Chapter Twenty

68 3 0
                                    

Maeve

          "Reid! Bumaba ka na! Kumain ka na!" I shouted for the nth time. Its been 2 months since he woke up. Nagdecide na akong tanggapin yung offer ni tita na dito na tumira sa house nila. I wanted to compensate for all that I did to Reid. Day and night inaalagaan ko siya. Pinagluluto ko siya nang lahat ng pagkain na gusto niya. But after everything for the past 2 months... Hindi na siya yung Reid na una kong nakilala. He has been so distant. Alam ko mahirap tanggapin yung sitwasyon niya pero sana naman hindi siya magpaapekto nang ganito.

          "Reid! Naririnig mo ba ako?!" LInapitan ko siya sa kwarto niya. He was doing something on his computer. I checked kung naka-on yung implants niya. Kaya pala. I turned it on for him.

          "Reid, bumaba ka na, kumain ka na." He looked at me blankly. He stood up at lumabas na ng kwarto. I followed him right after. Ganyan na lang kami lagi. Hindi na niya ako kinakausap, hindi na siya ngumingiti, he doesn't even come out of his room. He's isolating himself.

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

Reid

          Never in my life na inimagine ko yung sarili ko na magkakaganito ako. Na I would be like her. Na mararamdaman ko kung gaano kahirap maging siya. Sobrang hirap. Sobrang hirap pala nung pinagdadaanan niya. Sobrang hirap palang mabuhay nang kagaya niya. Idagdag mo pa lahat ng pingadaanan niya simula nung nakilala niya ako.

          I wanted some time for myself. I wanted to reflect on how my life is going. Hindi ko naman nilalayo yung sarili ko sa lahat, I just wanted some time alone. Siguro kapag ok ok na ako, I can socialize again. I can start talking to everyone again.

          Lately, nag-aaral akong magsign language. I know Maeve learned to do sign language bago siya nag CL's. I wanted to do the same. I don't want to rely on just these implants. Gusto ko kapag may nangyari, I'll be able to do something myself.

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

Maeve

          During my freetime, linalakad ko yung mga papers namin ni Reid para makabalik na kami next semester. Nakakuha na rin ako ng driver's license tsaka ng sasakyan, through kay tita. I told her I'd pay her back, pero for now, mag-iipon muna ako ng pera.

          "Nako, Maeve, you don't have to do that. Legal guardian mo naman na ako, so that means responsibilidad kong providan ka ng mga ganyan. It's the least I could do to repay you for the kindness showed my son." Sabi ni tita sa akin.

          "Kulang pa po yun sa lahat nang nagawa niyo na po sa akin. Kayo pong dalawa ni Reid." I expressed my gratitude. Narinig namin ni tita na bumaba si Reid kaya natapos agad yung usapan namin. We saw him leave the house. Nagkatinginan naman kami ni tita. I opted to follow Reid wherever he was going.

          I hopped inside my car, ganun din siya. Hindi na siya pwedeng magdrive ng motor, at lalong hindi pwede sa sasakyan lalo na't di pa siya sanay sa feeling nang may implants. I waited sa kung saan niya gustong pumunta. Habang hinihintay ko siyang magsalita, binuksan ko na yung engine at lahat. The radio was playing "Kanlungan" by Noel Cabangon.

          We just stayed there for a while habang pinapakinggan yung kanta. I think I know where I can take him. I drove off. Its just two to three hours from here sa Manila to Tagaytay. I know he needs it. Hindi rin naman siguro matao ngayon dun dahil November pa lang naman.

          Kapag tinitingnan ko siya habang nagdadrive, he just kept on looking outside the window. Pagdating namin ng Tagaytay, dumeretso na agad ako sa amusement park. I know he will love it. Hinila ko siya muna dun sa may view. His face looked amazed. Kahit naman na hindi niya ako kauspin alam ko kung saan siya matutuawa. I held his hand and pulled him papuntang ferris wheel.

          "Maeve." He spoke. Medyo nagulat ako. Hindi ko kasi inasahang kakausapin niya ako eh. Paglingon ko para tumingin sa kanya, he was already staring. Lumakas naman yung tibok ng puso ko dun.

          "I'm sorry... for everything." He said so sincerely. Napaka-iksi ng mga salitang binitawan niya, pero napukaw lahat nun yung mga pinagdaanan naming dalawa. Hindi ko napigilang maluha sa tuwa. Lahat nung alaala naming dalawa, bigla na lang sumapi sa isipan ko. Mula noon hanggang ngayon, wala naman makakahigit pa sa pagmamahalan naming dalawa.

          "Pangako, mamahalin kita, aalagaan kita, hindi ako magsasawa hanggang kailan pa abutin. hanggang sa huling himlayan natin.... I love you." He promised to me, sa kalangitan, sa araw at mga ulap.

          "Maeve? Naririnig mo ba ako?" Tanong niya nung hindi ko siya sinasagot. Napangiti naman ako at tumango.

          "Reid, lagi lang akong nakikinig. Ikaw? Can you hear me?" I asked him.

          "I've been hearing you from the moment we met." He answered.

Can You Hear Me?Where stories live. Discover now