"Psh! Babaero talaga." Mahina kong sabi sa sarili ko.

"Ano yon Tine?" Nangaasar na tanong naman ni Mark. Mukhang narinig nya yung sinabi ko.

"A-ah wala." Ngumiti ako sakanya.

Padabog kong binitawan yung kutsara at tinidor ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Abby sakin.

"Oo naman. Nakakainis lang kasi sya, pag tayo kasama nya nagpapabebe sya tas ngayon biglang nawala yung sakit." Singhal ko.

"Hmmm. Bakit parang amoy nagseselos sa banda dito?" Patango tango pang sabi ni Jelo.

"Hindi ako nagseselos no!! Nakakainis lang sya!!" Protesta ko.

Hindi naman kasi ako nagseselos no!

Asar na asar lang ako sakanya.

Napakababaero kasi nya!

Pagkatapos naming kumain nakita kong pabalik na sa table namin si Carlo.

Ngiting aso pa sya.

Psh!

Siguro nakascore!

Asar!

Umupo na sya sa tabi ko.

"Tapos kana nga? Hindi mo naman ako inantay." Naglalambing nyang sabi sakin.

Asa naman syang aantayin ko syang matapos sa pakikipaglandian nya bago ako kumain.

Hindi ko sya inimik.

"Sungit mode? Nagaway kayo?" Pangungulit pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Ramdam kong nakatingin sila samin.

Niligpit ko nalang yung pinagkainan namin.

"Teka, diba papainumin mo pa ko ng gamot? Sabi mo kanina e." Habol nya sakin.

Hinagis ko sakanya yung gamot.

"Oh! Uminom ka magisa mo!" Tapos umalis na ako.

Ewan ko pero biglang naginit yung ulo ko sakanya.

"Anong problema non?" Dinig ko pang tanong nya sa mga kasama namin.

"Ang babaero mo kasi e." Sagot ni Mae tapos sinundan na ako.

"Hindi naman halatang nagseselos ka girl e." Nagulat ako sa nagsalita. Si Khate pala.

"Hindi nga ako sabi nagseselos e." Sagot ko sakanya.

"E ano yan? Yang inaasta mo?" Usisa pa nya.

Tangina ayokong aminin pero basta!!

Nakakainis!

Nakakaselos!

Di nalang ako sumagot.

"Indenial stage ang ate mo." Paggatong pa ni Mae.

Nakatungo nalang ako.

Niyakap nila ako.

"Hindi ko na to dapat nararamdaman e!" Tapos pinagsususuntok ko yung dibdib ko.

Naiiyak ako.

Pinigilan nila ako.

"Tama na nga yan!" Pilit akong inakap ni Khate.

Naiyak na ako ng tuluyan.

"Magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo. Dun ka sa alam mong sasaya ka." Pangaral sakin ni Mae.

Ang daya lang kasi e.

Hanggang ngayon, bakit sya padin? 😭😭

Maling mali to.

"Hindi to pwede." Hagulgol ko sakanila.

"Magiging maayos din ang lahat." Pagpapatahan nila sa akin..

"Ang hirap magmahal no? Kasi kahit anong pananakit yung gawin nila sa atin sila parin yung gusto natin mahalin." Biglang sabi ni Mae.

"At kung sino pa yung taong mahal natin sila yung hindi napapasatin." Dagdag ko.

"Paano si Daniel?" Seryosong tanong ni Khate, hinawakan nya yung kamay ko.

Naiyak nanaman ako.

Kase wala syang ibang ginawa kundi mahalin at pasiyahin ako tapos ganito yung igaganti ko sakanya.

"Mahal ko sya. At totoong pagmamahal. Hindi ko sya ginawang rebound." Sagot ko sakanila. Totoo naman e.

Lahat ng pinakita at nararamdaman ko kay Daniel totoo.

"Pero paano yung nararamdaman mo kay Carlo?" Dagdag pa nila.

Di ako makasagot.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang ipaglaban tong nararamdaman ko sakanya.

Ilang saglit lang at napagpasyahan na naming bumalik sa hotel para makapagpalit.

Habang naglalakad nakasalubong ko yung pinsan ko kasama din yung mga kaibigan nya.

"T-tine?" Tawag nya sakin tapos nilapitan kami.

"Ate!" Tapos nagyakapan kami.

Pinakilala ko lang sya kina Mae at Khate.

"Kasama mo ba si Carlo?" Tanong nya. Kilala din kasi nya si Carlo since panay ang kwento ko sakanya nung tungkol sa amin.

"A-ah oo! K-kasama namin sya." Tipid kong sagot.

"Okay na pala kayo? Mabuti naman. Ang tigas kasi ng ulo nila tito at tita e. Sinabi ko naman sakanila na hayaan nalang kayong dalawa ni Carlo." Paliwanag nya. Naguluhan ako. Tito? Tita? Paano sila nasali dito?

"Ha? Hindi kita maintindihan." Nagtataka ko syang tinignan.

"Hindi mo ba alam?" Gulat nyang tanong.

"A-ang alin?" Mas naguluhan ako.

"S-siguro kayo nalang ni Carlo magusap. Una na ako." Pagkasabi nya non agad narin syang umalis.

May hindi ba ako alam?

Dali dali kong hinanap si Carlo.

Nakita ko sya sa tabing dagat, nakaupo at nagiinom.

"Can we talk?" Tanong ko sakanya.

Tinignan lang nya ako.

"May magbabago ba kung sakaling magusap tayo?" Pagbabalik nya ng tanong sakin. Seryoso yung mukha nya.

"Gusto kong malaman lahat lahat." Pakiusap ko sakanya.

Hinanda ko ang sarili sa mga sasabihin nya.

Wala pa syang sinasabi pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.






VOTE. COMMENT. ENJOY. SHARE.

-Kettlekorn❣️

Bestfriends (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu