Deepest Darkest Secret

8 0 0
                                        

Ilang linggo ng pinagplaplanuhan ng magkasintahang Selene at Domingo ang kanilang trip to Bicol dahil na din sa hilig ni Selene ang surfing gusto niyang makita ang Daet sa Camarines Norte at balak niyang umuwi for the first time sa hometown ng kanyang ama sa Catanduanes. Si Domingo ay hindi pa din nakakarating sa Bicol at excited na din dahil akala niya walang balak si Selene na ayain siya at dumating na sa punto na malapit na ang itinakdang petsa na nagtampo si Domingo dahil wala pa din siyang naririning kay Selene na balak siyang isama nito.

Ang araw ng kanilang pag-alis ay kinabukasan na. Ngunit may bumabagabag sa isipan ni Selene. Tinawagan nya si Domingo upang makipagkita ng mismong gabi na iyon sa isang restaurant.
Selene: May aaminin ako sayo
Domingo: Ano yun? siguro niloloko mo ko no?
Selene: Hindi yun kagaya ng iniisip mo babe
Domingo: Eh ano nga kasi yun.
Selene: May sugar daddy ako, pero nasa ibang bansa sya at simula ng naging tayo wala na siya dito sa Pinas.
Domingo: Ha?! (napatahimik)
Selene: Kaya technically hindi kita niloloko kasi wala akong ginagawang kalaswaan with that person.
Domingo: Alam nya ba yung tungkol sa akin?
Selene: Oo, kasi ayoko magsinungaling sakanya at lalo na din sayo kasi mahal kita!
Domingo: Napaka unfair naman na pinag-uusapan nyo pala ako behind my back.
Selene: Hindi yun ganun, kaya ko na nga sinabi sayo to dahil alam ko you deserve to know the truth at hindi ko kayang maglihim sayo. I want to start fresh with you no secret and no guilt Domingo.
Domingo: Lumipat tayo, sa iba tayo mag-usap.
Selene: Oo, sige

Lumipat ng restaurant ang dalawa at dun nagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

Domingo: Bili mo ko nyang barbecue taps yang sizzling corn in butter, ikaw magbabayad niyan.
Selene: Sige na kuha ka lang ako magbabayad.

Habang kumakain si Domingo. Patuloy sila sa pag-uusap.

Domingo: So sakanya ba galing yang pera mo pang bakasyon?
Selene: Oo
Domingo: What? hindi na lang ako sasama, ayoko.
Selene: Bakit ayaw mo, I wanna be with you there so badly
Domingo: Gusto kong mag-isip siguro sa iba na lang ako magbabakasyon ng ilang araw.
Selene: Ganun ba.
Domingo: I think I deserve to gain something from your lies.
Selene: Ano naman yun?
Domingo: Other woman. Pag pumayag ka, magiimpake na ko then we'll go to Bicol.
Selene: F*ck you, ang galing mo din ha, ako?! ano ba ginawa ko nung niloko mo ko naghanap ba ako ng iba? Kapal ng mukha mo Domingo. Maghiwalay na lang tayo Domingo, malaya kana!

Nagwalk-out si Selene at umuwi sa dorm at nagmamadaling nag-iimpake.

Lea: Oh aalis na kayo?
Selene: Hindi na sasama si Domingo kaya ako nalang.
Lea: Ha, bakit?

At kinuwento ni Selene ang buong detalye at kumaripas sa terminal ng bus sa Pasay upang maghanap ng biyaheng Naga, alas tres na at kung saan-saan na siya naghanap. Buti nalang ay may naabutan pa siya. Sa biyahe habang mga love songs ang tumutugtog ang luha naman ni Selene ay umaagos dahil sa naaalala niya ang kanyang iniirog at pilit tinatago  sa ibang pasahero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bicol's Express of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon