Chapter 58.1 [ relinquish]

Start from the beginning
                                    

Ipinikit ko ang aking mata at sinubukan alamin ang aura ng papalapit samin . Ng may nakita akong dalawang aura . Isang aura na pamilyar sakin at isang aura na sobrang lakas at ngyon ko lang naramdaman

Na kuha naman ang atensyon ko ng  biglang hinawakan ni cally ang kamay ko . Tumingin ito sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti

'I'm here walang makakapanakit sayo . ' sabi nya . Napangiti naman ako ng mapait sa mga sinabi nya .

Inihanda na namin ang nga sarili namin dahil konti na lang ang agwat ng mga taong papalapit samin.

Hanggang sa gitna ng makapal na hamog ay may biglang lumabas na dalawang tao . Pamilyar sakin ang babae rito at hindi hindi ko malilimutan ang mukha nya .

Ang traydor sa grupo .


'Cally , cally , cally ' tawag ng lalaking kasama ni lightning kay cally


Kilala ko ang lalaking kasama ni Lightning nakita ko na sya sa litrato . Ngunit hindi ko malilimutan ang mukha nya . Ang pilat sa kanan nyang mata . At ang kakaibang ngiti sa labi nito

'Tres' mahinang sambit ni cally at naramadaman ko na lang na biglang humikpit ang kapit nya sa kamay ko


Pano sya nakasali sa laro gayon na di sya kasali rito ? Pano syang nakapasok rito ?





'Ibigay mo na sa kuya mo ang babaeng yan cally . Sya ang daan para magtagumpay ang kahariang kumupkop sayo '


Nakita ko ang galit sa mga mata ni lightning habang nakatingin sakin . May hawak itong espada at may bahid pa ito ng dugo .

'Kahit kelan hindi kita naging kadugo tres kung may kadugo man ako na nandito sa laro ay hindi ikaw yun 'sagot ni cally

Nagtaka naman ako sa mga sinabi ni cally . Sino ang sinasabi nyang kadugo nyang nandito sa laro . Wala na naman kapatid si cally kung di si ully lang . At matagal ng patay si ully .

So sino ?

'Hahahaha ! Cally , ipagpapalit mo ba ang kapangyarihan sa babaeng hindi ka binalikan . ' tawa nito

'Tumigil ka ! Kahit kelan di ko sya ibibigay sa inyo ' sambit ni cally at lalo akong hinarangan .

Nakaramdam na lang ako ng takot ng biglang tumigin sa akin yung tres . Ngumisi ito sakin

'Papatayin nyo muna ko bago nyo sya makuha sakin ' dagdag pa ni cally . Lalo akong kinabahan . Ayokong may mawala pa sa amin .

Ayokong may mamatay nanaman . Kung ako ang kaelangan nila handa kong ibigay ang sarili ko para matigil lang ang gulong ito


'A-ako ba ang k-kaelangan nyo ?' Ani ko nakita ko naman na tumingin sakin si cally

'Oo ikaw taga lupa' sagot nito



Humikpit ang hawak sakin ni cally at tinignan ako ng mariin . Umiling pa ito ngunit inalis ko ang pagkakahawak nya sakin


Crystal Crown Academy (Fire n Frost ) UNEDITEDWhere stories live. Discover now