Thirty

314 18 10
                                    

JADE

"I said 'yes'"

Part of me was sad when Seonho told me that he said yes to Jam. Nag-agree siya sa sinabi nito na makipag-date sakanya. Hindi ko inexpect na gagawin iyon ni Seonho. He's not the type of guy na basta-basta nalang magsasabi ng ganoon ng walang dahilan.

"Why did you say yes?!" I was so damn frustrated and don't know what to do. Ewan ko ba bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"I just want to. Masama ba 'yon? Date lang naman eh." He casually said yung tipong wala talagang malalim na dahilan kung bakit niya ide-date si Jam. But still, part of me is sad knowing that he'll be dating Jam.

"Wow. You're not the type of guy that will say na gusto mo lang at wala ng ibang dahilan." I said. I was looking intently at him and he is doing the same thing. I really want him to tell the truth kung bakit siya nag-agree sa sinabi ni Jam. I want to know at least... kahit yung dahilan lang niya.

"Jade, gusto ko lang subukan.... Masama ba 'yon? Maybe I'll get to like her while we're dating..." Seonho said. Para bang naghahanap din siya ng right words para hindi ako masaktan sa mga sasabihin niya.

Eh hindi naman talaga ako nasasaktan eh. I just want to know his reason. At ang sinasabi niyang reason ay sobrang walang kwenta. Hindi ako naniniwala na dahil gusto lang niyang subukan na i-date si Jam. There's a reason more than that... bakit ba ayaw niya sabihin sa akin?

"I don't believe you, Seonho. I'm sure may iba ka pang reason. Why won't you tell it to me? Sabihin mo na kasi!!" I said, quite anxious and mad.

"Bakit ba ayaw mo maniwala, ha?!" He shouted at me. It's the first time that he did that to me. Galit na ba siya sa akin?

"Hindi kasi kapanipaniwala ang reasons mo!" I shouted back. Kaunti nalang maiiyak na ako. Kaunti nalang...

He sighed. "Jade, just tell me honestly. Nagseselos ka ba, ha?! Just tell it to me straightly para hindi ako naguguluhan bakit ganyan ka umasta!"

I closed my eyes for awhile "Hindi ako nagseselos..." am I?

When I opened my eyes I saw in his eyes that he's frustrated. Naiinis na siguro siya sa akin. Naiinis siya sa inaasta ko.

"Jade, please be honest to me kahit ngayon lang. Sabihin mo na kasi. Sabihin mo ang totoo."

"Ano bang totoo ang gusto mo malaman?"

"Na nagseselos ka."

"Hindi nga ako nagseselos."

"I told you na isang sabi mo lang na iwasan ko si Jam, I'll do it pero sabi mo hindi ka nagseselos. And now that I agreed to her you're acting the same. Hindi ka ba talaga nagseselos?" Iritado na ang kanyang boses. Naiirita siya sa akin.

"Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang talaga malaman ang rason mo." I stare at him with no emotions at all but deep inside me I really want to cry. I don't know why I'm acting like this. I'm freakin' confused.

"I already said my reason, Jade. Paulit-ulit nalang ba tayo? Hindi ka ba makaintindi, ha?! Gusto mo spoon feed nalang lagi? Hindi mo talaga naintindihan yung explanation ko kanina?! Slow ka ba ha!?..." Niyuyugyog niya ang aking balikat habang sinasabi niya iyon na para bang madama ko lahat ng kanyang sinasabi.

Natatakot ako. It's the first time that I saw him like that.

"Tinatanong lang naman kita kasi you're not the type of guy na mag-aagree agad sa gusto ng ibang tao dahil gusto mo lang subukan iyon. Seonho, kahit best friend kita hindi ako papayag na basta mo nalang ako sasalitaan ng ganyan...." Naramdaman ko agad ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mata.

"Kung si Jam ang makakasira ng dalawang taon nating pagkakaibigan then be it. Wala na akong pakialam sa gusto mo. Wala na akong pakialam kung masira na ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sakanya."

What the heck? Why am I crying?

I saw him just looking at me na para bang may narerealize sa puntong iyon. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Fine. Wag mo na akong kausapin simula ngayon. Don't even bother look for me and hangout with me. Bahala ka na sa gusto mong gawin,"

"Basta I'll date Jam at wala ka nang magagawa doon."

And then he just left me.

Nuǎn | Yoo SeonhoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon