Chapter 32: Prom

30K 380 33
                                    


Zoey's POV


"Zoey! May earrings ka ba?" tanong ni Dani habang naglalagay ng eyeshadow. 

"Nandyan sa jewelry box. Akala ko ba ready na kayo at nakabili na kayo ng mga susuotin?", tanong ko.

"Eh, sa pagmamadali ko nakalimutan kong kunin." Nandito kami ngayon sa bahay para mag-ayos bago ang prom. Hindi na kami nagpuntang salon.

"Zoey, may extra heels ka ba? Hindi pala bagay sa suot ko.", sabi ni Carol na naiiyak na. 

"Meron, dun sa closet may whole drawer ng shoes ako doon." Loko loko 'tong mga 'to, tapos ako pa 'yung sinamahan nilang mag shopping ha. 

"Thanks!", sabi ni Dani at Carol. Sabay sabay na kasi silang susunduin nung mga BF nila para mas convenient. Nakapalit na ako at naka-ready in less than an hour. "Ang bilos mo."

"Kahit kasi may makeup artist ka, kailangan mong matutong mag-ayos ng sarili mo ng mabilisan kasi hindi maiiwasan ang mga unexpected circumstances." 

"Sa wakas! Tapos na akong magpalit. Hey Zoey, may 1 hour pa naman tayo, may Ice cream ba kayo diyan? 'Di pa naman ako naka make up eh. Sandali lang! Promise!", sabi ni Carol.

"Oo nga!", sabi rin ni Dani. Bwisit, naka lipstick na ako eh!

"Oo na! Kumuha kayo sa ref." Nagmadali silang bumaba. Nag ikot ikot muna ako sa kwarto at pumili ng gagamitin kong bag. Matapos ang lahat ng pag-aayos, ready na kaming pumunta sa hotel. 

Ang gaganda ng mga tao, lahat sila mukhang grande! Para talaga kaming mag prince and princess ngayong gabi.

"Good evening students! Today is your most awaited day! Let's start the party!" Nagsimula ang program sa isang social dance. Pinapunta ang mga estudyanteng gustong sumali kasama ang mga date nila sa dance floor, after 1 minute, magpapalit ng partner. 

Niyaya ako ni Ram sa gitna at pumunta ako. 

"You're so perfect tonight.", sabi niya. 

"Loko. Tignan mo, para tayong ikakasal ngayon.", sabi ko ng pabiro. 

"Tara, ituloy na natin?", sabi niya at tumawa. Hinampas ko siya sa dibdib. 

"Gago.", nagtawanan kami habang isinasayaw niya ako. Napaka-safe ko kapag kasama ko si Ram. Natapos ang 2 minutes at nagpalit na kami ng partner, at ganon uli matapos ang 2 minutes. Nakapartner ko rin si Reg, Rick, tatlo pang lalaking batchmate namin at si Nathan. 

"Zoey.", sabi niya at inabot niya ang kamay niya. Hinawak ko 'yon at inilagay niya ang isa niyang kamay sa baywang ko. Maingay ang music pero naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko siya matignan sa mata. "Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?"

"Anong pag-uusapan natin?"

"Malapit na tayo grumaduate, saan ka mag-aaral."

"Hindi ko pa alam.", sabi ko. Magpapalit na ng partner pero hindi niya binitawan ang kamay ko. 

"Nathan, exchange na.", naghihintay ang sunod na partner sa tabi namin. 

"Dun ka muna.", sabi ni Nathan doon sa isang lalaki. "Isa pang 2 minutes Zoey, isa pa." 

"Kapag natapos na lahat ng 'to Zoey, kapag natapos na 'tong mga 'to, babalik ako sa'yo."

"Don't make those promises. I don't want to wait."

"Okay, I will just show it to you." Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko 'yung mga mata niya at mukha naman siyang sincere, pero natatakot ako. Alam kong may problema sila ni Natasha pero hindi ko maalis sa isip ko na kahit may assurance o kahit sinasabi na ng mundo na wala nang feelings si Nathan, parang hindi pa rin ako naniniwala dahil nandiyan si Nat.

Isinayaw ako ni Nathan hanggang sa matapos ang 2 minutes. Nag-exchange kami ng  partners hanggang sa matapos ang social dance. Bumalik kami sa kanya-kanya naming partners. 

Maliban sa votes, over-all look ang basis ng Prom King and Queen. Mukha naman akong disente pero hindi ko itatangging napaka fabulous ni Natasha ngayon. Well-played. Magkatabi sa isang table si Nathan at Natasha. 

Nagtuloy-tuloy ang program, ang saya! Pumunta ako sa CR para mag-retouch pero may narinig akong umiiyak. Sumilip ako sa isang tagong corner at nakita ko si Natasha umiiyak at niyayakap si Nathan. 

"Shh, okay lang, nandito lang ako Natasha."

"Kukunin nila ako.", sabi ni Natasha na umiiyak. Sira na ang make-up niya. "Ayoko na dito Nathan."

"Nandito lang ako, wala na sila, hindi ka na nila babalikan." Iyak ng iyak si Natasha at unti-unting tumahan. "Uuwi na ba tayo?" Umiling si Natasha. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha. 

"May make-up ka sa coat mo.", sabi ni Natasha kay Nathan at tumawa nalang sila. Anong nangyayari? Pinunasan ni Natasha gamit ang wipes ang coat ni Nathan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit sakanila. Inalis ko ang kamay ni Natasha sa dibdib ni Nathan. 

"Zoey? Let me explain.", sabi ni Nathan. Hinila ko si Natasha sa Women's CR habang nagpupumiglas siya. 

"Ano ba?! What the hell are you doing?!"

"Shut up! You look like a pig right now!", sabi ko at pinunasan ang mukha ni Natasha. 

"Don't touch me." Sinampal ko siya. "What the hell?!"

"That is for all the pain you've brought me. Quits na tayo. Now, stay there, don't move or I swear I will punch you right now.", sabi ko ng seryoso. Hindi na siya nakapalag. Nilinisan ko ang mukha niya at nilabas ko ang mga makeup ko. Buti nalang, dinala ko lahat ng essetials. 

"Why are you doing this?", hindi ako nagsalita. "Nakita mo?"

"Ang alin?"

"Ah, nakita mo nga. Are you satisfied now? Are you happy now that you know I'm actually miserable?" Hindi ako nagsalita at itinuloy ang pag-aayos sakanya. "Bakit hindi ka makasagot?"

"I'm not like you Natasha. I genuinely care for people."

"Ikaw? THE GEN MERCADO? The most short tempered person I know?"

"You don't me personally Natasha."

"So ginagawa mo 'to kasi naaawa ka?" Tinigil ko ang pagm-make-up sakanya. "What?"

"No, I'm doing this because I can't stand your hand touching Nathan." 

"He's not yours you know."

"I guess, he's right, you need him more than I do."

"Alam mo bang mas nakakainis kung kinakaawan ako?" Itinuloy ko ang pag-aayos sakanya. "Hindi mo ba tatanungin kung anong meron ako o kung bakit ako umiiyak kanina?"

"I don't care." sabi ko. 

"Tch, brat.", sabi niya. 

"There, all done." Inirapan niya ako at sabay kaming lumabas ng CR. Naghihintay si Nathan sa may pintuan. Narinig niya kaya 'yung mga sinabi ko? Nauna akong bumalik ng ballroom at bumalik sa upuan ko. 

"Anong nangayari sa'yo? Bakit ang tagal mo?", sabi ni Ram. "Kanina pa kita hinahanap."

"Nagpahangin lang ako.", pagsisinungaling ko. Sinundan ko ng tingin si Nathan at Natasha pabalik sa table nila. 

"Ram, what do you know about traumas?"

"Traumas? What do you mean?"

"I mean, how does this affect people?"

"I think you know it more than I do.", sabi niya sa akin. "You were traumatized by several instances in your life, you were bullied and betrayed. These significantly affected your decision making and intrapersonal relationships. But there are some people, kapag may na experience na traumatic events, especially but limited to childhood, nagkakaroon sila ng psychological illness." 

"Oh, I see."

"Bakit mo natanong?", tanong niya. 

"Wala, just curious. Thanks.", sabi ko. Is it possible that this is the reason why Nathan had to stick to Natasha?  

"I Love You Nerd Part 1"Where stories live. Discover now