relate ka

4.9K 102 11
                                    

Relate ka d2..
Basahin kung Hindi Mu Pa Nabasa..


ANAK: Tay, puede bang mag tanong?
TATAY: Sige anak, ano yon?
ANAK: Magkano 'tay sweldo mo kada
araw?
TATAY: Di mo na dapat paki-alaman yon!
Bakit naitanong ganyang tanong?
ANAK: Please 'tay, gusto ko lang po
malaman sweldo mo sa isang araw.
TATAY: Kung alam mo lang, sumasahod
ako ng 500 pesos isang araw.
ANAK: Ohhh.. (napa yuko ang ulo)
ANAK: Ah 'tay! Pwede bang maka hiram
ng 20pesos?
Medyo inis na napa-isip yung tatay.
TATAY: Kung ang dahilan mo ng
pagtatanong kung magkano sahod ko kada
araw ay yang walang kwentang dahilan
mo at para maka bili ka ng laruan mo,
pumunta ka na lang ng kwarto at matulog!
Nagpapaka hirap ako mag trabaho araw
araw para lang sa makasariling dahilan na
yan?
Tahimik na pumasok ng kwarto ang bata
at isinara ang pinto.
Umupo ang tatay at mas nainis pa habang
iniisip ang tanong ng bata. "Pano niya
naisip na magtanong kung magkano sahod
ko kada araw para lang mangutang?"
Pagkatapos ng isang oras huminahon ang
tatay at nag isip uli bakit siya natanong ng
bata.
"Baka naman kaya nanghihiram ng pera
ang anak ko ay may kailangan talaga
siyang bilhin na importante dahil madalas
di siya humihingi sakin."
Pumunta sa kwarto ng bata at binuksan
ang pinto.
TATAY: Anak, gising ka pa ba?
ANAK: Opo 'tay gising pa ko.
TATAY: Iniisip ko anak na baka kaya ka
nanghihiram ng pera ay baka may bibilhin
kang importante talaga. Baka masyado ko
naging mainitin kanina. Eto na ang 20
pesos na hinihiram mo.
Tumayo ang bata at ngiting ngiti.
ANAK: Ohhh.. Salamat po 'Tay!
Tapos may kinakapa sa ilalim ng unan ang
bata at nakuha ang mga lukot na perang
papel. Nakatitig ang tatay at mas lalong
nagalit na sa bata. Dahan dahang binilang
ng bata ang lukot na perang papel at
tumingin sa tatay.
TATAY: (pagalit) Bakit kailangan mo pang
manghiram ng pera kung meron ka
naman na pala?
ANAK: Dahil hindi po sapat ang perang
naipon ko, pero ngayon po sakto na Tay..
'Tay, meron na po akong 500 pesos.
Puede ko po bang bayaran ang isang araw
mo bukas para makasama at maka laro
man lang kita mag hapon? Gusto po kita
maka laro..
Natulala ang saglit ang tatay, tumulo ang
luha..pagkatapos, niyakap niya ng
mahigpit ang bata. Humingi ng tawad sa
lahat, lalo sa kawalan niya ng oras para sa
anak.

SUN 12:15AM

Short StoriesDär berättelser lever. Upptäck nu