PInagpapawisan ang noo niya.

“Kain tayo?” inangat niya ang umuusok na mangkok.

“Ano yan?” salubong ang kilay ko. Tinanong ko siya kahit na alam kong noodles iyon. At mukhang naghirap si Paniki na lutuin iyon dahil sa mumunting pawis niya sa noo.

Hinipan niya ang sabaw sa mukha ko, mainit iyon pero parang mas mainit ang hininga niya. At mas mabango pa sa pagkain. Ganun siguro talaga ang mga Paniki, pero hindi pa rin ako magpapadala.

“Busog ako. Hindi mo ba nakita kanina madami akong pansit na kinain.”

“Iba naman yun, wala ka namang kinaing ganito.” nakanguso na naman siya, nakakainis lang dahil lumalambot ang puso ko sa mga pacute niya.

“Tingin mo Jave, bakit galit ako sayo?” Nakahalukipkip kong tanong.

“Kasi maarte ka?”

Pinandilatan ko siya. Ako ba talaga maarte? Kasalanan ko pa? “Hindi. Kasi baliw ka. Alam mo ba na kung minalas tayo ng konti kanina pareho tayong patay na dalawa?”

“Hindi mangyayari yun kung hindi ka humarang. Kasalanan mo yun bakit ako sinisisi mo? Nagsorry na nga ako kahit inosente ako, nangaaway ka pa rin diyan.”

“Aba’t talaga naman!” nanggigigil talaga ako sa kanya gusto ko siyang balian ng tatlong ribs sa katawan para magtanda. “Kung hindi ako humarang hindi ka titigil.”

Kumunot ang noo niya at sumeryoso ang mukha. “Sino ba kasing may sabi sayong gusto kong magpakamatay. Para kang tanga diyan!”

“Ikaw ang tanga. Panu ako kapag namatay ka? Alam mo bang ikaw nalang ang meron ako?” naiiyak kong turan. Hindi ko mapigilan pero naiiisip ko talaga ang pwedeng mangyari kung hindi ko napatigil sa kalokohan niya si Jave kanina. Kumurap-kurap ako upang pigilan ang luha ko. Alam kong alam niya na naiiyak ako kaya hindi rin siya makapagsungit sa akin sa pagkakataong ito. Nakatitig lang siya sa akin habang ako namamatay na kakapigil sa luha ko na pilit kumakawala. Ang sakit talaga sa dibdib na isipin na pwede kong maiwala si Jave ng ganun ganun na lang. Masyado siyang reckless sa sarili niya, siya yung tipo ng taong walang pag iingat sa sariling buhay kaya nakakatakot. Ako ang natatakot ng sobra sobra.

“Hawakan mo nga ‘to. Nangangawit na ko.” bigla niyang sabi.

Napasimangot na naman ako ng sobra. Semento talaga ang puso ng paniking ito. Walang kasing tigas ang sarap masuhin.

“Ayokong kumain ng noodles, magkaka-UTI ako!”

“Langya naman, ito lang alam ko eh.”

Kibit balikat ang sagot ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay, iningusan bago isinara ang pinto, matutulog nalang ako kaysa pasakitin ang ulo ko sa kaabnormalan ni Paniki.







Dahil walang kotse si Jave napilitan akong umangkas sa motor niya. Mabuti na lamang at medyo maayos ang gising niya, hindi niya pinaharurot ang motor na kagaya ng lagi niyang ginagawa. Pagkababa ko ng motor, hindi ko inaasahan na kukunin niya ang bag ko, isasabit sa sariling balikat para lang tulungan akong maghubad ng helmet at mag ayos ng buhok.

“Nagsuklay ka ba? Ang tigas ng buhok mo, magshampoo ka minsan..” irap niyang turan sakin.

“Minadali mo ako kanina, hindi ako nagsuklay!”

“Tsk. Alam kong sa tribo niyo hindi uso ang suklay, pero ang sakit mo sa mata.” Aniyang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko.

“Aray, masakit!” reklamo ko dahil nasasabunutan na ako.

“Masakit? Pero kahapon hinarang mo katawan mo sa kotse ko? Kutusan kita eh!” Inalis niya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mata ko. “San na hairpin?”

Binigay ko iyon sa kanya mula sa bag. Kumabog na naman ang puso ko nang ipitan ni Jave ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko sa ginagawa niya pero parang hindi na importante iyon. Natatawa ako dahil nag aabala na siyang mag ayos ng buhok ko? Ano kayang napanaginipan ni Paniki at mukhang maganda talaga masyado ang gising?

“Ayan, mag ayos ka at nang magmukha ka namang tao. Maawa ka sa mata ko malapit na akong magka-katarata sa sobrang pangit mo.”

“Tsk.” sa asar ko hinmapas ko siya sa balikat. “Hindi ako pangit noh!”

“Sino may sabi?” aniyang sinasalag ang kamay ko.

“Silang lahat. Ikaw lang nagsasabing pangit ako. Baka nga may gusto ka sakin diyan eh--” natigilan ako sa nasabi ko. Hindi ko yun sinasadya. Tumawa pa si Jave ng malakas, nakakainis naman nakakahiya tuloy.

“Langya, natrauma ka yata kahapon, kumulot ang utak mo. Tara na nga!” sabay hila sa akin. Hawak niya ang braso ko habang sa balikat niya nakasabit ang shoulder bag kong kulay maroon. Nakakatawang tingnan yun sa kanya dahil ang angas na naman ng outfit niya sa araw na ito. Mukha na naman siyang badboy na nakakatakot pero nakaka-akit lapitan, tapos may dalang bulaklaking bag. Nakakatawa talaga.

“Alam ko na classroom ko hindi mo ako kailangang ihatid noh.”

“Gusto ko. May reklamo?” irap na sagot niya sakin. Naiilang ako sa init ng kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pero mas nahihiya ako dahil sa gild namin parang mga bubuyog na nagkumpulan ang mga estudyante habang nakatanga sa amin ni Jave. Kakaiba talaga ang feeling kapag kasama mo sa school ang demon rex. I had to admit he’s like a god around here, tingin niya pa lang napapasunod na niya ang mga estudyante. May pakiramdam akong kaya hindi ako nabu-bully sa school na ito ay dahil kay Jave. Pero dahil din sa kanya piling tao lang ang lumalapit sa akin, nahahalatang kong panay mga may pangalan sa school lang ang pumapansin sa akin, yung mga ordinaryong estudyante na gusto kong maka-close ay ilag na ilag.

Inabutan naming maingay at magulo sa classroom pero nung mapansin ng mga kaklase ko kung sino ang kasama ko, bigla silang nagsitahimik, ilan sa kanila natulala nalang halos pigilan pati ang paghinga wag lang makagawa ng kahit na anong bagay na labag sa maiksing pasensya ng demon rex. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa nalang sa kanila.

Nang makaalis si Jave pakiramdam ko nagsimulang bumawi ng hininga ang mga tao sa paligid ko. Pati ang Professor namin na dapat at kanina pa pumasok inantay munang makaalis si Jave bago kami binati.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now