"Wow! Ang cute!" Napahinto ako sa paglalakad nung makakita ako ng aso sa park, ang cute cute nya. Parang gusto ko na ngang iuwi, kaso baka may nagma-may-ari sa kanya eh, pagbintangan pa kong dekwaters XD Tinap ko lang nun yung ulo ng aso ng paulit-ulit, ang amo nya pa, ni hindi man lang nagagalit kahit di kami close XD
"Chuchi!" Bigla naming tumakbo yung cute na aso sa batang tumawag sa kanya ng Chuchi. Maybe she owns this adorable dog. Tumayo ako at tiningnan sila saglit tapos tumalikod na rin ako para maglakad sa pupuntahan ko. Baka hinihintay na ko ni Camille.
"Ahmm, ate... Thanks sa pag-alaga sa dog ko." The little girl said while smiling. She indeed has a beautiful smile.
"No problem..."I smiled back.
"Kamukha nyo po yung Mommy ko!" Bigla nya akong niyakap nun kaya nagulat ako, hindi ako agad nakagalaw sa pagkakayakap nya.
"Huh? Ah. Eh." Lumuhod ako para maka-level ko yung tangkad nya." Where's your mother?" I asked.
"Hindi ko po alam kung nasan na sya eh. Hinihintay ko pa kung kelan sya babalik, umalis kasi sya ang daming dalang bag tapos umiiyak pa." Nakayuko nyang sabi. Naawa ako sa girl kaya niyakap ko sya. Nagulat naman ako nung nakangiti syang humiwalay sa pagkakayakap ko." Pero sabi ni Daddy, tutulungan daw kami ni Destiny para makita ko ulit si Mommy." Nakangiti nyang sabi. That lightens up my face." Sige po ate, uuwi na kami, baka umuwi na si Mommy. Babye!" Tumakbo na palayo sakin yung bata.
Nakaupo pa rin ako habang tinitingnan silang tumakbo ng aso nya. That little girl... She believes in Destiny just like me. Hindi pala ako nag-iisa. And I know, Destiny is true, we may not see it as is, but in the end you'll realize that it truly happened for real.
30 minutes din bago ako makarating sa bahay nila Camille. Nag-doorbell sa gate nila.
"Pasok, nagbibihis pa si Camille eh, hintay ka muna dyan sa sala." Sabi ni Manang, tingnan mo tong Camille na to, late na nga ako, mas late pa sya.
"Siige po." Tapos pumunta sya ng kusina, pagbalik nya ay may dala na syang orange juice.
"Thank you po Manang, sige na po wag nyo na ko intindihin." I smiled. Bumalik na sya ng kusina. Uminom ako ng juice at nilapag ito sa table. I simply smiled kasi mukhang wala si Warren. Who's Warren? My Mortal Enemy! That's it!
Ang tagal bumaba ni Camille so I end-up checking my phone, Tss! wala pa ring message galing sa magaling kong boyfriend. Oo may boyfriend po ako, kaso parang internet lang, minsan disconnected. Napasandal ako sa sofa and nag-sighed.
"HOY!" ( O_O) Isang lintik na tao ang nang-gulat sakin galing sa likod. At sino pa ba ine-expect nyo? Psh! Si Warren lang NA NAMAN sya! (-___-) Pumunta sya sa harap ko and ininom yung juice ko. EEWW! Ubusin mo na. Halatang nag-jogging sya kasi pawis na pawis si tukmol.
"Bakit nandito ka na naman?" He asked me with a sarcastic face. Tukmol na to, ano na naman tingin nya? Sya ang sadya ko dito? DUH! Mahiya naman sya mukha nyang ewan. >:(
"May lakad kami ni Camille!!" Sagot ko sabay tingin sa ibang direksyon. Err, yung parang snob? He just laughed anong nakakatawa??" Why are you laughing?!" Asked ko na nakasalubong yung kilay. >:(
"Kasi nagsisinungaling ka!! Hahahaha"Tawa nya. sinungaling? Wala naman akong sinabing mali, or baka naman nakalimutan akong i-inform ni Camille na hindi kami tuloy? urgh! Camille hmp! Sakal talaga sya sakin.
"Saan banda ako nagsinungaling huh?"
"Eh alam ko namang gusto mo lang akong makita kaya ka nandito, dadahilan mo pa yung lakad nyo ni Camille ah? Hahaha." He said with a proud voice. Is he in drugs? Sya? Gusto ko makita? Eh sawang sawa na ko sa pagmumukha nya!?
YOU ARE READING
MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)
Teen Fictionpano kung yung taong kinaiinisan mo ng bongga yung taong destined pala sayo .. Sooner, di mo alam na minamahal mo na rin pala sya ? Papayag ka ba na si Mr. Enemy ang makatuluyan mo ?
CHAPTER ONE = Revitalize =
Start from the beginning
