STAR🌟2

8.8K 246 126
                                    

Seloso


Pagtunog pa lang ng bell ay lumabas na ako kaagad dala ang invitation na bigay saakin ni Ms. Ezra. Tumakbo ako papunta sa building ng grade eleven para hanapin si Kairo. I need his thought about this.


Maraming tao dahil nga recess na. May mga juniors din dito at binibista ang mga boyfriend nila o kaya crushes. Ganyan naman halos dito. Bulgaran. Ako lang talaga ang walang lakas ng loob.


Nakita ko kaagad si Kai sa gazebo sa gilid ng pababa na hagdan.



"Kai!" Sigaw ko saka naglakad takbo papunta roon.

"What are you doing here?" Natatawang tanong niya.

"Well," umupo ako sa harap niya. Ang daming papers. "Bakit ang daming papers?"

Nagbalik siya sa pagsusulat. "Remember Alice?" napangiti siya.

"Yup! 'Yong crush mo?" bulong ko.

"Oo. Busy kasi siya para sa foundation day kaya ako ang gumagawa ng activities niya,"

"Pinagawa niya sa'yo?"

"Nope," aniya at nagbura. "Ako ang nag insist. Saka kawawa rin siya. Daming binibili para sa foundation,"



Tumango ako. Business Manager si Alice ng Student Council. Malapit na ang foundation day kaya inaasikaso niya ang mga bibilhin. Kaya pala nakita ko siya last time sa NBS.


Tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Naiwan ko ang sandwich ko sa bag at na sa room 'yon. Tinatamad naman na akong bumalik.



"Ano palang sadya mo rito? May tsismis ka na naman ano?" tawa niya.

"Well, oo. Pero mamaya na! Samahan mo muna ako sa canteen niyo?"

"Bakit? Pumunta ka rito nang hindi pa nagre-recess?" tanong niya at kunot ang kaniyang noo. Tumango ako, nakangiti.

Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit. Inayos niya lang 'yon at wala atang balak na dalhin sa room nila.

"Hindi mo ibabalik sa room niyo?"

Tumawa siya, "Gusto mo bang makita si Casper? Edi tara! Sakto hindi 'yon lumalabas kapag break time,"

Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan. Hindi pa talaga ako handa.

"'Wag na, Kai. Gutom na talaga ako, e,"



Pero ang totoo ay gusto ko siyang makita. I just dont want to give him creep. Kailan lang nang makita niyang zi-noo-zoom ko ang picture niya! Tapos kanina ay tinuro ako ni Jairo sa salamin. Tapos ngayon ay sasama ako sa room nila? Ayaw ko. Nakakahiya na.


Pataas na kami sa hagdan para pumunta sa kabilang department nang makasalubong namin sila Isabelle.



To Chase A Star (Star Series #2) ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя