawakan ko yung part ng binatukan nya "AWTSU! what was that for?” (+___+ )?
"Bhes! Mukha kang timang promise. Medyo mahiya ka naman sa mga crew mo and sa mga costumer! Tumawa ba mag-isa?” Ayt! I don’t even have an idea na mukha na pala akong timang na ngingiti-ngiti dito. Sorry. (^_^)v
"Okay! Sorry, natutuwa lang talaga ako.” Kasi naman tong katext ko eh. XD
YOU ARE READING
MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)
Teen Fictionpano kung yung taong kinaiinisan mo ng bongga yung taong destined pala sayo .. Sooner, di mo alam na minamahal mo na rin pala sya ? Papayag ka ba na si Mr. Enemy ang makatuluyan mo ?
CHAPTER TWO = My text mate =
Start from the beginning
