CHAPTER TWO = My text mate =

Start from the beginning
                                        

"Sosyal ng new maid natin ah? Naka-dress? Or yan talaga ang uniform nila ngayon pati ni Manang? Psh, siguro pakulo mo to Camille nuh? Oh tahimik pa, ano ba yan pipi? And kamukha nya yung best friend mo Camille  ah. Yung SWEETYBABES ko?! Hahahaha araw-araw talaga akong tatawa nito,”Ayun yung sunud-sunod nyang daldal kina Tita. Sa sobrang inis ko, basta dinakot ko na lang kung anong prutas ang makuha ko sa basket nila. Binato ko sa kanya ng sobrang lakas! Ayun… Naka-ilag! Grrrrr! (-______- ) Bwiset talaga! Nilagyan nya pa ng emphasis yung ew-dearment nya na sweetybabes ah? Ew talaga!

"Bakit ba?! Tatago-tago ka pa ah? Hahaha. Sweetybabe! Hahahaha”Ay tinapa! Mahabol ko lang talaga to, bugbog to sakin eh. Para kaming batang nagtatayaan sa bahay nila nung time na yun. Sila Tita naman, ayun tawa dito, tawa doon. Ano to sine? Ako na unang napagod kaya napaupo ako sa sofa. Nawalan ako bigla ng lakas. Umupo naman malapit sa sofa si Warren.

"Hahahahah ano ha?! Wala ka talaga sakin noh?!” Tawa sya ng tawa. Gustong-gusto ko syang ilampaso at ibaon sa tiles nila kaso talagang napagod ako kakahabol sa kanya. Haaayy. Sumandal na lang ako sa sofa para makabawi sa pagod. Lumabas naman ng kitchen sila Tita, dala na yung isang tray na puno ng coOkies at one pitcher of lemon tea na hawak naman ni Camille. 

"Tara kain na tayo.”  -Camille

"Dun tayo sa veranda.”  Sabi ni Tita habang naglalakad na nga papuntang veranda. Tumayo na ko at sumunod sa kanila. Si Warren di pa tumatayo. Naupo ako sa bakanteng upuan kung saan natatanaw ko yung buong garden nila.

"Haay, ang ganda talaga ng garden nyo nuh?” Sabi ko habang nakatingin sa malawak nilang garden. Grabe ang ganda talaga. Yung samin kasi puro puno and damo lang eh. Mabibilang mo yung mga bulaklak. 

"Syempre may green thumb yata tong mga anak ko.”  Sabi ni Tita sabay abot sakin ng coOkies. Syempre kinuha ko na. Uhmm… Sarap talaga. Nagulat naman ako sa next sentence ni Tita.”  Hindi mo pa rin ba sinasagot ang anak ko?” Ayun naubo naman ako, kaya uminom ako agad ng juice. Kailan pa nanligaw sakin si Warren? (O___O)a

"Tita?! Hindi sya nanliligaw, kayo talaga. Never po magiging kami ni Warren. Hanggang asaran lang talaga kami, you know how we treat each other, we’re the best enemy ever!” Nakita ko naman na medyo nag-pout si Tita, though tanggap naman nya talaga na ganun ang turingan naming ni Warren sa isa’t-isa. Eh wala naman ako magagawa, totoo naman na never akong niligawan nung unggoy na yun at never ko syang sasagutin. Taga nyo yan sa bato!

"Ahhh. Ikaw kasi talaga ang gusto ko para sa kanya eh. Well, kung talagang hindi. It's Ok. Sana lang eh kasing baet at kasing ganda mo ang maging first girlfriend nya.”  HUWAT!? (O___O) First girlfriend daw? Ibig sabihin wala pa syang nagigigng girlfriend since birth?! Kala ko pa naman matinik sa chicks yung unggoy na yun. 

"Really Tita?! As in no girlfriend since birth??” Gulat na tanong ko. They just nodded. Muntik lang ako matawa, may pagka-torpe rin pala yun. Or talagang lagi lang syang basted, Well! Di na ko magugulat noh? Wala talagang papatol sa kanya dahil unggoy nga sya at palaging nambabadtrip.

"Sinong pogi na naman ang pinag-uusapan nyo dyan ha?!” Tanong ng impakto. Ang yabang talaga!! Eto pa, umupo pa sya sa tabi ko. Tinignan ko sya ng pagkasama-sama, as he just grinned. Lintik na mukha yan.”  Bat ganyan ka na naman tumingin sakin?! Oo na pogi na ko. Tagal ko na alam yun!!” Proud nya pang sabi. Ehem grabe tigas ng mukha nya. Di ko na lang pinansin dahil alam kong sa habulan na naman hantong nito. Nakakapagod eh. XD

Nag-usap usap lang kami nila Tita then sa wakas after one hour ay lumayas na si Warren. Aasikasuhin nya daw kasi coffee shop nila. Pareho kasi kami ng course na tinake. At classmate ko sya nun, kaya talagang sumpa para sakin ang makita sya sa room araw-araw. Pero talagang gusto ko ng course ko kaya  pinagtyagaan ko na lang. 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Where stories live. Discover now