“Iuuwi ka na namin Franj.” Sabi ni Yeol sabay hila sakin.

“No, wag muna, dito muna tayo.” Natawa ako nung napansin ko yung tenga ni Chanyeol. “Hihihi, Yeol ang laki ng tenga mo, tapos si Dyo ang laki ng mata, huy, Baekhyun, ikaw anong malaki sayo? Hihihihihi.” Hagikhik ko. “Hahahahaha, syit ka, Dyo, ang laki talaga ng mata mo! Ahihihihi.”

“Lasing ka na Franj, tara na.” Si Baekhyun naman ngayon ang nanghihila sakin.

“Huy, Baekhyun, ang liit naman ng an—“ Before I could end my sentence, tuluyan na akong nakatulog.

Naalimpungatan ako nung naramdaman kong may nagbubuhat sakin, di ko maanigan kung sino, imposibleng si Yeol ‘to, di naman malaki ang tenga, imposibleng si Dyo kasi parang di maliit ang mata nito, mas imposibleng si Baekhyun ito kasi parang di maliit yung ano.. ano na kasi yon?

“Amoy Luhan ka..” Sabi ko nung naamoy ko siya, “Teka, ikaw ba si Luludeer ko? Hihi. Di siguro, imposible namang puntahan ako ni Luhan dito… nandun siya sa totoong girlfriend niya, kasama niya’t masaya sila dun. Habang ako, tignan mo.…”

“Does it hurt?” He guy asked.

Naiyak ako sa tanong niya.. Tumango ako, the guy caress my tears..

“If I kiss you, will that pain fade?” He asked, but before I could response, his lips captured mine.

The kiss he gave me was somewhat familiar..

Luhan ikaw ba yan?

 

The next day I woke up, masakit ang ulo ko, di ko na alam paano ako nakauwi, ang natatandaan ko lang, kaninang naalimpungatan ako, pinagalitan ako ni Erin. Grabe talaga yung babaeng yun,pero paano ba ako nakauwi?

Dahil sa hang-over ko, di ako pinapasok ni Nanay Erin ko, pero dahil bored ako sa bahay, pumasok ako kinahapunan kahit na alam kong di maayos ang sched kasi busy ang lahat para sa nalalapit na school fest.

Papasok ako sa school, nakasalubong ko si Mark. Agad niya akong kinumusta.

Mark, kung ikaw nalang kaya mahalin ko? Chena!

Sinamahan ako ni Mark buong araw, di siya humiwalay saakin, nabalitaan kong magpeperform sila sa Festival night, may grupo pala siya, Got7 ata yung pangalan.

Good thing about this day (so far) kahit anino ng dalawang pakyeol na yon ay di ko naaninagan, buti nalang talaga.

Mark and I stayed here under the tree facing the soccer field, binilhan niya ako ng pagkain at dun nagpicnic kami. Habang pinagmamasdan namin ni Mark yung mga nagtutune-up game na volleyball boys players, dumating sina Cheyenne at Finella.

“Franj my loves!” Sigaw ni Finella saka kumapit sa braso ko, then napansin nila si Mark sa tabi ko, agad naman nila itong binati. Si Finella ay panay ang reklamo sa boyfriend ni Cheyenne.

365 Days with EXOWhere stories live. Discover now