Chapter 8

238 34 5
                                    

H A Z E L
*****

Natapos na silang kumaing lahat.At naghuhugas na si Lexi ng mga pinagkainan nila habang kami ay naguusap dito sa may couch.

"Haze tumawag nga pala dito kanina si tito Zach,may family dinner daw kayo."sabi sakin ni Alexa.

"Ahh,kay.Kami kami lang ba??"tanong ko.

Umiling lang sya bilang sagot kaya napakunot noo ako.

"With whom then?"tanong ko ulit.

"Ewan ko.Basta sabi nya sabihin daw namin sayo na may family dinner daw kayo."Alexa.

"Haze,sabihin mo kung gwapo yung
makakasama nyo ah??"sabi ni Steph.

"Tss!bahala ka sa buhay mo."sabi ko nalanh sa kanya.

"Kelan daw ba?"ako.

"Mamaya daw."Alexa.

"K."yun na lang yung sinabi ko at bumalik na sa panonood ng movie.

*dingdong!!

Tumayo na ako para buksan yung pinto.

"Hello!"bati nya.

"What are you guys doing here?"tanong ko

"Wala ba munang 'Hi!' jan?"sya.

"Ang demanding mo naman.Ano ngang kailangan nyo?"ako.

"Wala lang,dinadalaw lang kayo.Masama ba?"sabi ni Ethan.

"Oh Em Gee!!!!Hello babe!!!"biglang sigaw ni Alexa sabay takbo dito.At ang bruha,tinulak pa ko -__-

"Pasok muna kayo guys."sabi nya habang naka hawak sa braso ni Chris.

Tulad ng sinabi ni Alexa pumasok na sila kaya sumunod na lang ako.

"Good morning,boys!"sabay-sabay na sabi nila Steph.

"Morning Steph!"bati ni Renz kay Steph sabay upo sa tabi nya.

Ay sus!dumamoves agad ang mokong.

"Guys,gala tayo mamaya."biglang aya ni Joshua.

"Ge lang.Wala naman kaming gagawin eh."sabi ni Cath.

"Kaya nga.San ba?"tanong naman ni Lexi.

"Punta tayong EK."sagot ni Chris.

"Iiiiih!ayaw ko dun babe.Sa shooting range na lang tayo."sabi naman ni Alexa.

"Huh?shooting range?marunong ba kayong bumaril?"tanong ni Chris sabay tingin samin na may halong pagtataka.

"Oo naman,mga---hmmmp!"di na nya natuloy yung sasabihin nya ng bigla kong tinakpan ang bibig nya.

"Masyado ka nang maraming sinasabi Alexa."sabi ko.

"Sa EK na lang kayo pumunta.Pero sa tingin ko di ako makakasama,may family dinner kasi kami eh."sabi ko sabay bitaw sa bibig ni Alexa.Mahirap na,baka matuluan pa ako ng laway nun.


"Sama ka na Haze.Sabi mo family DINNER,kaya mamaya pang gabi yun,umaga pa lang kaya."sabi ni Ethan.

"K."sabi ko na lang,tinatamad akong magsalita eh.

"Thank you sa effort mong sagutin ako ah?sobrang laking bagay kasi ng K mo eh."sabi nya emphasizing the 'K' word.

"WC."sabi ko ulit,nakita ko naman syang inirapan ako.Tss!Bakla ata to eh.

Nakaramdam naman ako na kailangan kong umihi kaya nag excuse muna ako.

"Excuse lang.I need to pee."paalam ko.

"Ge lang."sabi nila kaya umalis na ako dun.

Dumiretso ako agad dun sa CR namin then do my thing there.

Pagkalabas ko ng pinto, may naramdaman akong papalapit sakin kaya agad akong tumagilid ng onti at agad na kinuha yon bago pa makalagpas sakin.Isang kunai na may kasamang papel.

'Hi H!Ready your gang,because we're now ready to move.'----W

Tch!kumikilos na naman sila.Pero who cares diba?isa lang naman sila sa mga inggetero at mahihinang gang na gustong makuha ang pwesto namin.

Linukot ko na lang yung papel tsaka initsa dun sa basurahan.

Shoot!

Ang galing ko talagang umasinta.Kahit malayo yung basurahan,nashoot ko pa rin.

Bumalik na ako dun sa sala at umupo ulit sa pwesto ko.

"Antagal mo Haze,ah?nagbawas ka ba ng sama ng loob?"tanong ni Ethan.

Kinuha ko yung remote dito sa gilid ko sabay bato sa kanya."G*go!"sigaw ko.

Tinawanan lang nila ako kaya inirapan ko sila.

"Anong oras na ba??"biglang tanong ni Renz.

"10a.m. pa lang bakit?"sagot ni Lexi.

"Tara na kaya.Babyahe pa tayo oh."sabi nya sabay tingin sakin."Sasama ka ba Haze?"tanong nya.

Umirap ulit ako sabay sagot."Malamang."ako.

That Badass Girl is MINE!!(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon