e i g h t e e n

68 3 0
                                    

JULY CAME.

Sobrang busy pa rin ng café. Ganun daw talaga pag-pasukan, malapit lang kasi ang branch namin sa isang international school sa Mckinley Hills. Mukha namang okay ang lahat, kahit sobrang nakakapagod everyday.

Sadly, this is gonna be my last month sa deal namin ni Dad. If this happened four months ago, siguro nasiyahan ako. Dad will no longer bother me about the café. Pero right now, di ko maiwasan malungkot.

"Sainyo pa rin naman 'to te, kahit anong mangyari. Pwede kang bumisita dito anytime. Kaya wag ka na umarte dyan." Pat reassured.

After this, there's a fat chance na sa modelling na muna ako magfofocus. I had to refuse Kesh last time, but he mentioned that the tshirt company was still hoping to have me on their next brochure.

Sue started studying again, few weeks ago. She had to stop last year dahil nagkasakit si Lola Hilda, kaya nauna kaming grumaduate ni Neil.

I haven't heard anything from my friends recently. Halos wala akong time mag-open ng social media accounts ko. We used to text from time to time hanggang sa hindi ko na rin sila narereplyan. Sina Tristan, Ford at Neil lang madalas kong makita pag bumibisita sila sa branch namin.

Last time I've checked with Tristan, they are still working on the problem about God-knows-what. Ayaw niya pa ring sabihin saken kung ano yun and I chose not to push it anymore.

As if on cue, my phone pinged. It's a message from my dear cousin.

From: Tris
Huy, ready ka na? Daanan kita jan bago mag 6pm.

Huh? Ready for what? Bakit niya ko dadaanan?

From: Sef
Bakit? San lakad naten?

From: Tris
Hala siya. Bday ngayon ni Ford!

Napaupo ako galing sa pagkakahiga. Pano ko nakalimutan yun? E ilang taon na kami nagcecelebrate ng mga birthdays together.

From: Sef
Omg!!!!!!!!!! I forgot, Kuyaaaa. :(
Hindi ako nakabili ng gifffft.

Habang naghihintay ng reply niya, tumayo na 'ko at nagtungo sa closet ko para tignan kung anong pwedeng masuot.

From: Tris
Hala ka, lagot ka. Magtatampo yun. Nyahahaha! Pano mo nakalimutan yun?

Napanguso ako. Kahit kailan talaga alaskador siya. Hindi pa man ako nakakareply, nagtext siya ulit.

From: Tris
Magready ka na. Kina Ford lang naman tayo. Sunduin kita jan. Okay na ang baby Strada ko!!! :D

I cringe inwardly. He's definitely grinning while typing it, bumalik na ang paborito niyang sasakyan. Akala mo naman Lamborghini kung makapagmalaki. Jusko. Idagdag mo pa ang emoticon niya.

From: Sef
Whateverrrr. Sge, see you!


Hindi na 'ko nagsayang ng oras. Ni hindi ko na inisip ang ireregalo ko, bahala na.

After sending it, hinagis ko sa kama ang phone ko and hurried to the bathroom. I'll be wearing my pink unicorn shirt and dolphin shorts, I didn't bother to put any make-up on aside from my favorite liptint. Nilabas ko saglit si Manang, para sabihin na dadating maya-maya si Tristan. I also sent Dad a message, telling him where we will be heading tonight.

Maya-maya lang narinig ko na ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Tristan. Saktong paglabas ko nang sinalubong siya ni Manang Fely.

"Manaaang!"

Paradox [BoybandPH]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt