Chapter One

192 3 0
                                    

Maeve

          Magkaiba kami ng interests ni Cosima sa buhay. He's into engineer-stuff and I'm more into mass media communication. Hindi naman pwedeng sumunod ang isa sa amin sa gusto ng isa, lalo na kung di naman forte nung isang yun yung pupuntahan niya.

          So, ako, humss, siya sa stem. Genius kasi yun! Kainis! Ako naman, bingi na nga pero dakilang chismosa pa rin. Umagang-umaga pa lang, sinundo na agad ako ni Cosima sa bahay. Ginawa niya yun para may kasama daw ako sa unang araw ng klase.

          Pagpasok pa lang namin, pinakilala na niya ako sa mga kaibigan niya. Sakto naman na may mga ilan sa kanila na magiging kaklase ko rin. Sabi nga nila, maswerte daw sa akin si Cosima. Kahit naman na di pa kami at nanliligaw pa lang siya'y nakakasama pa rin niya ako. May mga babae daw kasi na sobrang arte kapag nililigawan. Uhm, ok? Sa Denver Academy kasi, kokonti lang ang ganun, more on mababait ang mga babae dun.

          They introduced themselves to me. Ang kaklase ko lang sa kanilang lahat ay dalawa, si Gerald at Troy. Medyo nahawi ko yung buhok ko kaya napansin nilang lahat na may CLs ako. They were cool about it. As for me, madali akong makipagkaibigan talaga sa mga lalaki. Ewan ko, mas hirap ako sa babae kasi feeling ko jinujudge na agad nila ako kahit di pa kami gaanong magkakilala.

          They were nice enough para sabayan na ako sa pag-akyat sa room namin nung nagbell na. Mabait naman sila. Makukulit nga lang. They remind me of my classmates back at Denver Academy. Nagkakilanlan naman na kaming tatlo. I instantly became their friend.

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

Ilang araw pa lang, mailap na ang iba sa akin. Yung iba kasi sa kanila, pansin na yung CLs ko. But then, for some reason, may iba naman na kinakausap ako at nakikipag-kwentuhan sa akin na parang normal lang akong tao. Ano kayang problema nung mga umiiwas sa akin?

          Nakapag-elect na kami ng class officers at na-elect ako bilang secretary. The thing about it is, I don't really know what to do as a class secretary sa isang bagong school. Pero, sige, tanggapin ko na lang. Tutulungan naman daw ako nila Gerald at Troy sa mga Gawain dun. For a few more days, tinulungan ako nila Cosima mag-adjust sa school hanggang sa naging normal na sa akin ang environment doon.

          Nakabisado ko na rin lahat ng mga kaklase namin kasi paulit-ulit kong kailangan tingnan ang masterlist para sa attendance namin. So malamang sa malamang, kilala ko na agad silang lahat. Most of them are like me, transferees pero partial scholar lang. Kung sila, nangangapa pa sa mga pangalan ng iba, ako hindi. Kabisadong-kabisado ko na silang lahat.

          As class officers, kinausap kami ng adviser namin na if ever na may problema sila na nahihiya silang ishare sa adviser namin, pwede rin daw sa amin. Pinagpromise pa kami na whatever we talk about with our classmates privately, it will stay confidential.

          Siguro eto yung paraan nila para magcope sa bullying. Pati students, kailangan na ring gumawa ng aksyon. I was just arranging my things before going out the room. Break na rin naman na kasi. Biglang umingay ng bonggang-bongga. Lately kasi nagkakakilanlan na kaming lahat kaya umiingay na rin ang buong section namin. I turned off my CLs for a while. Wala naman na sigurong tatawag sa akin.

          Lalabas na sana ako ng room ng biglang may humigit sa akin. Si Reid. Nagsasalita siya kaya ppinigilan ko muna siya at binuksan yung CLs ko.

          "Ano ulit yung sinabi mo? Hindi kita naririnig eh." I explained to him at bigla naman siyang kumalma. Kanina kasi parang galit siya eh.

          "Ah-ah. Ganun ba? Sige, pwede ka nang umalis." Sabi niya sabay layo sa akin. Luh? Tinawag-tawag ako tapos wala naman siyang sinabi sa akin. Baliw lang? Umalis na rin ako at sumunod kila Cosima. To sum them up, nasa 14 or 15 sila sa group of friends nila. Tapos ako lang ang nag-iisang babaeng kasama nila lately.

Can You Hear Me?Where stories live. Discover now