Chapter 2: Second Encounter

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, classmates tayo girls. Sa 4A," sabi ni Yannie nang makabalik sa amin.

Pagkasabing pagkasabi niya nu'n ay biglang nagbulungan ang mga babae sa gilid namin.

"4A sila?"

"Nako. Mukhang transferees pa naman 'to."

"Oo nga. Kawawa naman sila. Mukha pa namang mahihinhin."

Nagkatinginan kami nila Zoe, Ayu at Yannie dahil halatang kami ang pinag-uusapan nila. Lalapit na sana ako para tanungin sila nang biglang tumahimik ang buong lugar.

"May nagdaan atang anghel. Kanina halos maglagay na ng isda, baboy at gulay dito para magmukhang palengke dahil sa sobrang ingay tapos ngayon sobrang tahimik namin. Para kang nasa library," bulong sa akin ni Zoe.

Magsasalita na sana ako nang mapansin namin na unti-unting nahahati ang mga tao. I mean nagpupuntahan sila sa gilid. 'Yung girls, sa right. 'Yung boys, sa left. At may apat na lalaki ang nagdaan sa gitna papunta sa bulletin board kung saan kami nakatayo.

Ano kaya 'yun? May ganu'ng effect pa. Ano sila, F4? Feeling F4 naman. Kulang na lang magkaroon ng liwanag sa gilid nila tapos wind effect and music na "Almost Paradise". Mukhang ang aangas nito ha.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Basta pinagtitinginan kami ng mga tao. Dahil ba kami lang ang hindi umalis sa dinaraanan nitong mga bagong dating? Bakit ba? May ano ba?

Natigil ako sa pag-iisip nang tumayo sa harap ko ang isang lalaki. Tiningnan ko siya na may halong pagtatanong.

"Hi. Nagkita ulit tayo," sabi ng lalaki sa akin sabay kaway pa. Nagkita ulit? Ulit? Huh? Sino ba 'to?

"Do I know you?"

"Ouch. Nakalimutan mo na agad ako?" May pahawak pa sa dibdib effect pa 'to. Nakapikit pa. Arte ha.

Hindi ko napigilan ang mapairap kasi ang OA. "Magtatanong ba ako kung naaalala kita?" I heard people gasped. Ano na naman? Bakit ba kasi?

"Pilosopo, ha? You're leaving, right?" Ngumiti pa siya ng nakakaloko. Kainis. Sasapatusin ko na 'to.

"Excuse me?!"

"Last night, at No Name's, you said your name is leaving."

Oh. I get it. Siya 'yung kagabi sa No Name. 'Yung nakikihati sa time namin. Sila 'yung mga bwisit. Pero tatlo lang sila kahapon ha? Bakit naging apat na? Nadagdagan pa ang mga kapon ng kadiliman. Tsk.

Dahil aksaya lang sa oras at panahon 'tong taong 'to, hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran na. Nakakadalawang hakbang palang ako nang pigilan nila kami.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng lalaki. Ano ulit name nito? Sinabi na niya 'yun kahapon. Isip, isip, isip. Letter J 'yun eh. Jo – Joe? Jolas? Joel? Joko? Joshua? Josh? Ah! Oo, ayon. Tama! Josh!

"Sa pupuntahan," sagot ko sa kanya.

"Hindi kayo pwede pumunta kung saan man ang pupuntahan," sabat ng isa pang lalaki. Maputi siya at nakakaloko kung ngumiti. Itsyura palang nito alam na. Halata na. Babaero 'to.

"At bakit naman?" pataray na tanong ni Yannie.

"I.D." This time 'yung lalaking mukhang suplado na may headset na nakasabit sa lee gang nagsalita.

"Wala pa. Mamaya pa lang namin makukuha," sagot ni Zoe sa kanya.

"Hindi pwede 'yun." 'Yung isa naman ang nagsalita. 'Yung mukhang tahimik.

"But we're just new here," katwiran ni Ayu.

"Obvious naman na bago kayo. You don't know the school rules. Paano kayo nakapasok eh wala nga kayong I.D.? Dahil diyan, dapat kayong parusahan," sagot na naman ni Josh.

"But --"

"No but's. Kami ang student council dito kaya dapat sumunod kayo. Aba, walang special treatment dito kahit na bago pa kayo. Huwag kayong mag-alala. Madali lang naman ang parusa sa inyo. Magsasayaw ang tatlo habang kakanta ang isa."

"What?! Ayoko! Hindi kami sasayaw."

"Okay lang. Hindi ko kayo pipilitin. Mukhang mas gusto niyong magkarecord sa guidance kaya sino ba naman ako para pilitin kayong talikuran ang gusto niyo. First day pa lang naman at transferee pa kayo. Bakit nga naman hindi niyo gugustuhin magkarecord sa guidance?"

Ugh! Ang aga-aga minamalas agad kami. Magsasayaw? Kakanta? Sa harap talaga ng mga taong 'to? Ang dami dami nila. Ano ba 'tong school na pinasukan namin?

"Girls, sayaw na lang tayo. Hindi ako pwede magkarecord." Oo nga pala. Makakaapekto 'to sa kagustuhan ni Ayu na maging valedictorian kapag nagkarecord namin.

Napabuntong hininga si Yannie at tinuro ako, "Kakanta siya. Sasayaw kami. Sige."

At ayon. Wala na kaming nagawa kung hindi ang magsayaw. Mukhang naamaze naman ang ibang nanunood. Dapat may ticket 'to eh. Bwisit.

"Happy now?!" iritang tanong ni Zoe.

"Very much," tango ni Josh. At napangisi naman si mukhang playboy, "Nice." Ngumiti naman 'yung mukhang tahimik. Tapos 'yung mukhang suplado ay poker face pa rin.

Bago pa magkaubusan ng pasensya ay umalis na kami at nagpunta sa principal's office.


"Good morning, girls," bati sa amin ng principal. "Here's your I.D. How's the school so far?"

"Okay naman po, ma'am." Lies. "The students are very approachable." Lies. "Ang friendly din po ng mga nasa student council." Lies! Lahat 'yan kabaligtaran. Hindi okay. Hindi approachable ang ibang estudyante. Hindi friendly ang nasa student council.

"It's nice to hear that. Pero student council? Walang student council sa school na 'to. Believe it or not pero gumugulo lang kapag may student council dito."

Ha?! Anong klaseng school ba talaga 'to? At sino ang apat na 'yun?!

"Po? Uhm, ma'am, may rule po ba dito about sa school I.D.? Na kapag walang I.D. ay magkakarecord sa guidance?" tanong ni Zoe.

"Yes, may ganoon talaga. Buti naman at alam niyo na pala. Pero alam naman ng lahat na exempted ang transferees sa first day kasi ibibigay ko pa lang ang I.D. nila."

Hindi na namin nagawang makasagot. Pinalabas na rin kami ng principal para makapunta na sa classroom bago pa man tumunog ang bell.

Nang makalabas at makalayo na kami sa office ay hindi na namin napigilan ang magmaktol.

"What the hell is wrong with them?" galit na sabi ni Yannie.

Tumango naman si Ayu, "Nakakainis! I'm sure may mga binabalak 'yang apat na 'yan."

"Balak? Grabe naman sila. Kabago-bago natin dito tapos ganoon agad," padyak ni Zoe dahil sa sobrang inis.

"Palampasin na lang muna natin," sabi ko sa kanila.

Wala rin namang mangyayari kung magmamaktol kami magdamag dito. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko marami pa ang hindi magandang mangyayari. Baka simula pa lang 'to.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon