Talikuran

35 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa wala
Sa kung saan estranghero tayo sa isa't isa
Parehong mula sa magkabilang panig ng mundo
Hindi alam kung saan patungo

Naagkatapat tayo
Magkaharap
Nagkangitian
Kaunting kwento at ayan
Sabay na natin tinahak ang ating mga landas

Napabaling ang atensyom natin sa mga maliliit na bagay
Hanggang sa kailangan na natin muli magdesisyon
Sa daang tatahakin, at kung saan tutungo

Nais ko sanang makita kang muli
Magtagpo ang ating landas
Alam kong hindi mangyayari ulit
Sa ibang araw
sa ibang buwan
Sa ibang taon
Sa ibang henerasyon
Sa ibang siglo

Ngunit sa ngayon
Isang mundo
Ang layo natin sa isa't isa;
Isang buong ,undo muli ang tatahakin
Ng dalawag magkatalikod
Para magkita muli
Sa ibang pagkakataon.

KundimanWhere stories live. Discover now