Agad akong niyakap ni Baekhyun, he tapped my shoulder, binaon niya ang mukha ko sa leeg niya, sina Chanyeol at Dyo naman binubrush nila ang buhok ko.

“It’s so odd seeing you in pain, Franj. Di kami sanay na nakikita kang ganyan.” Sabi ni Dyo.

 

“Kasalanan ng mga kaibigan niyo ‘to eh.” Sabi ko pero patuloy pa rin sa pag-iyak, nung medyo natahan na ako, dinala nila ako sa isang convenience store at doon pinakain ng chocolates pinainom na rin nila ako ng tubig, pero nung nakakita ako ng beer, agad akong bumili nun, nung una ayaw nilang payagan ako pero napilit ko na sila, di lang nila alam, mataas tolerance ko sa alcohol kaya itong isang bote ng beer hanggang sa leeg ko palang ito.

Kaya nung nasa bahay kami nina Dyo, nakapuslit ako ng tatlong bote ng beer bukod dun sa dalawang alam lang nila, kung paano ko napuslit? Secret nalang yon.

Ang ganda ng bahay nila Dyo,pero mas maganda yung kusina nila, mahilig kayang magluto si Dyo? Sa pagmamasid ko dito sa bahay nila, dun ko nakita yung mga pictures nila ni Ember, ang cute talaga nila, pero pansin ko, di sila okay ngayon.

Dito kami sa sala nila tumambay, nagsimula na kaming uminom --  ako lang pala, sila, juice lang ang iniinom, pa-baby masyado. Nagluto si Dyo ng makakain namin, infairness naman sa kanya, ang sarap niyang magluto. Ang swerte ni Ember.

Nilagok ko yung isang beer, tapos yung isa pa, tapos yung pangatlong beer, naalala ko naman kasi yung pnag-usapan nila ni Kai, bwisit!

“Hoy Franj, bakit ang daming beer?” Tanong ni Baekhyun.

“The more the merrier.”Sabi ko na medyo tipsy na. Akma kong iinumin yung beer pero pinigilan ako ni Dyo

“Hey, alcohol doesn’t solve any problems.” Dyo said.

“Neither does milk.” Sarkastiko kong sabi. Saka na nilagok yung isang bote, whoo! Life! Sarap magbigti ng patiwarik.

“Franj tama na nga yan!” Sabi ni Yeol nung inagaw niya yung beer na sana’y tutunggain ko na.

“PWEDE BANG HAYAAN NIYO MUNA AKO? PLEASE LANG, KAHIT NGAYON LANG! DI KO NA KAYA, ANG HIRAP MAGKIMKIM… Kaya kayo, kayong tatlo, huwag na kayong makipagkaibigan sa dalawang yun, pinaglalaruan lang nila ang mga babae.” Tumayo ako at tinuro si Dyo,”Ikaw Dyo, dahil sa pagsama mo sa kanila, tignan mo nangyayari sa inyo ni Ember, she’s not fine sa pagsali mo sa pagiging gangster niyo. Ikaw Chanyeol, do you think Jhen will love you dahil nagpapaastig ka sa pagiging gangster mo? Girls like good boys, no doubt kung di ka niya papansinin, kaya please lang Chanyeol, tigilan niyo na ang pagsali sa away nila! Ayokong maging ganun kayo, ayokong maraming babae ang mapaiyak niyo..”

“Franj you’re drunk.” Pag-aawat nila sakin.

“I’m just drunk, Yeol, so shut up.” I said and drunk again.

This is too much to handle.. di man ako nagsasalita, nakikita ko naman lahat because I am playing it cool kaya nga ngayon ko nalang nilalabas lahat ng hinahakit ko, in the long run, I never thought I’ll be fool, all this time I thought those feelings were real, fck that effin thoughts!

365 Days with EXODove le storie prendono vita. Scoprilo ora