CHAPTER TWO = My text mate =

Magsimula sa umpisa
                                        

WARREN'S POV

Grabe talaga, ang laki ng pinagbago ni Ashley… Okay maganda na sya dati pa, pero iba ngayon. Hahahaha pero pikon pa rin sya. Tago pa sya kanina ah? Kanina ko na nga lang sya ulit nakita dahil alam ko galing sya sa bakasyon after nung break-up nila nung Marvin na yun. Sows! Ano kaya nagustuhan nya dun eh di hamak naman na mas gwapo at macho ako kaysa dun. Teka bat ko pa kino-compare sarili ko? Tss.  Mga lampa lang talaga at pa-cute mga type nitong Ashley na to. Big deal? Psh! No way!

Nagmaneho ako papuntang shop.  Anyway, coffee shop ang business na pinasOk ko pagkatapos na pagkatapos ko grumaduate. Hiniling ko to kila Daddy at pinagbigyan naman nila ako. Naging independent din kasi ako nung College pa lang, minsan ako na ang nagbabayad sa tuition ko. Yung binibigay nila Daddy na pang-bayad ng tuition, inipon ko lang para idagdag sa pagpapatayo dito sa Coffee Shop. Gusto ko na ngang humiwalay ng bahay kaso nagkaron kasi kami ng kundisyon nila, hihiwalay lang daw ako kapag may sarili na kong pamilya. Kaya ayun, magkasama pa rin kami ngayon ni Camille sa BlueVille. 

Pagdating ko, nadatnan ko agad na nandun si Henry, kaibigan ko. Ang company nila ang main producer ng mga products dito sa shop. 

"Balita?” Tanong ko.

"Wala naman.”  May pagka-pareho kami ng ugali ni Henry, parang laging walang kwenta kausap? Unless interesado kami sa kausap namin. Pero mas matino naman ako sa kanya noh?! Mas pogi pa. Bakit angal?! Medyo mayabang talaga ako pero nagsasabi naman ako ng totoo. Chineck ko yung isa kong phone. Dalawa kasi gamit ko yung isa pang-ewan lang, pag may katext ako yun ang gamit ko. Pero pag sila Camille, Ashley, at iba pang importante, (Oo importante para sakin si Ashley kahit na enemy kami, syempre! Sino na lang aasarin ko diba?) dun sa isang phone nila ko pwedeng ma-contact. Binuksan ko yung phone ko na pang-ewan. Ayaw gumana nung sim. Anong problema? Tss, badtrip naman na-P.U.K. pa. Sayang mga number (-___-) 

Umalis ako saglit para bumili ng sim. Kakainis sa sim pa naman naka-save yung mga contacts ko. Haay. In-insert ko na rin yung sim tapos bumalik na ko ng shop.”  Oy! Saan ka galing?” Tanong naman ni Henry. 

"Bumili ng sim.”  

"Ah ano yan nagsawa ka na sa mga texmate mo kaya bago na naman?” Nakangiting tanong ng mOkong.

"Sira! na-P.U.K. sim ko so I have no choice kundi magpalit ng sim noh?” 

"Okay Okay galit agad?” 

ASHLEY'S POV 

Next morning. I checked my phone. Ang daming message. Tss, wala naman akong ganang sagutin yung mga text nila. Wala akong maka-text na bago. Naalala ko sila Tita Amie pati si Tito Greg, sa text lang daw nagsimula yung lovestory nila. Soulmate daw kasi sila. Hahaha, natuwa ako sa idea na yun. Matanda na sila pero naniniwala pa rin sila doon. Napulot daw ni Tito Greg yung kapirasong papel nun sa tapat ng tindahan tingin nya nag-load yun kaya lang nalaglag yung papel. Tinext nya daw, kaya ayun dun na nag-start yung lovestory nila. Gawin ko kaya? Iwan ko rin sa tapat ng tindahan yung number ko? Eh! Kaya lang pano kung girl makakuha or kaya bata or worst matanda?! Eesshhh. Wag na nga lang. Medyo nag-isip ako at ayun naka-isip naman ako. Nag-shower ako at nagbihis na, tinawagan ko agad si Camille dahil magpapasama ako sa kanya sa isang FORTUNE TELLER. Okay lang na matawa kayo sa iisang way na naisip ko, pero wala namang masama kung susubukan ko diba? There’s no harm on trying, sabi nga nila. Malay ko ba kung totoo yun diba? But… I do believe in destiny. Kaya kung anuman ang mangyayari sakin, destined to. Diba Lord? :) Sana eto na yun…

Pumunta kami sa isang sikat na Fortune Teller (FT), etong kasama ko puro tanong. Ano daw gagawin ganito ganyan. Tsk! Ano pa ba magpapahula diba? Kami na yung next. PumasOk kami sa isang room na kulay orange yung ilaw, kakaiba. Ang ewan nung feeling, parang may naghatak sakin na wag mag-alinlangan sa gusto kong gawin. Hmm, weird. Kumabog ng bongga didbdib ko. Pinaupo kami malapit sa FT. 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon