STAR🌟1

10.5K 260 45
                                    


Nicholas



"Darling, you'll help me later, right?"

Tanong ni Mommy habang inaayos ko ang manggas ng T-shirt ko. Tinupi ko ng dalawang beses dahil medyo malaki.

"Opo. Diretso ako sa bakeshop mamaya,"

"Ang dami kasing orders,"

Inaayos ni Mommy ang desk ko. Dami kasing sticky notes and scratch papers.

"Yes, Mom, don't worry. Tutulong ako," I gave her an assuring smile.

"I know you will," tawa ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi. "Ingat ka. Enjoy your day,"


Mom owns a bakeshop and it's quite known especially that we have the connections. I'm not telling that it's just the connection that makes it known. My Mom is the best Baker I've ever met. At kung may makilala man ako na mas magaling sakaniya, I don't care. Basta masarap ang gawa ni Mommy.

Pagbaba ko ay nakita ko si Daddy na naka-corporate attire na. When he saw me, he walks towards me. Ang gwapo talaga ng Daddy ko. Bagay na bagay sila ni Mommy.


"How's school, Tala? Doing good?" Tanong niya habang nakangisi.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng mansion. Hindi pa siya aalis, ihahatid niya lang ako. Pupunta pa siya kay Mommy.

"I always do good in school, Daddy," kunwari ay nagyayabang kong sabi. Natawa siya at tumango.


They don't pressure me when it comes to studying. To make them proud of me because of my academic excellency is my choice.

Hinatid ako ng driver ko sa school. Tulog pa kasi si Kuya dahil wala ata siyang klase today. Most of the time kasi ay siya ang naghahatid at sundo saakin. Anytime and anywhere.

Pagbaba ko sa kotse ay may mga nakasabay akong mga schoolmates ko. They are civil to me but not friendly. I can see to their eyes they like to befriend me but something is stopping them. Hindi ko alam kung ano.

Hawak ang dalawang sling ng pink kong bag ay mabagal akong naglakad sa corridor ng senior high schools. Sa glass window ay nakita ko kaagad si Casper na pinaglaruan ang ballpen niya habang nakikinig kay Jairo na naka-upo sa lamesa nila. He was surrounded with girls and boys and that happens everytime.

Sa bagal ng lakad ko, namemorya ko na naman ang itsura niya ngayon. His hair was pushed back and some strands are reating near his eyes. They are long and it's so gorgeous. Bagay na bagay sakaniya. He smirked and it looks so cool. Kahit naka-PE uniform ay ang cool niya pa rin.

I saw his eye brows furrowed. Halos kumawala na ang puso ko nang makitang tinuro ako ni Jairo gamit ang mga mata niya. At bago pa siya makalingon dito ay naglakad na ako nang mabilis at dumiretso sa room.

Hingal na hingal ako habang nilalapag ang bag ko sa table. I hope he won't find me creepy for staring! Nakakainis naman kasi si Jairo. Pwede naman hindi sabihin pero sasabihin pa rin.

Kinakalma ko ang sarili ko nang may tumawag saakin sa bukana ng pintuan. Senior high school dahil may linings na black ang pink niyang T-shirt.

To Chase A Star (Star Series #2) ✔Where stories live. Discover now