VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part One)

Start from the beginning
                                    

Kahit wala akong interes sa basketball ay napilit pa rin nila ako; moral support ba para kay Wilbur?

Kaya kahit ang get-up ko ngayon ay pang-civilian--puting t-shirt na nasa ilalim ng dark-blue denim jacket, itim na pants, at puting rubber shoes ay pumasok pa rin ako sa school. Mabuti na lang at hindi kami nasita ng guwardiya. Mukhang alam naman kasi ni Manong Guard ang bawat schedule ng sa SHS.

"Uy, Seff. Bibili lang ako ng snacks sa canteen. Pasabay ka?" tanong sa akin ni Lewis habang tumayo sa aming kinauupuan sa may bleachers--sa may bandang gitna--sa kaliwang banda. Mayamaya pa ang klase niya, kaya heto at siya muna ang kasama kong manood. Paunti-unti na ring dumarami ang mga taong nasa loob, lalo na at isang oras na lang at magsisimula na ang game.

"Ah, sige. Kahit hotdog sandwich na lang at bottled orange juice," sagot ko, at saka ko kinuha ang aking wallet mula sa bag.

"No problemo!"

Inabot ko sa kaniya ang pambili at dali-dali na siyang umalis. Habang ako na iniwan, nakapangalumbaba na. Hindi naman ako makapagsulat dahil madali akong ma-distract sa ingay at sa mga nakapalibot na mga tao. Sino ba namang manunulat ang gustong makapag-isip ng isusulat sa gitna ng mga ganito karaming tao, hindi ba?

USF Red Lions vs. VCF White Falcons

Mukhang bigatin ang makakalaban nina Wil, dahil magmumula sa Villaverde College Foundation ang makakatunggali nila para sa friendly match na ito.

"Ah, Yohan!" Napabalikwas ako nang marinig ang isang tinig. Pag-angat ng aking ulo ay tumambad sa akin ang isang lalaki sa harap ng upuan ni Lewis. In-analyze ko munang maigi kung nagkausap na ba kami noon. Pero sa pamilyar na hitsura pa lang niya, malamang ay nagkita na kami noon. Medyo natawa nga lang ako, dahil hindi naman Yohan ang pangalan ko.

"Uhm, Yoseff po." pagkaklaro ko sa aking pangalan, pagkatapos ay inaayos ko ang pagkakaupo ko.

"Puwede bang makiupo sa katabing seat?"

"Ah, occupied na po ito, Kuya," sagot ko sa lalaking kausap ko ngayon, sabay ngiti-- 'yong medyo pilit na parang ngiting-aso na. "'Yong kasama ko, pero bumili lang 'yon ng merienda."

"Oh, ganoon ba?" malamlam na sagot ni Kuya Aldred, kaya umupo na lang siya sa bandang ilalim ng inuupuan ko na bakante pa.

Aldred Errol Santos--Sports Editor ng The Graphophiles' Joint. Ngayon lang nag-sink-in ang lahat ng impormasyon nang mabasa ko ang pangalang nakalagay sa kaniyang I.D. Hay, hindi talaga ako matandain sa mga tao. Geez! Nakakahiya ang mga pinanggagawa ko.

Sa totoo lang ay ini-i-skip ko lang ang Sports column kapag nagbabasa ng diyaryo, kaya hindi ko masiyadong binasa ang ilan sa articles nila noon. Pero ayon kina Joenell, magaling daw iyang manunulat. At hindi na ako magtataka pa. Halos lahat naman ng bahagi ng Joint ay may angking galing sa paghahabi ng mga balita.

At nagtataka pa rin ako kung bakit may isang Yoseff Adrian Muñoz na nagawi roon.

"Heto 'yong bibigyan ko ng coverage ngayon," ang sabi pa niya, at saka siya lumingon mula sa kinauupuan niya sa bandang ibaba, paharap sa upuan ko.

"Kumusta na pala 'yong article mo?"

"Iyon..." Napaubo tuloy ako sa tanong niya. Parang wala akong mukhang maisagot sa kaniya. "Wala pa ring improvement." Napangiti na lang ako muli.

Medyo natigilan itong si Kuya Aldred. May nasabi ba akong hindi maganda?

"Sus! Matatapos mo rin iyan!" kumento niya sabay kibit-balikat. Mahirap mang basahin ang ekspresiyon niya, ngunit ramdam ko 'yong ano--'yong generosity. Hindi pala lahat ng mga katulad niya ay mga intimidating. Kung titingnan mo ang katayuan niya sa Joint, ay mukhang napaka-down-to-earth nito.

The Graphophiles' Joint | Volume OneWhere stories live. Discover now