Chapter 21: Finding Meanings

35.1K 461 25
                                    

Zoey's POV

Camera dito at Camera doon, nakakamiss din palang gawin 'to. Nag-invite si Kuya ng media personnel para i-cover ang event na ito.

Isa sa pinaka mayamang pamilya sa Pilipinas, nagsama muli

Mercado family, magpapasko ng magkasama matapos ang labing dalawang taon

At marami pang ibang highlights tungkol sa magiging reunion namin. Sa Pilipinas, mayroon tayong necessity na magpasko kasama ang pamilya natin. Kasama 'yon sa norm natin na may mini reunion ang mga tito, tita at mga pinsan. Pero dahil nga sa sitwasyon ng pamilya namin, luxury ang magsama sama sa Pasko dahil sa ganitong panahon mas busy ang Hotels.

Taliwas sa sinasabi ng mga tao, hindi man normal setting ang pamilya namin, hindi ibig sabihin neto hindi na namin mahal ang isa't isa o wala nang pakialam sila mom and dad sa amin. Hindi lang nila alam kung gaano pinipilit nila na magsama kami pero hindi lang talaga pinapayagan ng circumstances.

"Family is one of the most important things in our life. You are willing to lose everything expect your family. I can give up everything except my wife and my two children.", sabi ni Dad ng tinanong kung ano ang importance ng family para sakanya. "We built family themed hotels and restaurants because we want to remind people that wherever they go, they can feel the warmth and the love of a family. We may not be the regular family that everyone has, we are still that family who longs to be with each other."

Nakaka touch naman. Naluluha na ako pero kailangan kong pigilan kasi may sasabihin pa ako.

"Ms. Gen, how does it feel to have everything that you want?", tanong nung interviewer. Hindi ako masyadong natuwa kasi parang ang tono ay lahat ng gusto ko nakukuha ko. Heck no.

"Actually, that is one of the greatest myths people think about me. I don't get everything I want. My parents raised me to be humble and to work for the things that I want. Those who know me personally will testify that I just don't go to malls and shop till I drop. No, I budget based on my allowance, I save based on whatever excess I have. But yes, I am short-tempered, I know that's one of the rumors about me." Nagtawanan kami.

Ang aim ng short video na ito ay para i-endorse ang hotels and restaurants namin through revealing the story behind why these hotels are built.

"Now, we are giving thousands of jobs to our fellow Filipino workers who are mostly breadwinners of their family. This is not just about us getting rich, like what most people think, but this is also to give opportunities to different families in the Philippines and abroad."

Natapos ang interview namin at parang mas nakilala ko pa sila Mom and Dad ng malalim. Dahil hindi ako mahilig manood ng mga interviews nila or makinig sa mga meetings kahit na sinasama nila ako minsan, ngayon ko lang narealize na ganito kalalim ang vision ng kumpanya.

"Good job, Gen.", sabi noong director. Nagpasalamat kami at nag wrap up na. Dumadami ang taong kumakain sa restaurant at hinahanap ako at si Kuya Carlo. Visual wise, mas mukha siyang artista kaysa sa akin.

Ni-release ang video isang linggo bago magpasko at tama nga ang ineexect, dumami ang inquiries at reservations para doon sa mga activities lined up for the Christmas season. Although hindi sobrang taas at medyo mataas pa din sa kabilang hotel, atleast marami-rami din ang naidagdag at expected na malalagpasan ang quota. Binuksan ko ang facebook ko at nakita kong nagkalat ang mga articles about sa family namin at ilang articles tungkol sa akin.

Wow, sobrang ganda na ni Gen ngayon.

Mukhang may rason na akong pumuntang Baguio.

Anyone na may alam kung may available hotels or kahit transient man lang sa Baguio for Christmas? Fully booked na kasi lahat eh.

Wow, nakaka-amaze naman 'yong family nila.

At ilan pang mga similar comments sa mga articles. Mukhang mini debut ko na nga ito. Nag scroll pa ako nang may nakita akong change ng relationship status.

Si Natasha, in a relationship with Nathan Reyes. May parang kurot akong naramdaman sa puso ko nung makita ko 'yon kasama ng mga recent pictures nila na magkasama. Hindi nakangiti si Nathan, pero magkasama sila.

Natigil ako sa pagtitig sa post na 'yon nang tumunog ang cellphone ko. Si Dani tumatawag.

"Dani girl, kamusta?"

"Zoey! I saw all the post , grabe! Hindi ko maimagine na may kaibigan akong artista!"

"Gaga, promotional lang lahat ng 'yon."

"Of course I get that. But still, hey, people are intrigued!"

"Yeah, I know, nag private na nga ako ng social media sites ko eh. Sobra ang netizens mag intriga."

"Oo naman. Kamusta ka na diyan? Are you having fun?"

"Yes, oo naman. Masaya dito." Hindi siya sumagot pero parang may gusto siyang sabihin. "Huy, bakit?"

"Zoey, sorry ha. Kailangan ko lang 'tong sabihin, pinapasabi kasi ni Nathan. Huwag mo lang daw pansinin 'yung mga pinagpo-post ni Natasha.", sabi ni Dani.

"Alam mo Dani, sa dami ng ginagawa ko dito hindi ko na nga naiisip si Nathan. Wala na rin akong pakialam kung ano mang gusto nilang gawin. Basta ako, I'm going to live my life happily."

"Yes, that's nice be. And one more thing, I just overheard it but I'm no sure kung matutuloy. May malaking chance na pumunta sa fashion show si Nathan at si Natasha."

"Ha? Bakit?"

"I don't know sponsorship daw? And gusto kang ma-meet ni Natasha daw eh." Hindi ako nakapagsalita. "Are you okay?"

"Thanks for informing me, para siguro ihanda ko sarili ko."

"Oo sige, I'm sorry hindi pala kami makakapunta ni Carol, our family is here eh."

"No worries be, I'll see you both next year!" Nagpaalam na ako at tinignan ulit ang relationship status ni Natasha sa Facebook. Am I ready to face them?   

"I Love You Nerd Part 1"Where stories live. Discover now