Twenty

324 22 8
                                    

Madaling naglalakad si Jade palabas ng kanilang school dahil may lakad pa sila ng kanyang best friend na si Seonho. Nag-overtime kasi ang isa nilang teacher kaya na-late siya sa paglabas ng school.

2:30pm dapat ang kanilang uwian pero naging 3:00pm dahil nag-extend ang teacher nila ng 30min. Wala naman silang magawa dahil adviser nila iyon.

Palabas na sana siya ng kanilang school nang biglang may tumawag sakanya "Jade! Hinahanap ka ni ma'am Jenny." napalingon naman siya sa tumawag sakanya. It's her classmate; Anna.

"Ha? Eh bakit daw?" She asked in confusion.

"May ipapagawa daw sayo." Nang sinabi iyon ni Anna ay agad naman siyang pumunta sa faculty room para mas mabilis niyang matapos ang gustong ipagawa ng Ma'am Jenny nila.

Jade's a student assistant in their school kaya kapag pinapatawag siya ng kanilang teacher ay lagi siyang pumupunta agad dahil isa iyon sa requirement niya sa pagiging student assistant.

"Bakit kasi ngayon pa ako naalala ni Ma'am eh." She said to herself on her way to the faculty room. Nag-aalala siya dahil baka nandoon na si Seonho sa meeting place nila. 3:00pm ang kanilang call time and it's freakin' past 3pm already kaya kinakabahan siya dahil baka magtampo nanaman sakanya ang best friend niya.

Bad timing din ang kanyang cell phone dahil lowbat na iyon kaya hindi niya ma-chat or matext man lang si Seonho.

"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?"

"Yes, Jade. Please arrange these papers from A-Z. I need it at 5pm."

That got her worried even more. 3pm ang call time nila and kung aayusin niya lahat ng papers na pinapa-ayos sakanya baka mga 5:30pm na siya makarating sa meeting place nila ni Seonho.

"Ah, ma'am. Pwede po ba bawasan niyo po yung ipapaayos niyo po sakin na papers?" kumunot-noo ang Ma'am Jenny niya nang sinabi niya iyon. "May importanteng lakad po kasi ako ma'am dapat po 3:00pm nandoon na ako..."

"But this is also important, Jade. You're a student assistant and you can't say no to what we've told you to do."

"I understand ma'am but this is the first time naman na---"

"Alright, sige. Papayagan kitang umalis agad basta maayos mo yung papers until letter P."

Napangiti siya nang sinabi iyon ng Ma'am Jenny niya.

"Thank you, Ma'am! Sisimulan ko na po." She said while smiling kaya binilisan nalang niya ang pag-arrange ng mga papel from A to P.

SHE WAS happy when she put the last paper on the desk. "Yes! Last paper for the letter P." Agad niya iyong sinabi kay Ma'am Jenny at pagkatapos niyon ay umalis siya agad sa faculty room.

Dali-dali siyang tumakbo palabas ng school gate nila nang makita niyang 5:00pm na. She was too preoccupied and she didn't even saw and heard Guanlin. Ang kanyang nasa isip lamang ay ang makapunta sa sa meeting place nila ni Seonho.

•••

Malugkot si Jade nang makarating siya sa meeting place nila ni Seonho, wala na siya doon.

"Hala, baka isipin nanaman ni Seonho inindyan ko siya..." she said to herself.

She tried to look for someone at nang may makita siyang naglalakad doon ay tinanong niya iyon.

"Uhm kuya, may nakita po ba kayo kanina dito na isang lalaki? Mga medyo katangkaran niyo po. His hair is brown, cute yung aura niya at baka bumili rin siya dito ng---" hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil biglang may naramdaman siyang yumakap sakanyang likod.

"Hmm, so am I really cute?" tanong nito sakanya at halata sa boses nitong inaasar siya nito.

It's Seonho. Kahit hindi pa niya harapin ito alam niyang best friend niya ang yumayakap sakanya ngayon.

"Ayan na po ata siya, alis na po ako hehe." sabi nung lalaking pinagtanungan niya and she just nodded.

Langya, pakiramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya.

Bakit kaya?

Kumalas siya sa pagyakap ni Seonho at humarap si Jade kay Seonho.

"Sorry nalate ako, hindi ko naman sinasadya eh. Ang dami kasing nangyari kanina na dapat hindi naman talaga nangyari. Nakakaiyak nga eh muntikan na talaga akong umiyak akala ko di na kita maaabutan dito. Akala ko magagalit ka nanaman sa---"

Seonho cupped her face and said "Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, Jade. Ang mahalaga nandito ka na."

Walangya. Bakit siya kinikilig sa best friend niya?

Nuǎn | Yoo SeonhoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon