Chapter 25: Distance

36.2K 477 24
                                    

Zoey's POV

Ilang araw na rin akong hindi kinukulit ni Nathan. Kapag magkakasalubong kami sa hallway, titingin lang siya sa akin tapos maglalakad na. Pagkatapos ng klase, diretso labas na rin siya ng classroom. Hindi ko na rin siya naririnig tumawa o makipagkulitan sa mga kaibigan niya. Hindi niya na rin niloloko 'yung mga teacher naming nagkakamali. Lahat naninibago sakanya, at lahat ako ang tinuturong rason kung bakit.

Noong mga unang linggo ko sa school marami pa ring amazed na nandito ako. Pero habang tumatagal, nasasanay na sila. Nilulubayan na nila ako ng tingin. Sa wakas!

"Gusto kong mag korean barbecue.", sabi ko kila Dani.

"After exams!", sabi ni Dani.

"Ang tagal pa, sige na, punta tayo mamaya after school."

"Sige na nga, pero-", nagtinginan sila ni Carol.

"Oo na, isama niyo na 'yung dalawa. Wala si Ram ngayon." Nagdiwang sila. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang biglang lumapit si Natasha.

"You have to come with me after school.", sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Binalibag niya 'yung libro na nasa mesa ko. "Come with me."

"I have important plans."

"It's about Nathan." Hindi ako nagsalita at sinubukang ikalma ang sarili ko. Wala pa siya sa school. May nangyari ba sakanya?

"I don't care.", sagot ko.

"Stop lying I know you still care and you have to come with me after school."

"Why?"

"He's sick."

"So? Go take care of him."

"Sa tingin mo ba hindi ko 'yun ginawa? I was with him the whole Sunday yesterday to take care of him pero hindi siya kumakain." Magkasama sila buong araw sa bahay niya na sila lang dalawa? "Ayaw niyang kumain."

"What does that have to do with me?", sagot ko.

"Your eyes spills that you still worry about him. Puntahan mo siya, kausapin mo siya, pakainin mo siya."

"Are you asking help from me?"

"I'm selfish but when it comes to the people I love I can sacrifice. Kung ayaw mong mamatay siya sa gutom, puntahan mo siya." Bumalik si Natasha sa upuan niya. Kung nandito siya? Sinong nag-aalaga kay Nathan? Nandoon na kaya 'yung nanay niya? 'Yung katulong ba nila ang nag-aalaga sakanya ngayon? Pupunta ba ako?

Buong oras ng klase 'yun lang ang paulit-ulit na naiisip ko at pinagdedebatehan ng utak ko. Kung pupunta ako, he might think I'm already okay with everything. Kung hindi naman, paano kung hindi talaga siya kumain? Sobrang stubborn pa naman din nun.

"Huy, Zoey tara na?", tumango ako at sumunod sakanila. Nakarating kami sa restaurant pero 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang tahimik mo kanina pa ha.", sabi ni Dani. "Iniisip mo ba 'yung sinabi ni Nat?"

"Oo eh."

"Zoey, if it would calm your mind, may kasamang katulong si Nathan ngayon.", sabi ni Reg.

"Hindi ba siya inaalagaan ng mother niya?", tanong ko.

"Ah, so hindi pa pala nak-kwento sa'yo ni Nathan. Medyo complicated kasi ang pamilya nila. Iniwan sila nung tatay niya maliit palang siya kaya kailangang kumayod ng mama niya para sakanya. Hindi sila masyadong close ng mama niya eh kasi laging wala sa bahay para asikasuhin 'yung business nila. Kaya minsan nagrerebelde itong si Nathan, alam mo 'yon para magpapansin."

"Kahit na may sakit siya?"

"Kung lagnat lang naman mukhang inaasa niya na sa mga katulong 'yon, pero naalala ko noong na confine si Nathan dahil sa dengue nasa tabi niya naman 'yung mama niya. Siguro depende sa level ng sakit?"

Kung ganyan ang mama ni Nathan, kabaliktaran naman sa akin. Konting ubo at sipon lang para na akong mao-ospital sa reaction ni Mom. She's always sorry that she is not here for me sa tuwing magkakasakit ako noong magkahiwalay kami.

"Gusto mo bang pumunta?", tanong ni Dani. Hindi ako makapagsalita pero gets na nilang lahat kung anong ibig sabihin noon.

"Dadalaw kami ni Rick mamaya, gusto niyong sumama?", pag-aaya ni Reg. Alam kong wala naman talaga silang balak bumisita. Bakit mo naman bibisitahin eh lagnat lang naman. Alam kong ginagawa nila 'to para sa akin. Tumango ako at kumain na.

Bumili kami ng mushroom soup at mga fruits bago kami pumunta sa bahay ni Nathan. Pinagbuksan kami ng katulong na naghahanda ng bimpo para kay Nathan.

"Kumain na po ba siya?", tanong ni Reg.

"Hindi pa nga po sir eh, puro tubig pa lang. Kayo po kumain na po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo." Tumanggi kami at sinabing kumain na kami. At least naman consistent ang tubig niya.

"Kami na po diyan.", kinuha ni Reg ang palanggana na may nakababad na bimpo. "Magpahinga na po kayo ate." Nagpasalamat ang katulong at nag-ayos na sa kusina.

"Zoey oh.", inabot sa akin ni Reg ang palanggana. "Sige na, alam kong gusto mo siyang puntahan." Marahan kong kinuha ang palanggana at umakyat sa kwarto niya, sinamahan ako ni Carol habang ang iba nasa kusina na inaayos ang pagkain.

"Hindi naman siya multo.", pagbibiro ni Carol.

"Baliw, basta kailangan ko lang ng kasama." Kumatok kami sa kwarto niya, pero walang sagot. Binuksan ko ang pintuan at nakita siyang nakahiga sa kama, natutulog.

"Nathan?", tawag ni Carol. "Nandito kami. Uy, Zoey, lapitan mo na." Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Nathan?" Binuksan niya 'yung mata niya ng kaunti at ngumiti ng kaunti.

"Zoey? Ikaw ba 'yan?" Tumango ako. Hinawakan niya yung braso ko. "Akala ko hallucination ko lang ulit."

"Hindi ka daw kumakain.", sabi ko. Hindi siya nagsalita. Binabad ko ang bimpo at piniga ang tubig atsaka pinunasan ang mukha niya. Ang init niya. "Alam mo namang pag may sakit ka kailangan mong kumain."

Nakatingin lang siya sa akin. "Sabi ko na gusto mo pa rin ako." Natigilan ako at nat-tempt nanaman akong magalit. Tinignan ko siya ng masama. "Oh, joke lang.", sabi niya na medyo paos pa.

Umakyat na ang iba na dala ang soup at fruit shake para mas madali niyang malunok. Iniabot nila sa akin ang bowl at iniayos si Nathan para makaupo. Sinusubuan ko siya at nakatingin lang siya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako kumportable sa tingin niya sa akin.

Tumayo ako at ibinigay kay Reg ang bowl. Lumabas ako ng kwarto at hinabol ako ni Dani.

"Huy, okay ka lang, bakit?"

"It's not supposed to be like this. Dapat galit ako sakanya, dapat wala ako ngayon dito."

"Zoey, listen. Is it that impossible for you to forgive him? Because I think you already did but your mind just wants to punish him." May point si Dani. "You did a geat job today lowering your pride. No one is pressuring you to love him again or to accept him again as your boyfriend. We just want you and him to be at least friends again. Alam mo naman kung gaano ka immature 'yang si Nathan diba?"

"I want to go home.", sabi ko.

"Okay beh.", nagpaalam ako kay Dani at siya na ang nagpaalam sa iba. Sumakay ako sa kotse at umuwi na. I hate it that my heart beats for him like that. Hindi dapat ganoon, hindi.  

"I Love You Nerd Part 1"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang