Chapter Four

68 4 0
                                    

Maeve

          Paggising ko, wala na si Ried. He left a note though.

          "Off to school. Babalik din ako after." May nakita rin akong mga pagkain sa tabi. I ate them. Nanood lang akong TV, nagscroll sa phone, nanood ng movie sa laptop ko. Haaayyy. Teka? Paano nga pala napunta dito laptop ko? Tiningnan ko yung bag sa gilid ng bed ko. May note din dun.

          "Kinuha ko yung susi mo at kumuha ng bagay sa bahay mo. Hope you don't mind. These are just to keep you entertained while you're here." I just realized something... He's not a bad person afterall.

ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ♥ᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜᵜ

          Ang boring lang! He brought my laptop but not my pocket wifi! How am I supposed to do anything?! Natapos ko na lahat ng movies na meron ako sa laptop ko. Wala na talaga akong magawa.

          Nanood na lang ako ng TV ulit. Haaaayyy. What am I supposed to do now? Maya-maya pa nakareceive ako ng text. It was from an unknown number. Who could it be? Binuksan ko na yung text.

          "I'll be coming by after school. May dala akong pagkain." Hindi man lang niya linagay kung sino siya. But I know who he is. Sinave ko na yung number niya sa phone ko. Oh! Pano nga pala niya nakuha number ko? He's smooth.

          Nakareceive ulit ako ng text.

          "May damit ka pala na nasa isa bang bag. I took a pile of your clothes and underwear. I hope those are comfortable. Ayoko nang bumalik sa bahay niyo." Oh really? He did that?...... wait...... He did what?! Pati underwear ko?! HUGGGGHHHH!!! Nakakahiya!

          Well! What's done is done! Magbibihis na lang ako. Kinalikot ko yung bag na may mga damit. Ang dami niya masyadong dinala. Pero buti nakuha niya yung pile ng mga pambahay ko at mga t-shirts.

          I took a pair of pajamas at underwear. NagCR at nagbihis. Sakto paglabas ko ng CR bumukas yung pinto sa room ko. Nanay ni Ried. She smiled at me. I greeted her.

          "Uhm, hija, medyo matatagalan daw ulit bago ka malagyan ng bagong CL's. Kailangan daw muna kasing magheal nung sugat kaya dun muna daw sa hearing aids na temporary. Eto." She handed me a box. Nakagamit na ako ng ganito dati kaya I know what to do.

          "Thank you po." Sinimulan ko nang iset yung hearing aids. Sinet ko na siya sa settings ng ears ko at sa volume na makakarinig na ako.

          "Better?" Tanong niya sa akin after kong iset-up yung hearing aids. Tumango naman ako with a smile. I can hear again but not as clear as dun sa implants talaga.

          "Ah! Mrs. Domingo—" Pinutol niya yung sasabihin ko dapat.

          "Tita Katreena. You can call me tita Katreena." She insisted. Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya.

          "Tita Katreena, kailan po ba ako makakalabas dito sa ospital?" I asked. 2 araw na rin kasi akong nandito. Baka mamaya, hindi na ako makacatch-up sa school, o kaya naman lumobo yung bill.

          "Next week pwede ka nang madischarge. Pinacheck-up na rin kasi kita. Seems like you might have dengue too." Medyo kinabahan na ako sa pagkakasabi niya ng "dengue". I've never had dengue in my life! Aba! Napapa-english din ako.

          Maya-maya pa, dumating na si Reid. They both greeted each other.

          "Maeve, mauna na ako ah. Reid, behave." Banta niya kay Reid bago siya lumabas ng kwarto at natawa na lang si Reid sa sinabi ng mama niya. After umalis ng mama niya, he started to set up some things on the wall. Whiteboard?

Can You Hear Me?Where stories live. Discover now