Chapter XLIII

385 12 6
                                    

Sana's POV

Nag gagala kami ngayon ni Dubu dito sa backstage. Pinilit ko kasi siya habang hindi pa naman nag s-start.

"Unnie, hindi ka pa ba pagod? Kanina pa tayo nag iikot dito oh."

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh haha.

"Hindi pa naman Dubu haha. Gusto mo na bang bumalik sa dressing room?"

Tumingin lang siya sa akin at parang nag isip.

Bigla naman niyang itinaas ang kanang kamay niya at sumigaw.

"Eh kung sumama na lang kaya tayo doon sa VLIVE nila unnie?!"

Grabe naman 'to kung makasigaw haha. Hindi lang naman ako pumayag kanina kasi moment yun ng 2yeon.

"Eh baka tapos na yun...balik na lang tayo sa dressing room."

Napabuntong hininga na lang siya at tumango.

At dahil alam ko namang gustong gusto niya talagang mag vlive kami ay wala na akong nagawa at sinabi na lang na pumapayag na ako.

Napatalon ba naman siya sa sobrang tawa haha. Hinalikan niya ako na ikinagulat ko naman haha.

Hinila niya ako papunta sa waiting area kung saan ay nandoon si Nayeon unnie at Jeongyeon unnie na nag vvlive.

Nakita namin silang dalawa na busy dahil kausap nila ang mga Once.

Napatingin sa amin si Jeongyeon unnie at napasmile. Nag wave siya sa amin at sinenyasan kaming pumunta sa kanila.

"Ohh! Annyeong Dahyun-ah and Sana-ssi! Onceu nandito ang SaiDa oh haha." Sabay pag papakita ni Nayeon unnie sa amin sa phone ni Manager-nim.

Nag wave lang kaming dalawa at lumapit na sa kanilang dalawa.

Nag usap usap lang sila habang nakayakap ako dito kay Dubu. Paminsan-minsan ay nakikisali din naman ako sa topic nila haha.

Pinalitan ni Nayeon unnie ang filter at bigla ko namang nakitang ang bland ng labi ko. Nakalimutan ko pa lang mag lagay ng lipstick.

"Oh my! I forgot to put some lipstick on!" Pabulong na sigaw ko sa hangin haha.

Bigla namang lumingon sa akin si Dahyun at tinitigan ang labi ko.

"Want some of mine?" sabay pout niya sa akin haha.

Natawa naman ako sa ginawa niya. I know that she's just teasing me. Pero wala naman sigurong problema kung sabayan ko diba? haha.

"Oh sure! Come here!" Sabi ko sa kanya sabay pout. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng hiya sa mukha haha.

Tinitigan ko siya ng matagal. Pabalik balik sa labi at mata niya.

"Hey! Bakit ganyan ka makatingin?"

"What? Come here. Sabi mo yung sayo na lang." pout ko ulit sa kanya habang tinatap ang labi ko.

"Ewan ko sayo" yan na lang ang nasabi niya at hinawakan ng magkabilaan ang bewang ko haha.

"They're so gross! Right Onces? Hahaha." sabi ni Jeongyeon unnie sa mga Once haha. Kaya naman biglang napabitaw sa akin si Dahyun.

Nag paalam na lang ako na mag lilipstick muna haha. Tumango siya at tinulak na ako papunta sa way ng dressing room haha.

Agad naman akong nag lakad papunta doon. Nakasalubong ko si Mina-ssi at ngumiti siya sa akin.

Nagulat ako sa ngiti niyang yun. Akala ko kasi galit siya sa akin sa ginawa ko kanina huhu.

Nginitian ko na lang siya pabalik, kaya lang medyo awkward ang ngiti ko sa kanya dahil sa nagulat nga ako haha.

Dahyun's POV

Umalis na si Squirrel para mag lipstick. Grabe talaga eh noh? haha sa harap pa talaga ng camera nag ganun.

Pero kasalanan ko din naman eh haha ako ang na una. Siya kasi eh, ipagsigawan ba naman na nakalimutan niyang mag lagay ng lipstick haha.

(Hays diba pabulong yung ginawa ni Sana? OA ni Dahyun HAHAHA)

Agad din naman siyang bumalik at niyakap nanaman ako. Nag usap sila tungkol sa mga incoming events na gagawin namin.

Bigla namang inopen ni Jeongyeon  unnie ang topic about sa Adult Ceremony Stage nila Sana-chan.

Kami kasi nila Jeongyeon unnie at ang Maknae Line ang gumawa ng Parody ng Descendants of the Sun.

Habang ang J-line plus si Nayeon unnie ang nag perform ng Adult Ceremony Stage.

"Yah! You guys should teach our maknaes the steps of that choreo!"

Hinampas naman siya ni Nayeon unnie at binulungan.

"Yah Jeongyeon-ah! Don't you know that it's SPG? haha they're still young for that!"

tumawa lang nang tumawa si Jeongyeon unnie sa sinabi ni Nayeon unnie.

"Yeah yeah sure! Madali lang naman yung steps eh." bigla namang singit ni Sana unnie sa likod ko.

Naramdaman kong binitawan niya ang pagkakayakap sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Nahiya naman ako sa nakita ko huhu. Eh kasi naman eh sinayaw niya yung isang step dun na sobrang sexy huhu. Yung may body wave ba yun?

Nilihis ko ang tingin ko sa kanya at humarap na lang ulit huhu. Napangiti na lang ako ng palihim dahil sa ginawa niya.

Di ko alam kung sinadya niya bang tingnan ako ng seryoso habang sinasayaw yun o nag iimagine lang ako haha.

Buti nga at hindi kami gaanong pinansin nila unnie haha. Paniguradong namumula nanaman ako dito.

Ilang minuto din ang nakalipas at pinatay na namin ang Vlive. Malapit na din kasing mag start at tinatawag na kami sa stage.

Kami din kasi ang unang mag peperform. Nag datingan na din ang ibang members at pumunta na kami sa backstage haha.

Lumapit si unnie sa akin at hinawakan ang bewang ko.

Hinalikan ko siya sa pisnge at nilapit ang mukha ko sa tenga niya.

"Bakit ba ang hot mo lagi sumayaw unnie?" sabay smirk ko sa kanya.

Sakto namang lumabas na kami ng stage at nag perform. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya sa sinabi at ginawa ko haha pero paniguradong inis na yun sa akin haha.

💖💖💖

hays sorry po kung natagalan ang update :( promise po babawi ako! thank you readers! mahal ko kayooo <3 (sana pati ako mahal niyo pa din haha)

Truth: SaiDa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon