Walang gabi na nangyayari dito. Palaging umaga.

Kulay orange nga kung titignan eh. Ang dim na ng buong kapaligiran to the point na kusa nang nag adjust ang mga mata namin.

"buti naman at buhay pa sila." puna ni Ria saka lumiko sa kaliwa.

I sighed again. Di ko na alam kung pang ilan nato simula nung araw na nagising ang Titan of Time... at ang paghiwalay naming Alphas.

"It's his way of telling us they're alive." ani Kara habang nakapikit.

Hmm...

How about our way of telling them we're still alive? Ang unfair lang.. dapat may paraan din kami para sabihin sa kanila na okay lang kaming girls dito.

Agad kong binuksan ang bintana sa side ko at nilabas ang kamay ko.

'because this is my storm... and I will never hurt you.'

Napangiti ako pagkatapos makita kung paano naging violet streaks ang ulan sa kamay ko.

Nag focus ako na iscatter yung ability ko sa ulan kaya unti-unti ring naging pinkish ang hangin. Para bang gumagawa ng waves ang kamay ko gamit ang ability ni Trev.

'rise' utos ko.

May buhay din ang ulan na'to.

Tatlong pink droplets lang ang bumalik sa itaas kaya sumimangot kaagad ako.

Katulad ng anak ni Zeus, medyo stubborn rin ang ulan na'to. Psh. Nakapout akong nakatingin sa kamay ko.

One last try.

'rise for me rain.'  this time hindi na ang kamay ko ang tinitignan ko kundi sa taas kung saan nanggaling ang ulan.

'rise for me.'

Ilang segundo ang lumipas at naging pinkish na rin ang buong lugar. Kasabay nito ang pagbalik ng ulan sa itaas. Para nga itong nagsplash sa clouds only, hindi tubig kundi purple waves.

Purple waves na nag vi-vibrate contradicting the greyish clouds. Ang ganda ngang tignan.

Napasandal ako sa upuan ko. Bigla kasing sumakit ang ulo ko.

Nasobrahan na naman ba ang paggamit ko sa ability ko?

"Ang ganda nun Cesia ah!" hiyaw ni Thea.

Binigyan ko siya ng thumbs up saka nagdesisyong matulog nalang sa byahe.

•••

"Cesia." narinig ko ang boses ni Ria.

"hhmmm?" dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Nasa labas silang tatlo at nakatingin sa'kin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala na siyang ipinagtataka ko.

"you're not feeling well, are you?" tanong ni Kara.

Sinubukan kong lumabas pero nawalan lang ako ng balanse at bumagsak ulit sa upuan. Tinignan ko ang balat kong namumula.

"you're awfully hot Cesia. May nakuha ka bang disease sa mortal realm?" sambit ni Ria at dinamdam ang noo ko.

"Ria. Hindi nagkakasakit ng ganun ganun lang ang isang demigod." sumunod si Thea na tinanggal ang jacket niya at inilagay ito sa balikat ko.

"Haven't you experienced this before?" nag-aalalang tanong ni Kara.

Umiling ako. Kahit sa panahong nakatira pa ako kasama ang auntie ko. Never pa talaga akong nilagnat.

Akala ko nga eh immune ako sa mga virus na yan.

"Ay shet. Oo nga. Naranasan ko na yan dati. Nung nakatira pa ako sa apartment ni Sebastian. Pero saglit lang naman yun." nakasingkit ang mga mata ni Thea.

Tumango naman yung dalawa at sinabing lilipas rin 'to pero nagsuggest si Kara na magpacheck up daw ako ni Doc just in case.

Pagkatapos matawagan ni Ria ang mga gatekeepers ng Academy, isang malaking silver platform ang bumaba mula sa taas.

Ginawa ito ni Thea para daw sa mga estudyante na bumababa.

Nga pala, since that day, may bagong rule na ang academy: na dapat lahat ng classes, Alpha, Beta at Gamma ay ipapadala sa mortal realms upang linisin ang nakakalat na mga nilalang.

"Una na'ko." naging phoenix si Ria at mabilis na nawala sa pananaw ko.

"Hmm.... pwede ko kayang gamitin yung ability ko para lumipad? Alam nyo yung jetpack? Pero imbes na jetpack... kamay ko..hmm..." umandar na naman ang curiousity ni Thea. Kung anu-anong bagay lang ang pumapasok sa isipan niya.

Pero hindi naman ako nagrereklamo. Marami na siyang naitulong sa Academy. Kasali na rito ang maintenance ng buong eskwelahan.

"Should I go with you?" tanong ni Kara pagdating namin sa loob.

Umiling ako. "Wag na. Ako nalang. Pakidala nalang ng bag ko." Nginitian ko siya.

Tumango siya saka dumiretso na papuntang dorm namin.

Naglakad ako mag-isa patungong clinic.

Ewan pero ang bigat ng mga hakbang ko. Napatigil ako sa paglalakad nang magsimulang umikot ang paligid.

"H-hey are you okay?" tumigil ang isang lalaki sa harap ko. Naka blue shirt siya at letter 'B' ang nakalagay sa pin niya.

Napalunok ako.

Ba't iba ang pakiramdam ko sa sarili ko ngayon?

"Mm... okay lang ako... e-excuse me." nagmadali akong pumunta sa clinic.

Sa wakas, nakita ko na rin si Doc. Mukhang may kausap siyang lalaking naka black cap pero nakuha ko ang atensyon niya pag pasok ko sa clinic.

Pamilyar ang kinakausap niya.

"Nurse!" narinig kong sigaw ni Doc sa mga aurai.

Bago pa ako makasalita, bumagsak na ako.

Sa laking gulat ko, dalawang kamay ang nadatnan ko.

"I got you." narinig kong bulong niya.

Ba't ba ikaw nalang palagi?

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now