Chapter XLVI

471 14 10
                                    

Sana's POV

Na alimpungatan ako ng dahil sa kumatok nang pag kalakas lakas. Wala pa ngang isang oras yung tulog ko eh. Pwede naman kasing pumasok na lang eh tss.

"Pasok!"

Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Dahyun na nakayuko.

"Oh? Ano meron? Ayoko ng gulo Dahyun."

Umupo na ako dahil nakakahiya naman siguro kung nakahiga pa din ako diba? Panira ng tulog eh hays.

"Unnie sorry na."

Lumapit siya sa akin at umupo sa higaan ko. Tinitigan ko lang siya. Wala naman akong masabi eh.

"Squirrel please?"

Mas lumapit siya sa akin habang ako pa-urong naman nang pa-urong.

"Jagi...saranghae."

Eh? Jagi? Di naman niya ako tinatawag ng ganun eh.

"Oo na. Bumalik ka na doon sa kwarto niyo. Matutulog pa ako eh."

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Ayoko namang ipahalata na kinikilig ako diba? hahaha.

"Tabi na lang tayo Jagiya. Gusto ko din matulog eh." tumingin ulit ako sa kanya at nakangiti na siya nang napakalawak.

"..........."

Ayokong kumontra dahil alam ko din naman sa sarili ko na gusto ko siyang makatabi hahaha.

"Ayieee gusto din naman niya." Bigla niya naman akong kiniliti kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Hahaha Dubu haha tigil na hahaha."

"Ayoko nga haha sabihin mo munang gusto mo akong katabi."

"Ehh? Haha oo na Dub dali na haha higa na tayo hahaha."

Tinigil na niya ang pag kiliti sa akin at ngumiti. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Sorry na ha? Hindi na po mauulit."

"Sorry din Dahyunnie nadala lang ako. Next time, ikaw na una kong sasabihan pag may ganun okay?"

Tumango lang siya at hiniga na ako sa kama. Hindi niya tinanggal ang pagkayakap sa akin na ikinatuwa ko naman haha.

"Talaga bang bukas ka na ng gabi aalis? Iiwan mo na ako? huhu."

"Ang oa Dub ah haha. Parang akala mo naman mawawala ka dito sa puso ko sus haha babalik lang akong Japan. Hindi kita iiwan, ikaw pa din mahal ko haha."

Namula naman siya sa sinabi ko haha. Cute talaga haha.

"Unnie naman ehh haha. Mamimiss kita huhu. Kailan ka babalik?"

Hindi pa nga ako nakakaalis eh haha. Pero kailan nga ba ako babalik? Na miss ko din kasi sila Eomma at Appa. Baka matagalan ako hays.

"Hindi ko alam eh." Tiningnan ko ang reaksyon niya.

Hindi ko alam kung bakit nakangiti siya. Hindi ba dapat malungkot siya kasi di ko alam kung kailan ako uuwi?

"Bakit ka nakangiti dyan? Mag hahanap ka ng iba habang nasa Osaka ako?" inirapan ko siya at tumalikod.

Narinig ko naman ang tawa niya kaya mas nalungkot ako. Wala namang dapat na ikasaya eh huhu.

Truth: SaiDa Where stories live. Discover now