Chapter Eleven

54 4 0
                                    

Reid

          I wasn't expecting her to agree, pero pumayag siyang dito muna siya sa bahay habang wala pa si mama. Mas panatag na loob ko ng ganito. At least I know she's safe and sound.

          "Ba't parang walang katao-tao? Nasan yung mga maids niyo?" She asked. Oh, I forgot!

          "Day-off pala nila ngayon! Pano ko nakalimutan?! Mukhang wala tayong dinner ngayon ah!" Naiirita kong nasabi. Edi sana bumili na kami kanina pa ng makakain! Ang tanga ko!

          "Hey. Alam mo namang namumuhay ako mag-isa, which means, kaya ko naman magluto ng isang decent meal." She boasted. Well, I'm lucky that I just invited her to stay here.

          "Oh, edi icheck mo na lang yung ref kung anong pwede mong maluto. Hindi naman ako pihikan." I told her. Tumango naman siya at tiningnan na yung laman ng ref. Its already 3pm. Malayo pa man din bahay niya.

          "Anong lulutuin mo?" I checked up on her habang naglalabas siya ng mga gamit. Nagulat naman siya ng onti. Muntik na niyang malaglag yung bote ng soy sauce. Buti nasalo ko at pinatong na niya sa counter.

          "Uhm, kung may grill kayo na may smoker, edi smoked ribs." Sabi niya habang naghahanap ng kung ano sa mga cabinet namin. What is she looking for? A bowl? I helped her. Binuksan ko yung cabinet na di niya maabot at kinuha yung malaking bowl.

          "Thanks." Sabi niya ng nakangiti at sinimulan na yung pagluluto, well more like nagpeprepare na ng mga ingredients. Imamarinate ata niya yung ribs eh.

          "Nagawa mo na ba to?" I asked. Mukhang sanay na sanay na nga siyang magluto.

          "Smoked ribs? Hindi pa. This is my first time making this. Wala naman kasi kaming smoker grill sa bahay eh. Pero ang dami ko nang nakitang recipes neto sa internet. Gusto ko kasi talaga siyang itry." Sabi niya in an excited way.

          Linabas ko yung grill sa likod ng bahay. Lininis ko at tinawag ko na siya. Tiningnan naman niya at nagsmile, tapos bumalik na ulit sa loob para gawin na yung mixture sa pagmamarinate niya nung meat. Her smile... It made my heart beat faster than it normally does.

          "Why don't you stay for the night?" Tanong ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng bahay ulit.

          "Ako?! I mean, ok lang naman... Kaso wala naman akong dalang kahit anong damit or even my toothbrush." Sabi niya habang hinahalo yung mga sauce.

          "A-ako! I'll drive tapos ako na rin kukuha ng damit mo." Pagvovolunteer ko. I'm all alone in a big lonely house, same as her, so why don't we keep each other company diba? I don't have any bad intentions. After all, she is my friend now, at ayoko rin gawin na yung mga ginagawa ko dati lalo na't we're in good terms now. I don't want to disappoint her.

          "O-ok. Eto yung susi. Siguraduhin mong nakalock yung bahay bago ka umalis ah." She reminded at umalis na ako. My god! I swear! Habang tumatagal, the more she gets attractive. Ako lang ba?

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

Maeve

          I have never enjoyed cooking this much! Ang chill lang kapag nagluluto sa smoker. Hihintayin mo lang talaga siyang maluto for several hours. Nanonood lang akong TV saglit nang may narinig akong tumatahol. Pinuntahan ko kung san yun nanggagaling. Ay ang cute! May pitbull sila! Ang laki niya! Nakakatakot pero mukhang mabait naman siya. I just stood there for a while close enough for him to smell me. Pinakawalan ko din siya after.

          OMG! Ang cute! Sinundan niya ako sa loob ng bahay. I just sat down sa may living room at nanood ng TV. It sat down beside me tapos sinamahan lang akong manood ng TV. Ang cute naman ng asong to.

          Narinig kong dumating na si Reid. Pagkapasok niya ng pinto, nagulat siya kasi tinalunan siya nung aso.

          "Steve! Ay oo nga! Hindi pa siya kumakain." Naalala niya. Kaya pala nag-iingay kanina. Pero mukhang ok naman nung pinakawalan ko.

          "I see you met Steve." Sabi niya tapos pinakain na din niya. So pwede pala talagang papasukin yung aso dito sa loob. May kainan siya sa loob ng bahay eh.

          "How old is he?" Tanong ko habang pinapanood yung asong kumain.

          "Two years old." Sabi niya at tinago na niya yung pagkain nung aso. We sat back at the couch at nanood ng youtube videos sa smartTV. Nasa akin yung remote kaya ako ang nagcocontrol talaga ng mga papanoorin namin. Mahilig pa naman ako sa vlogs kaya eto, enjoying travel vlogs. What is up with travel vlogs? Bakit ang dami?!

          "Kailan ulit birthday mo?" Tanong ni Reid. Birthday ko?

          "April 9." Sagot ko habang pinapanood pa rin yung vlogs. Oh wow! Ang ganda sa Pagudpud..... Ang ganda sa Hawaii.... Oh my gosh! Japan! Ugh! I'd like to go there one day.

          "May passport ka ba?" Tanong ulit niya. WTF? Ba't naman niya natanong yun?

          "Meron. Its new. I needed it kasi sa ibang lugar kailangan ng two valid IDs. Tsaka in case na magbakasyon ako sa Detroit, but I guess that won't happen anymore." Naalala ko yung parents ko. We were planning on having a vacation for my birthday. But now I have to spend my first birthday alone.

          "Sa lahat ng lugar, san mo kaya gustong pumunta in the future?" Tanong ulit niya.

          "Ay wow! Interview na ah! Well, siguro sa Palawan, Pagudpud, Vigan, Hawaii, Japan, anywhere and everywhere! I would love to travel." Sagot ko. I really just love travelling although I haven't traveled yet.

          "I've been to all of those! They are great. Pero para sayo, baka gusto mong malapit muna, like Baguio or Subic." Recommend niya. Ay wow! Iba talaga mayaman. He gets everywhere!

          "Well then I have to save up para makapunta sa mga lugar na yun." I positively said. I promise to myself na mag-iipon ako ng napakarami just to travel.

          "You need someone to go with you though. Delikado ang mag-isa." Sinabi niya. Luuuuhhhh. Feeler lang ba ako o he's trying to hit on me right now?

          "Nambobola ka ba? Kasi if you are, FYI, we are just friends." I said while laughing. Ano bang gusto niyang sabihin? Nagfifeeling lang ba ako or meron talaga siyang gustong iparating sa akin?

          "Alam ko! I was just saying! Mas ok na may kasama ka. Kapag may nangyari sayo, walang makakaalam." Sabi niya na pasimple.

          "Oooook. You're fishy." Pagdududa ko sa kanya. He's quite defensive.

          "F-fishy?.... Ok fine. I was just thinking. Why not spend April on just travelling? For 3 days on each destinations and going to the next destination right away?" Tanong niya sa akin. Kumbaga tuloy-tuloy at walang balikan dito sa aming bayan at the comfort of our homes? I like that but with him? I'm not so sure.. Kahit kaibigan ko siya, he's still a guy.

          "Reid, naiintindihan ko naman na you just want to spend the summer having fun, pero lalaki ka, babae ako, baka wag na lang." Pagtanggi ko ng mahinhin.

          "Maev, don't worry, we'll be stayingin the same room only. Dalawang kama naman tsaka you know me. Hinding-hindikita gagalawin. I can promise you that." Paninigurado niya. He's so spontaneousand straightforward. What makes him think na ganun kadaling magyaya na mag outof town?

Can You Hear Me?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum