Chapter 31. [Define Like]

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa sinabi niyang yun, may kung anong pumitik sa puso ko. Ah shet!

"Guys, tapos na ko kumain. Magpapahangin muna ako ha? Ang init eh."

Bago pa sila makapagsalita, nauna na akong umalis.

Hindi ko alam bakit ako umalis eh. Ewan, para kasing nasusuffocate ako sa usapang yun? Ewan ko ba. Ang weird.

"Sarap magpahangin dito 'no?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Chris pala.

Binalik ko yung tingin ko sa dagat. "Oo. Fresh air eh."

Walang nagsalita samin. Ang komportable kasi ng silence between us. Parang, ang komportable niyang kasama.

"Chris, pwede ba akong magtanong?"

"Oo naman. Kahit ano."

Napabuntong-hininga ako.

"Iniwan pala ni Kim si Blake dahil sa pangarap niya?"

"Oo."



"Nasaktan siya?"



"Oo."

Ganun pala yun. Ganun pala yung nangyari.

"Ah."

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang."

Natahimik na lang ako.

"Kaycee, ako naman magtatanong sayo."

"Ah, sige. Ano yun Chris?"

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon