“Ouch! Ang sakit mo naman magsalita. Tagos tagusan.” Hinawakan pa niya ang sdibdib niya habang sinasabi ko yun. Alam na alam tuloy na nag iinarte lang siya na lalo kong kinainis.

“Ano ba ang kailangan mo? Di ba sinabi ko nang ayaw na kitang makita? Ang totoo niyan kahit anino mo o ang dulo ng kulot mong buhok ayaw kong makita.” Padabog akong naglakad palapit sa kotse ko. Nadaanan ko pa siya na nakasandal pa din sa kotse at naamoy ko tuloy ang pabango niya. 

“Grabe ka. Ang ibang babae, nagkakandarapa makita lang ako, pero ikaw… tsk tsk… Pero di bali..Iniinvite nga tayo ni Marianne. ..” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Dahil alam ko naman na ang pagpapanggap namin ang tinutukoy niya at wala na akong planong ituloy pa yun.

“Hindi pa ba clear sayo? I don’t want anything to do with you. Sasabihin ko kay Marianne na naghiwalay na tayo. In that way libre na siyang landiin ka. Ewan ko nga lang kung gaganahan pa siya pag nalaman niya ang totoo.” Tumaas ang kilay ko. Naisip ko pa lang ang mangyayari kapag nalaman ni Marianne, gusto ko ng tumawa ng malakas.

“Seryoso ka ba talaga sa sinabi mong ayaw mo na akong makita?” Umalis na siya sa pagkakasandal sa kotse ko at lumapit sa akin ng kaunti. Automatic naman na napaatras ako sa hindi ko alam na dahilan. O baka dahil ayaw ko lang talagang mapalapit ako sa kanya at baka mahawa ako sa kung anumang bacteria na meron siya. Kahit na mukha namna siyang malinis.

“Mukha ba akong nagbibiro nung mga panahon na yun?” I clenched my teeth at tiningnan siya ng mabuti. 

“Oo. Mukhang ka kasing broken hearted nun.” Anong pinagsasabi ng gunggong na to?  

“Umalis ka na nga. Iniistorbo mo na ako!” Sabay abot ng pintuan ng kotse ko at pumasok. Pero hindi ko pa nga napapaandar at naisasara ang pinto nung pinigilan niya ito para d magsara.

“Rose naman…” Pinandilatan ko siya ng mga mata pero hindi effective. Kelan ba naging effective sa kanya ang mga ganun kong gesture?  

“Bakit ba ang tigas talaga ng ulo mo?” Irita na irita na talaga ako. Ang ganda pa kanina ng araw ko pero nung nakita ko siya parang biglang dumilim. Parang nabalutan ako ng mga dementors at unti unti akong sinaniban ng demonyo.  

“Hindi pa nga tumitigas.” At nakuha pa talaga niyang maging bastos despite my heated tempre. Sabihin niyo nga, ano ba ang gagawin  ko sa lalaking ito para tigilan na ako? Hindi nadadala sa pakiusap, hindi nadadala sa reverse psychology, hindi nadadala sa pananakot, hindi nadadala sa bugbog. Nakakafrustrate na siya. Kung si Emerson nga, hindi na ako iniistorbo at nirerespeto ang desisyon ko, bakit itong si Jayson, hindi niya kayang gawin yun?Bakit hindi siya maging katulad kay Emerson na gentleman kahit uto uto?

“Lumayas ka! Bakit ba sa dami ng pwede mong guluhin, ako pa ang napili mo? Nakakaasar ka na. Magpafile na ako ng harassment laban sayo.” At sinara ko na ang pinto. Kesehodang maipit pa siya at tsaka pinaandar na ang kotse. Nakahinga pa ako ng maluwag dahil alam kong makakaalis na ako sa wakas.

Pero dun ako nagkamali. Dahil humarang sa daraanan ko ang walanghiya. What the fuck! Bakit ganito siya? Nauubusan na ba ng babae at ako na ang pinagtitripan nito?

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now