Chapter Sixteen

46 3 0
                                    

Patrick

          "Nakita ko yung babae sa wallpaper mo kanina sa campus. Pareho pala kami ng college dept?" Nabanggit ni Alonzo. Nung matanggap ako sa UP, may nag-invite na agad sa aking fraternity. Tinanggap ko naman. They aren't the ones na nagcoconduct ng hazing as a form of initiation kaya tinanggap ko yung invitation nila.

          "Really? Well, yeah." Pagcoconfirm ko.

          "She's deaf, pero tngna, ang ganda niya." Comment niya ulit. Napa-irap naman ako sa kanya. The way he said it, parang sobrang gusto niyang tikman si Maeve.

          "Shut up. Out of reach yun." Binalaan ko siya.

          "I know. Syempre girlfriend mo eh. Pero pano kung utusan ka namin na maka-score dun? Gagawin mo?" He asked, amused. Tinitigan ko lang siya ng masama.

          "Bakit? Anong masama dun? Magkarelasyon naman kayo. Hindi naman namin sinabing hiwalayan mo siya after eh. Sinabi lang namin na kailangan mo lang siyang dalin sa langit kahit isang gabi lang." He playfully said. Ngayon si Alonzo lang kaya pwede ko pang tanggihan, pero kung yung leader namin yun, hindi ko pwedeng tanggihan kundi aalisin nila ako sa frat.

          "She'd break up with me." Sabi ko sa kanya.

          "Sus! Imposible! Its either papatol siya sayo o makikipagbreak siya. Yun lang. Titingnan lang natin kung anong gagawin niya." He gave out the possible outcomes.

          "Pano pag nakipagbreak siya?" Tanong ko.

          "Edi walang forever? And besides, anong use nang may girlfriend ka kung di mo naman matira?" Pagkasabi niyang yun, tumawa siya at umalis na.

          Honestly, alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi ko makukuha si Maeve, mind, heart, body, and soul. Kasi buong buhay niya, nakatuon lang kay Reid. She's not mine, and was never mine. Label lang naman ang meron kami eh. Magkarelasyon, pero wala naman talagang namamagitan sa amin. Mahal na mahal ko siya, pero alam kong one-sided lang yun kasi mas mahal niya si Reid eh. Hindi naman pwedeng kaming dalawa, pantay lang ang pagtingin niya sa amin. Meron at meron pa ring mas lamang.

          Umalis ako sa may tambayan namin at nag-ikot-ikot muna. Nagpahangin kumbaga. Sa malayo, nakita ko si Maeve... kasama si Reid. Dito din pala siya mag-aaral. Seeing them together, mends and breaks my heart at the same time. Mukhang tanga lang pero ganun eh. Masaya ako kasi nagkakasama sila nang ganun, pero nasasaktan ako kasi mahal ko Maeve. She was the first woman I have ever loved this way.

          Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin. Magpakag@go at bigla na lang siyang iwan sa ere para saluhin ni Reid, o ipaliwanag sa kanya ang lahat at makipaghiwalay na lang. Matagal ko nang naisip yung mga solusyon na yun, sadyang ang duwag ko lang para gawin yung mga yun.

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

          After ng mga ilang oras, tinawagan ako ni Maeve asking if we could meet. Nasa trinoma daw siya kaya pumunta naman ako. Nakita ko siya na parang nawawlang bata sa may mall center.

          "Hey." Sabi ko at tinabihan siya. She was zoned out kaya nagulat siya nung tumabi ako.

          "Hey. Pwede mo ba akong ihatid ngayon?I don't feel good eh." She asked. Syempre I would do anything for her. Tumangoako at nginitian siya. What did I do to not deserve you? And what did Reid everdo right to deserve such a person like you?

            Naglalakad na kami papunta sa house niya. I need to make a decision now. Do I get to keep her even if I know she's not for me? Or will I let her go to be happier with someone else...

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

Maeve

          "Patrick, thank you para sa paghatid." I thanked him. Ngayon at magkasama kami, nararamdaman ko lalo yung lungkot at guilt sa akin. I'm very guilty of loving Reid much more than Patrick even though si Patrick ang boyfriend ko. I never did cheat on him, kasi sa umpisa pa lang, alam ko namang mas mahal ko si Reid kesa sa kanya eh.

          I need to let him go. Hindi naman tanga si Patrick para di makaramdam o di makita na mas mahal ko talaga si Reid. At simula pa lang, alam na niyang mahal ko talaga si Reid. Hanggang ngayon, alam naman niya ang katotohanan. Kaya nga sobrang nagiguilty ako dahil kahit na alam niya, nandyan pa din siya para sa akin. Kahit alam niyang di ko siya kayang mahalin nang katulad ng pagmamahal niya sa akin, hindi niya ako iniwan. Pinaramdam pa rin niya na mahal na mahal niya ako. Pinaramdam pa rin niya na ako lang ang babaeng mamahalin niya. Pinaramdam niya na di ako nag-iisa. Samantalang ako, pinaramdam ko lang sa kanya kung pano masaktan, kung pano magmahal nang ikaw lang ang nagmamahal, at kung pano maiwan.

          "Maeve... I have something to tell you." Sabi niya sakto pagdating namin sa tapat ng bahay ko. He held my hand, he looked into my eyes. Naluluha na siya. I could feel his hands, ice cold.

          "Maeve, I love you so much, sana nararamdaman mo yun. Pero alam kong hindi ka naman naging masaya sa atin. I tried my best, but my best was just average compared to Reid... And I'm sorry kung di ko siya nahigitan, at hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin kasi di mo pa rin siya makalimutan. I'm sorry but I have to let you go. Mas magiging masaya ka sa kanya, at mas masaya akong nakikita kang masaya." He said and hugged me so tight. Mas mahal ko nga si Reid, pero minahal ko rin naman si Patrick. Naiyak pa rin ako kasi its as if losing someone close to me kasi di ko sila kayang pahalagahan.

          "I love you Patrick, pero tama ka. Masmasasaktan tayo kung ipagpapatuloy natin to. I hope you find someone, who seesyour efforts as the 'best'." I told him and we bid goodbye.

Can You Hear Me?Onde histórias criam vida. Descubra agora